IKA-TATLUMPU'T DALAWANG KABANATA

4.9K 224 18
                                    


"Mom, Can I go with you? I promise, I–"


"No." 


"Just for once. Gusto ko lang maki-"


"I said no! Can't you understand me?"


Nakarinig ako ng pamilyar na boses malapit lamang sa akin. Nilibot ko ang paningin ko. Ang huling naaalala ko lamang ay ang natulog ako pero paggising ko ay nasa hindi pamilyar na lugar ako. Nakatayo ako sa tabi ng pintuan ng kwarto. 


Kaninong kwarto ito?


"Mommy, please! I don't want–" 


"Samara!"


Marahas na bumukas ang pintuang katabi ko at pumasok ang dalawang babaeng pamilyar sa akin. Ang Reyna at ang prinsesa...


Hila-hila ng Reyna ang prinsesa at marahas na binitawan ito dahilan ng pagbagsak nito sa kama. 


"Ayokong maulit pa ang nangyari noon. Every time you come out, you embarrass our family. Tandaan mo kung ano ako, kami, kung ano ka!" Sigaw nito habang nakaturo sa prinsesa. 


"Mom, I'm the victim–"


"I don't care if you're the victim or not." Pagputol nito sa sasabihin ni Adallina. "Ang dami mong kahihiyang dinala sa pamilya natin maging sa lahi natin! Abort that child." Mariing saad nito. 


Nagulat ako sa sinabi ng Reyna kahit si Adallina ay hindi makapaniwala na tumingin sa kanyang ina. Alam n'ya? Alam niya ang nangyari sa anak n'ya?


"Ma! Narinig mo ba ang sinabi mo? Apo mo ito!" Sigaw ni Adallina habang tuloy-tuloy ang luhang lumalandas sa pisngi njya.


"Wala akong pakialam! 'Yan ang magdadala ng kahihiyan at kapahamakan sa buong palasyo!" Sigaw pabalik ng reyna sa prinsesa. Hinawakan nito ang kanang braso ng prinsesa at marahas na pinatayo upang magpantay sila. "Alam mong kalaban siya pero pinatulan mo. Malaking kahihiyan ang pumatol ka sa kalaban natin." Galit na sabi nito. 


Binitawan nito ang prinsesa at malamig nitong tiningnan. "Ipapalaglag mo 'yan. Kung hindi mo gagawin ay umalis ka na lang dito at huwag na 'wag ka nang magpapakita pa. Kahihiyan lang ang madadala ninyong dalawa dito sa palasyo." Malamig na sabi ng Reyna at lumabas ng kwarto. 


Sinundan ko ito ng tingin at hindi ko inaasahang makikita ko sa labas ang hari at ang dalawang prinsipe. Si Zadkiel at Alexus. Walang makikitang ekspresyon sa tatlong lalaki. Sumunod ito sa Reyna at naiwang nag iisa ang prinsesa.


Muli kong binalik ang paningin sa prinsesa. Nakaupo ito sa sahig habang nakasansal sa ang likod sa kama. Nakayuko ito at umaalog ang balikat tanda na umiiyak ito. 


Ramdam ko ang lungkot dito sa buong kwarto. Hagulhol lamang ang maririnig ng prinsesa dito sa loob ng kwarto. Lumapit ako dito at umupo sa kama. Pinagmasdan ko lamang s'yang umiyak. Wala akong ibang kayang gawin kung hindi ang manood lang.


"Bakit ganun ang turing nila sa 'yo, Adallina."


Para kang babasaging bagay na dapat alagaan. Ang swerte nila sa 'yo pero ang malas mo naman sa kanila. Kinukulong kanila sa mga salita nila. Unti-unti ka nilang pinapatay. Ang bata mo para makaranas ng ganito. 


Bakit? 

"Samara Haya!" 


Napalingon ako sa sumigaw sa pangalan ko. Nakita ko si Arah na tumatakbo papalapit sa akin. Hinihingal itong umakbay sa akin nang makalapit siya sa akin. Kinunutan ko siya ng noo dahil akala ko ay kasama nito si Alana.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now