IKA-TATLUMPUNG KABANATA

4.8K 252 41
                                    

"Cha! Cha! Cha! Cha!"


"Ma! Milk!"


Lumapit ako kay Alana na nagtatalon sa malawak na palayan. May hawak-hawak itong feeding cup. Sinisipsip n'ya ito na ang laman ay gatas. Mag-iisang linggo na s'ya sa akin at dalawang araw pa lang ang nakakaraan nang malaman kong nainom pa rin ito ng gatas at hindi ito napayag pag nakabaso lang siya. Gusto n'ya ay naka feeding bottle. Kaya naman sa tuwing aalis kami ay lagi na akong may dala-dalang bag. 


Katulad na lamang ngayon. Ang dala-dala ko ay mala gym bag ngunit hindi masyadong malaki. Naisipan kong ipasyal si Alana para maging pamilyar siya sa paligid. Kahit gusto ko na siyang ibalik sa kanyang tunay na kamag-anak ay hindi ko maaaring gawin sa ngayon. 


Tuwang-tuwa si Alana na nakatingin sa mga ibong nagliliparan. Hawak nito ang feeding bottle niya sa kaliwang kamay habang inuut-ot nito at ang kanang kamay naman ay nakataas na parang gustong abutin ang mga ibon. 


Dapat ay kasama namin si Arah ngunit bigla na lang s'yang hinila ni Lara at sa kanya pinasama. Pupunta daw sila sa Ayla. Kaya naman kahit naiinis ay sumama ito. 


"Mama! I want bold!" 


Lumapit ito sa akin. Kumapit ito sa laylayan ng suot kong short na umabot sa ibabaw ng tuhod ko. Dahil hindi nito maabot ang laylayan ng damit ko ay sa laylayan ng short ko ito kumapit at hinihila ito.


Hinawakan ko ang kamay nito at inalis ang pagkakahawak sa short ko saka ako lumuhod. "Alam mo bang mahuhubuan ako sa ginagawa mo." Sabi ko sa kanya. 


Hawak hawak nito ang feeding bottle nya at saka nito tinuro ang mga ibon. "I want bol-"


"Bird." Pagputol ko sa sasabihin n'ya at pinunasan ang labi niyang may gatas gamit ang hintuturo ko. 


"What?" Tanong nito at tinagilid pakaliwa ang ulo at nagtatakang nakatingin sa akin. Nakanguso pa ng bahagya sa akin.


Huminga muna ako ng malalim saka kinagat ang ibabang labi ko. Ang cute niyang tingnan sa itsura niya ngayon. Gustong-gusto kong pigain ang pisngi n'ya gamit ang dalawang kamay ko dahil nalobo lobo pa ang pisngi nito. 



"Bird. Say it," utos ko rito dahil hindi niya masambit nang maayos ang salitang 'bird'.


"Bold!" Masayang sigaw nito at itinaas pa ang dalawang kamay. 


"B-e-e-e-r-d." Mas pinatigas ko pa ang pagsasalita ko para makuha niya ang nang maayos. 


"Boooold?" 


Napahinga ako nang malalim at saka umiling. Ang hirap palang turuan ito lalo pa at hindi hindi mabanggit ang letrang 'R'. Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa kanyang bibig.


"I-bon." Sambit kong na lang mula sa mabagal na paraan. "Hindi maganda pakinggan ang pagkakasabi mo ng bird Alana. Say it, Ibon."


Ibinuka nito ang labi niya at walang tunog na binanggit ang letter I. Nakabuka ang labi nito at nakadikit ang mga ngipin sa isat-isa. Hinihintay kong banggitin nito ang salitang ibon. 


"Say it, I.."


"I..." Pag-uulit niya.


"...bon."


"...bon?" 


Tumango ako sa kanya ng paulit-ulit. "That's ibon?" Tanong n'ya at tinuro ang mga ibong nagliliparan.


"Yes. Ibon." Sabi ko sa kanya. Bungisngis naman ito. Ang akala ko ay babalik ulit ito sa pwesto niya kanina, nagulat na lang ako nang bigla niyang isubo sa akin ang kanyang feeding bottle saka bumalik sa kanyang pwesto kanina.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now