IKA-LIMANG KABANATA

9.9K 398 18
                                    

KANINA nang umalis kami sa store, ang sabi niya ay malapit lamang ang tinutuluyan nila ng kanyang lolo Molino. Pero kanina pa kaming naglalakad ay hindi pa rin kami nakakarating. Ang tagal ko nang naglakad kanina noong hinahanap ko ang Linawo tapos maglalakad ulit ako nanag pagkahaba haba? 


"Malayo pa ba?" Pagod na tanong ko sa kanya.


"Malapit na. Magtiis ka lang."  Walang gana nitong sagot sa akin at patuloy pa rin sa paglalakad.


"Kanina ka pang malapit nang malapit pero halos tatlong oras na tayo naglalakad!" Reklamo ko sa kanya at sinipa ang maliit na bato na nadaanan ko. Hindi ba niya alam na babae ako? Mabilis mapagod ang babae! Kanina pa kaming lakad nang lakad pero hindi pa kami nakakarating! Feeling ko tuloy mapuputol na ang paa ko dahil sa haba ng nilakad namin.


"Kanina ka pa ring nagrereklamo wala ka namang naitutulong. Isa pa, wala pang isang oras tayong naglalakad. Masyado kang maarte." Saad niya sa akin. 


Inambahan ko siya ng aking kamao at kunwaring sinisipa siya. Gusto ko s'yang sipain at tarakan ng sanga sa leeg. Kung hindi ko lang s'ya talaga kailangan ay kanina ko pa ginawa ang gusto ko. Sino bang hindi aarte kung masakit na ang paa ko?


Nasa unahan ko sya samantalang nasa likod naman nya ako. Gubat ang dinadaanan namin kaya hinapit ko ang balabal na suot ko at ang hood nito para yumakap sa katawan ko. Malamig din ang dinadaanan namin. May kumakapit ding mangkit sa aking suot na balabal.


Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Ang lalaking kasama ko ay tahimik na naglalakad samantalang ako naman ay tahimik na nagrereklamo. Matataas na damo ang nadaraanan namin at may minsan ay may talahiban pa kaming nadadaanan.


"Ikaw ang babaeng iyon, hindi ba?" Biglang pagtatanong niya sa kalagitnaan ng katahimikan. 


Kumunot ang noo ko bago magtanong sa kanya. "Sino?" Takang tanong ko sa kanya. Bahagyang bumagal ang lakad n'ya at saka lumingon sa akin.


"Princess Samara. Ang weak Princess 'kuno' ng Faraci clan at ng Clasoryas." Sabi nya at tumingin sa akin. "Tama ako, 'di ba?" Saad niya. Bahagyang tumaas ang kanang kilay ki dahil sa tinuran niya. 


Weak. 'Yon lang ba ang alam nila sa prinsesa? Ang pagiging mahina? Lahat naman ay may kahinaan, hindi nga lamang nakikita. 


"Oh tapos?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Umiling lang sya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.


"Akala nang lahat na patay ka na. Pero heto ka, kasama ko." Saad niya at muling nanguna sa paglalakad. 


"Patay na nga, heto nga at sila na isusunod ko." Bulong ko. Ang kaninang pagod na nararamdaman ko, ngayon ay wala na. Napalitan ng inis. Hindi pa ako nagtatagal sa katawang ito pero parang gusto ko nang umalis. Habang tumatagal, napupuno ako ng inis. 


"May sinasabi ka?" Tanong nito na wari'y nahimigan akong bumulong. 

"Wala. Ang sabi ko, bilisan mo na at masakit na ang paa ko. Baka pag tumagal pa ay masipa na kita dahil sa kupad mong maglakad." Saad ko at inirapan sya. Sana hindi na lang ako ng pants kung alam ko na maglalakad ako ng pagka layo layo.


Umiling sya at nagpatuloy na sa paglalakad. Mukhang sa liblib nakatira ang lolo nya dahil gubat ang dinadaanan namin. Hindi ba sila natatakot dito? Parang may multo sa itsura nito. Matataas na puno at malalago ang mga damo dito. Ganito ang mga napapanood ko sa mga horror movie. Feeling ko tuloy nasa wrong turn ako.


"Ano pala ang pangalan mo, lalaki?" Tanong ko dahil nababagot ako sa tahimik ng paligid. Feeling ko lalo akong napapagod kapag hindi ako nagsasalita.


Lumingon siya sa akin at kinonutan ng noo. "Lalaki?"


Tumango ako sa kanya at sumabay sa paglalakad. Binaba ko na din ang hood ko dahil nakakaramdam na ako ng init.


"Yeah, Lalaki. Anong gusto mong itawag ko sa'yo, babae? Bakit, babae ka ba? May boobs ka?" Tanong ko at nilahad ang kamay ko. "Ako si Samara, ang magandang Prinsesa sa balat ng lupa." Tiningnan nya ang kamay ko at inirapan ako saka nagsimula ulit maglakad. Naiwan akong nakalahad pa din ang kamay ko kaya naman napasimangot ulit akong sumunod sa kanya.


"Allen ang pangalan ko hindi Lalaki." Sabi nya ng may arte sa boses. Napakagat ako ng labi ko at pinagmasdan ang likod nya. Meron akong napapansin sa kanya kanina pa habang naglalakad ito. Daig pa ako kung maglakad.


NAKARATING na kami ngayon dito sa gitna ng gubat, sa tingin ko. May nakatayong bahay na gawa sa bato. Kumatok muna si Allen bago binuksan ang pinto. Pumasok sya sa loob kaya naman sumunod ako sa kanya. 


"Lo..." Marahang pagtawag ni Allen sa lolo nya.


Nilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng bahay. Maganda at simple lang. Sa pagpasok ay bubungad agad ang salas. Merong mahabang sofa na gawa sa kawayan at dalawang single sofa din na gawa sa kawayan. Sa gitna nito ay lamesang gawa din sa kawayan. Meron maliit na parang tasa na naglalaman ng kung anong hindi ko matukoy. 


Nakita ko din ang tv na nasa divider na naglalaman din ng mga libro. Section section ito kaya naman maganda tingnan. Malinis ang loob ng bahay. Simple pero maganda.


"Allen?"


Napatingin ako sa matandang bumababa sa hagdanan. Meron ding second floor ang bahay na ito. Hindi s'ya gaanong kataas. Ang first floor ay kung tatalunin lang ni Allen ay maaabot na. 


"Lo, may naghahanap sa inyo." Sabi ni Allen at tinuro ako. Ngumiti ako at kumaway. Nakita ko ang gulat sa mukha ng matanda.


"P-prinsesa Sama-ara?" Gulat na tanong nya at tinuro pa ako. Tumango ako habang nakangiti.


"Kayo po si Molino, hindi ba?" Tanong ko sa kanya nang makababa siya sa hagdanan.


"H-hindi ba't patay k-ka na?" May gulat pa rin sa mukha niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinakatitigan nang maayos.


Napakamot ako sa likod ng tenga ko. Kung patay ba ako ay nandito ako nakatayo sa harap nya? 


"Buhay po ako. Isa pa, nandito ako dahil may gusto akong malaman mula sa inyo. Marami po akong tanong na sa tingin ko ay kayo lang ang makakasagot." Seryosong ani ko sa kanya. Unti unting nawala ang gulat sa mukha ng matandang Molino. Iginaya nya ako sa sofa na yari sa kawayan para umupo.


"Allen, apo pwede bang handaan mo muna ng maiinom ang Prinsesa." Utos ng matanda kay Allen na nasa hamba lang ng hagdan at nakatingin samin. Bumaling sya sa akin at pasimpleng inirapan ako at tumango sa lolo nya. 


Malaki ba ang galit non sa magaganda? Akala mo palagi ay inagawan ko ng candy sa sama ng tingin sa akin.


"Kumusta ka, Prinsesa? Ang huling balita ko sa'yo ay patay ka na dahil sa karamihang dugo ang nawala sa'yo." Pukaw ng matanda sa atensyon ko kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.


"Ayos lang po ako." Magalang na sagot ko. "Nawalan lang po ako ng memorya dahil siguro sa nangyari."


"Yan ba ang dahilan kung bakit ka nandito?" Tumango ako sa matanda kasabay ng paglapag ng juice at tinapay sa lamesang nasa gitna namin.


"Yung nangyari sa akin, lolo. May nakapag sabi sa aking nakita mo ang nangyari sa akin at kayo ang nag-alaga sa akin habang wala akong malay. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa akin bago ako ma-aksidente at paano ako napunta sa Linawo." Panimula ko sa kanya.


Gusto kong malaman muna kung paano ako nabangga. Kung aksidente ba o insidente ang nangyari. Sa nararamdaman ko hindi lang basta inaabuso si Adallina. Alam kong may gustong magtangka sa buhay nya. At yun ang aalamin ko. Kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nabuhay muli sa katawan ng isang prinsesang dapat ay patay na. 

__________________________________________________________
__________________________________________________________

<3

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )On viuen les histories. Descobreix ara