IKALAWANG KABANATA

12.8K 515 50
                                    


"PRINSESA, pinapatawag na po kayo sa baba." Bumungad sa akin ang isang babae na sa tingin ko ay katulong. Nakasuot ito ng kulay violet na bestida na umabot sa kanyang talampakan at ang kanyang buhok ay nakapusod.


"Paano ako bababa kung wala naman alam sa mundong ito." Sabi ko habang prenteng nakaupo sa kama. Hindi pa kasi ako tapos magtanong biglang umalis naman ang bubwit na yun. Gusto ko pa sanang itanong kung nasaang lugar ako at ano ang mayroon dito kaso bigla namang naglaho.


"P-po? Ano ang ibig nyong sabihin, Prinsesa?" Sinenyasan ko syang pumasok dito sa loob at sinunod naman nya.


"Alam mo ba kung bakit ganito ang katawan ko?" Tanong ko sa kanya. Nagbabakasakali lang ako kung may pinagsasabihan si Faraci tungkol sa nangyari sa kanya.


Tumango ang babae sa akin. "Tumakas kayo ilang linggo na ang nakakaraan at nakipag away sa ibang bayan."


Tangina-ano?! 


Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Sabi ni bubwit ay gunahasa at nabangga si Faraci? 


"Yun lang?"


Tumango ito sa akin. "'Yun lang po ang sabi ni Prinsesa Eurasia. May nakapag sabi sa kanya na ikaw daw po ang nakita nila na nanggugulo. Hindi nyo ba maalala?" 


Bakit may dalawang kwento ang nangyari kay Faraci? Hindi ba kasundo ni Faraci ang mga tao dito? Prinsesa Eurasia? Sino naman ang hampas lupang iyon para sabihing nakipag away si Faraci?


"Wala akong maalalang kahit ano at kahit sino." Saad ko sa kanya. Mariin akong tumitig sa repleksyon ko sa salamin. 


Seryoso ba Faraci? Ang ganda mo para maging mahina. Mukhang nasa teenager palang ito dahil sa mukha nya. Inosente at hindi makabasag pinggan. Ito dapat ang inaalagaan.


"Totoo po ba?" Tumingin ako sa babae mula sa repleksyon at tinaasan sya ng kilay.


"Hindi, nagjo-joke lang ako." Pabalang na sabi ko saka siya inirapan.


Yumuko sya at humingi ng tawag. Muli kong binalik ang paningin ko sa kamay ko. Bakit ba talaga ako pa ang napunta dito? Mukhang mahihirapan ako eh.


"Prinsesa kailangan nyo na po talagang magbihis. Ayaw ng Reyna na pinag-aantay sila." Nakita ko ang takot sa kanya. 


"Nakikita mo namang nagmo-moment yung tao, sisingit ka." Muli ko itong inirapan saka tumayo. 


"Oo na susunod na ako." Sabi ko. Nag aalangan man ay sumunod na din sya. 


Dumeretso na ako sa closet para maghanap ng damit. Pagbukas ko palang ay bumungad na sa akin ang ilang damit. Kakaunti ang damit na naririto. Puro din bestida ang lahat.


Walang bang iba dito? 


"Kailangan mong magtiis sa mga damit na yan." 


"Mahabaging damit!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaang pagsulpot ni bubwit sa gilid ko. Masama ko syang tiningnan pero heto sya at namimili lang ng damit.


"Ano ba, pwede bang magparamdam ka muna bago ka sumulpot? Para kang kabute na basta bastang nasulpot kung saan saan." Inis na sabi ko dito. Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay binigay niya sa akin ang kulay dilaw na bestida. 


"Ito ang isuot mo. Mas bagay ang yellow sayo dahil maputi ka." Sabi nya. Tiningnan ko lang sya at ang hawak nyang bestida.


"Ayokong magmukhang araw dahil sa damit na yan. Isa pa ang problema ko ay ang balat ng katawan nito. Paano ko itatago ang mga sugat ng katawang ito." Maktol ko. Inabot niya sa akin ang damit at itinulak sa banyo.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora