IKA-LABING TATLONG KABANATA

7.6K 298 8
                                    

"MERON ding training Center dito, Prinsesa. Kung gugustuhin mong mag training ng self defense. Pero dahil hindi naman pinapayagan ang mga babaeng makipaglaban ay kadalasang mga lalaki ang nadayo dito para mag training. " 


Kanina pa kaming naglilibot ni Mikay dito sa loob ng Rancho. Sobrang lawak nito at maraming kabayo ang mga pwede mong pagpilian. Habang naglilibot kami ay pinapaliwanag nya sa akin ang mga naririto. Nalaman ko ring nagtrabaho siya dito noong 17 years old palang sya. 


"Hindi ba sinasabak ang mga kababaihan sa labanan kung meron?" Tanong ko sa kanya at umiling sya.


"Hindi, Prinsesa. Naniniwala silang ang mga babae ay nasa bahay at sila ang namumuno doon habang mga mga kalalakihan ang pumoprotekta sa atin." Paliwanag nya na naintindihan ko naman. 


Hindi na bago sa akin ang hindi pantay na pagtingin sa pagitan ng mga babae at lalaki. Kesho hindi nila kaya o kaya naman nabuhay lang ang mga babae para sa bahay lang. Well, hindi naman lahat. 


"Marunong ka bang mangabayo, Prinsesa?" Tanong ni Mikay. Tumango ako sa kanya. "Tara subukan natin!"


Hinila niya ako sa mga kwadra ng mga kabayo. Marami ito at halata mong mga malulusog ang mga ito at mga bata pa. Nilapitan namin ang isang lalaking mukhang nangangalaga sa mga kabayo. Pinapakain nya iba nito. 


"Hello, Sir." Bati ni Mikay na ikinalingon ng lalaki. Medyo may katandaan na ito pero matikas pa rin ang katawan.


"Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga binibini?" Magalang na tanong nito. Binaba nito ang mahahabang damo na hawak nya bago tuluyang humarap sa amin at nilagay ang dalawang kamay sa likod. 


"Nais po naming rumenta ng kabayo. Kami pong dalawa." Sabi ni Mikay at tinuro nya pa kami. Ngumiti ang lalaki at medyo gumilid.


"Pumili na kayo ng gusto nyong kabayo." 


Sinunod namin ang sinabi nya at pumili kami ni Mikay. Ang pinili ko ay ang sobrang itim na kabayo. May nag-assist samin para mailabas ang kabayo sa kwadra. Nais pa sanang bantayan kami pero sinabi ko na huwag na. Mahilig ako sa motor noong nabubuhay pa ako sa tunay na katawan ko kaya naman medyo gamay ko ang pangangabayo. Bago kami mangabayo ay nagpalit muna kami ni Mikay ng tamang kasuotan para sa pangangabayo. Hindi naman magandang tingnan kung naka dress ka pero nangangabayo ka diba?


Nilibot namin ni Mikay ang buong paligid ng Rancho. Maganda at malinis ang Rancho. Meron ding mga nangangabayo dito bukod samin pero karamihan ay mga lalaki. Napatingin ako kay Mikay na nasa malapit lang sa akin. Titig na titig ito sa mga lalaking nangangabayo. Mabagal lang ang takbo namin kaya naman hindi maalis ni Mikay ang paningin nya sa mga lalaki.  


Napangisi ako at lumapit sa kabayo ni Mikay at pumuwesto sa bandang likuran nya. Malakas ko tinapik ang kanang pige ng kabayo na kinagulat ng kabayo. Mabilis na nag react ang kabayo na ikinagulat din ni Mikay. Mabilis na tumakbo ang kabayo buti na lang nakahawak agad si Mikay sa kabayo upang hindi ito mahulog.


"Prinsesa!"


Malakas akong tumawa habang pinapanood silang mabilis na tumatakbo. Hindi naman nagtagal ay tumigil na ang kabayo. Masamang tingin ang pinukol nito sa akin at ako naman ay bumubungisngis dahil sa kanya. 


"Prinsesa naman! Muntik na akong mahulog kanina." Reklamo nya sa akin. 


"Kung makatitig ka kasi sa mga lalaki parang tinutunaw mo sila. Akala ko ba si Allen lang." Sabi ko at sinabayan sya sa mabinang pagtakbo ng kabayo. 


"Appreciate the view nga diba, Prinsesa. Sayang eh." Sabi nya na may panghihinayang pa sa boses. Ngumiwi nalang ako at inirapan sya. 


Nagpatuloy lang kami ni Mikay sa pangangabayo. Minsan ay nagkakarera pa kaming dalawa. Hanggang sa mapagod kami ay nag pahinga na kami para maka-inom at makalanghap ng sariwang hangin. Nakaupo kami sa canteen dito sa labas ng Rancho. Kumakain lang kami ng nakaramdam ako ng nakatingin sa akin. Noong una ay inignora ko lang  pero hindi nagtagal ay naiilang na ako kaya naman nilibot ko ang paningin ko sa loob ng canteen. 


Wala akong nakikitang nakatingin sa akin. Busy sila sa pagkain. Tiningnan ko din ang labas at wala din akong makitang kahina-hinala. Dahil open area ang canteen ay nakikita ko ang labas. 


"May problema ba, Prinsesa?" Bumaling ako kay Mikay na may pagtataka sa kanyang mukha na nakatingin sa akin. Umiling lang ako at ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.  


Bakit parang may nagmamasid sa amin-akin? 


Hanggang sa maka-uwi kami ni Mikay ay hindi ko mapigilang tumaas ang balahibo ko. Nang mapagdesisyonan namin ni Mikay na maglakad na lang pauwi dahil ramdam ko pa din ang presensyang iyon. 


"Prinsesa, bakit parang kanina ka pa balisa?" Tanong ni Mikay sa akin ng makapasok kami ng kwarto. Pabagsak akong umupo at sya naman ay umupo sa vanity chair paharap sa akin. 


"Wala ka bang napapansin kanina?" Tanong ko.


"Bukod sa pagkabalisa mo ay wala na, Prinsesa." Sabi nya. Huminga ako ng malalim at tinungkod ang dalawa kong kamay sa kama. 


So ako lang ang nakakaramdam ng prisensya kanina? Feeling ko talaga may sumusunod kanina sa amin. Mula sa canteen hanggang sa maka-uwi kami ay ramdam ko iyon. Ramdam kong hindi lang basta presensya yun. Nakakakilabot kahit ang mga balahibo ko ay tumataas. 


Baka naman multo?


"Okay ka lang, Prinsesa?" Tanong nito habang nakatayo sa gilid ko.


"May sumusunod sa atin kanina. Ramdam ko 'yon habang pauwi na tayo." Sabi ko habang nakatingin pa din sa mga paa ko.


"Parang stalker ganon? Baka naman namamalikmata ka lang, Prinsesa. Madami tayong kasabay kanina habang naglalakad. Siguro ay napapalingon lang sa atin dahil may kasama kang maganda." Saad nito.


"Pero hindi lang basta presensya ang naramdaman ko, Mikay. Mula sa Rancho hanggang maka-uwi tayo ay naramdaman ko iyon. Hindi ko nararamdaman iyon dito sa loob ng palasyo kahit marami akong nakakasalubong." Paliwanag ko sa kanya. 


Stalker? Well, hindi na ako magtataka kung magkakaroon nga ng stalker ako dahil maganda si Adallina. Pero marami ang ibig sabihin ng stalker. Hindi lahat ng stalker ay nagugustuhan ka kaya sinusundan ka at ang iba ay may ibang pakay pa.


Natahimik sandali si Mikay. Maya-maya pa'y umikot ito para makaupo sa tabi ko. "Prinsesa, hindi kaya 'yan ang rason ng Hari at Reyna kung bakit hindi ka maaaring lumabas?" Makabuluhang tanong nito sa akin. Sandali akong natigilan.


"Ibig mong sabihin?"


"Maaaring nanganganib ang buhay mo, prinsesa. Delikado rin ang maging anak ng Hari at Reyna. Maaaring ikaw ang target ng mga Roman kaya nais ng Reyna at Hari na manatili ka lamang dito para mapangalagaan." Paliwanag nito sa akin. 


Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam." Pag-amin ko. Maaaring tama si Mikay pero nais kong paniwalaan ang sarili ko. Maaaring hindi konektado sa magulang ni Adallina ang sumusunod sa akin. Pwedeng si Adallina lang talaga ang gusto nila. Pero ano ang pakay nila sa prinsesa?


"Prinsesa, gusto mo bang mag-merienda? Hapon na, kakaunti lang ang kinain mo sa Rancho kanina." Basag ni Mikay sa katahimikan. Tumango ako sa kanya. 


"Sige, prinsesa. Ihahatid ko na lang dito ang pagkain mo. Magpahinga ka na muna." Ngumiti ito sa akin at saka lumabas sa kwarto ko. Muli akong napahinga ng malalim at humalukipkip. 


Maaari kayang Roman ang sumusunod sa amin?

____________________________________________________________________________________________________________________

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα