IKA-APATNAPU'T DALAWANG KABANATA

4K 189 24
                                    

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa akin. Napasinghap ako nang tumama pa sa aking ilang pira-pirasong yelo. Nakayuko ako at ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko. Nakaupo ako sa bakal na silya. Nakatali ang mga paa pati na ang aking mga kamay sa likuran ng silya. Pati ang bewang ko ay naka-tali sa upuan. 

"Mabuti naman at nagising ka na. Aala ko mag-hihintay pa kami ng isang araw para magising ka." 

Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang pamilyar na babae. Nakasuot ito ng cloak na kulay brown. Katabi nito ang lalaking gustong-gusto kong gilitan ng leeg na parang manok. Nakangisi sa akin ang babae samantalang seryosong nakatingin sa akin ang lalaki. Sa likuran nila ay ang mga Roman. Nasa pito ang mga kasama nila. 

"Muli na naman tayong nagkita...Riya." Saad ko sa kanya. Nang-aasar itong ngumiti sa akin at tumango-tango. 

"Oo nga eh. Ang masaklap pa sa ganitong pagkakataon pa." Panunuya niya sa akin. Imbis na maasar ay tinaasan ko siya ng kilay at nilibot ang paningin sa loob ng silid na kinalalagyan ko. 

Mukhang nasa lumang kwarto ako dahil mayroong lumang kama na maliit sa sulok. Hindi gaanong kalakihan ang kwarto ngunit hindi din ganong kaliitan. Mayroon ding maliit na drawer na halata na ang kalumaan. Inaanay na ito at mukhang isang sipa mo lang ay bibigay na. 

Walang pintura ang kwartong ito at madaming mantsa ang dingding na hindi ko alam kung ano ito. May amoy ang kwartong ito ngunit hindi ganon ka baho. Nasa isang sulok naman ako nakapwesto. 

"Nagustuhan mo ba ang bago mong tutuluyan? Pinasadya ko pa ito para lang sa 'yo." Nakangiting saad ni Riya habang naglalakad lakad sa loob ng kwarto at saka lamang tumigil nang makarating sa harapan ko. Nag-squat ito malapit sa akin at bahagya akong tiningala. "Bagay ito sa iyo. Ano sa tingin mo?"

Sandali ko ulit nilibot ang paningin ko sa kalooban ng kwarto at muling bumaling sa kanya saka tumango. Yumuko ako bago sumagot. "Hmm...bagay," mahinang saad ko ngunit siniguro kong maririnig niya. 

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. Inangat ko ang paningin ko sa kanya ngunit nanatili pa ring nakayuko ang ulo ko. Nakita ko ang pagngisi niya. 

"Dahil para talaga ito sa 'yo-"

"Dahil kayo ang nag mamay-ari ng lugar na ito." Pagputol ko sa sinasabi niya. Nawala ang ngisi niya at napalitan ng pagkakunot ng noo. 

"Ano?"

"Mukhang basura ang lugar na ito dahil basura rin ang nagmamay-ari nito- Argh!"

Napahiyaw ano nang marahas niya akong hinawakan ng mahigpit sa buhok at hinila papalapit sa kanyang mukha. "Basurang papahirapan ka hanggang sa putulan ka ng hininga." Mariing saad nito at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. 

Masakit sa anit ngunit hindi ko pinahalata bagkus ay tinapatan ko pa ang nanlilisik niyang mga mata. 

"Baka kainin mo ang sinasabi mo." Panunuya ko sa kanya. Mas hinigpitan nya ang pagkakasabunot sa akin saka ngumisi. 

"Nakakalimutan mo atang hawak ka na namin…hawak na kita. Wala ka nang magagawa." Saad niya at saka pabalang na binitawan ang buhok ko kaya palihim akong napamura. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now