IKA-LABING PITONG KABANATA

7K 266 16
                                    

"I saw him yesterday. I didn’t think he could do this to me. I'm tired. I'm tired..."


"...thanks to him. He's my savior after all. He accepted me and he loves Alana. I should..."


"I don't want to see Runzel. He abused me physically. I'm just a nuisance and weak. That's what he said and that's true. I'm a weak prin..."


"...should I continue? I don't want to leave them. She needs me and I need him. I love them. I don't want to leave A..."


"I'm weak. I can't even protect myself from him. He raped me. He ra..."


"...I forgive him. Biktima rin siy…"


"I can't tell him. I don't want him to leave me because of what happened. Pinandidirihan nya ako…"


Putol putol. Binabasa ko ang mga nakalagay sa papel pero hindi ko matapos dahil putol-putol ito. Maigi kong pinagdikit-dikit ang mga nakasulat. Sa ngayon ay si Runzel ang pangunahing salarin sa panggagahasa o pagpatay kay Adallina. Nabanggit nito na inabuso ito physically. Maaaring sinaktan ito o ginahasa. 


May nabanggit ding Alana dito. Wala pa akong Alana na nakakasalamuha mula nang makapunta ako rito. Meron ding anonymous na lalaki na nabanggit. Maaaring may relasyon sila ng lalaking ito. Kahit papaano pala ay may nagpapahalaga kay Adallina. Hindi s'ya nag-iisa tulad ng iniisip ko. 


"Ano ba ang binabasa mo, Haya?" Napatingin ako kay Riya nang tanungin n'ya ako. Siya ang babaeng kasama ko sa selda. Matanda lang siya ng ilang taon sa akin. Inayos ko ang mga papel bago umiling.


"Naghahanap lang ng pagkakalibangan." Sagot ko at itinabi ang mga papel. 


"Kahapon ka pa nagbabasa. Hindi ka ba na bubugnot sa pagbabasa?" Saad naman ni Aling Solya. Isa siya sa kasama ko pa rito. Silang dalawa ang kasama ko rito sa selda. 


"Wala lang talagang magawa." Sabi ko sa kanila.


Sumandal ako sa pader at pinagmasdan ang iba pang nakakulong. Ngayong araw ay nakakulong kami at sa susunod na araw naman ay magtatrabaho ulit kami. Sa tingin ko ay mahihirapan akong malaman ang nangyari kay Adallina kung ganito na lang palagi. Kalkulado ang aking kilos. 


Pero kahit ganun ay may nakukuha na naman akong sagot. May mga lead na akong nahanap. 


"Sinasabi nilang maaari daw na may sakit na dumapo sa prinsesa." Tumingin ako kay Riya nang magsalita. 


"Sakit? Hindi ba sinabing pinagtangkaan mo ang prinsesa, Haya?" Tanong naman sa akin ni Aling Solya. 


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang prinsesa. Narinig ko ring may mga gumagamot dito ngunit isa lang ang kanilang sinasabi…hindi na muli ito magigising. 


"Wala akong planong pagtangkaan ang prinsesa." Sagot ko. "Saan mo nalaman 'yan, Riya?" Tanong ko rito. Tumingin ito sa akin…kakaibang tingin.


"Sa ibang servant na nakasalubong ko. Wala daw kahit anong makita sa prinsesa. Hindi raw ito nilason o binugbog o kahit ano. Sa tingin daw ng doktor ay may kung anong sakit ang dumapo sa kanya." Pagkukwento ni Riya. Mayroon itong nilabas sa bulsa niya. Bumaba siya sa kama at lumapit sa amin ni Aling solya na nasa sahig. Meron itong nilapag sa sahig at pasimpleng inisod sa amin.


"Sa tingin ko ay inosente ka. Hindi ko sinasadyang makapasok sa kwarto ng prinsesa at nakita ko yan sa kanyang drawer. Sa kanya 'yang cellphone. Sa tingin ko ay may sikreto ang prinsesa." Bulong n'ya sa amin.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now