IKA-LABING APAT NA KABANATA

7.3K 293 8
                                    

"Haya!" 

Napalingon ako dahil sa sumigaw sa pangalan ko. Nakita ko ang lalaking tumatakbo papalapit sa akin. Ngumiti ako at idinipa ang mga braso para salubungin ito ng yakap. Pero imbis na tumigil sa akin ay lumampas ito. Nabigla ako, kaya naman sinundan ko ang siya ng tingin. May niyakap siyang teenager na babae. 

"Pa! Akala ko hindi na kayo darating eh." May pagtatampong sabi ng babae. Pamilyar ang kanyang boses.

"Aba, palalampasin ko ba naman ang importanteng ganap sa buhay ng prinsesa ko." Sabi ng lalaki at pinisil ang magkabilang pisngi ng babae. Bumungisngis ang babae.

Si papa at ako ito! 

Ako ito noong 15 years old ako. Bakit ako nandito? Bakit ko ito binabalikan.

"Papa ko, 'wag mo akong iiwan ha." May ngiting sabi ng batang ako. Nakayakap ito kay papa habang naglalakad sila palayo. 

"Syempre naman. Ayokong iwan ang prinsesa ko." Sagot ni papa. 

Hindi ko mapigilang ngumiti at naramdaman ko ang butil ng luhang tumulo sa mata ko. Si papa. Ito ang araw na nagkaroon ako ng honor noong high school. Kami lang ni papa ang magkasama sa buhay. Iniwan kami ng lahat. Si mama, ang dalawa kong nakakatandang kapatid at kahit ang kamag anak namin ay iniwan kami. 

Isang kisap mata ay nagbago ang paligid. Ngayon ay nakatayo ako sa harap ng bahay namin. Barong baro ito at tagpi tagpi lang. Plywood lang ang dingding. May nakapatong na gulong at bato sa bubong para hindi lumipad ang bubong pag malakas ang hangin. At higit sa lahat nakatayo ito sa ilalim ng tulay. Hindi kami mayaman at hindi namin 'yon naranasan. 

"Pa, naman bakit ba ang kulit nyo! Wag na nga kayong pumunta. Iniipit ka lang nila!" 

Pumasok ako sa loob ng bahay namin dati. Nakita ko ang sarili ko noong nasa 20 years old pa ako na nakasunod sa aking ama at may masamang timpla sa mukha. Ang papa naman ay umupo sa monoblock at nag suot ng sapatos.

"Haya, trabaho ko iyon. Iniipit man nila ako o hindi, kailangan ko pa ring gawin." Sabi nya habang nagsasapatos at hindi na inabala ang sariling tumingin sa 20 years old na ako.

Tanda ko ito. Ito ang pinaka-ayaw na pangyayari sa buhay ko. Ito ang pangyayaring ayaw ko nang balikan. 

"Paano kung may mangyari sa inyo? Paano kung dahil sa pagiging asset n'yo sa kanila'y mapahamak kayo! Paano ako, papa ko?" 

Tinitigan ko ang sarili ko. Napangiti ako ng walang buhay. Ayaw ko s'yang paalisin dito noon dahil iba ang pakiramdam ko. Ito ang araw na hindi ko akalaing kukuhanin siya sa akin.

Tumingin sa akin si papa at lumapit sa batang ako at niyakap ito. 

"May mangyari man sa akin, gusto ko lang na malaman mong mahal kita. Anak, mahal ka ni papa. Malaki ka na alam kong kaya mo ng buhatin ang sarili mo. Tandaan mo ito, kung may mangyari man sa akin, palagi mong tatandaan na palagi akong naka agapay sa 'yo. Mahal na mahal ka ni papa mo, prinsesa ko. Tatandaan mo yan, ha?"

Noong araw na yun nakita ko nalang ang papa ko, nakahandusay at walang buhay. Doon ko naramdamang pagkaitan ko ng mundo. Binawi lahat ng meron ako. Kapatid, kaibigan, na kahit na ina wala ako. Ayos lang sa akin iyon pero ang hindi ko matanggap na pati naman nag iisang lalaki sa buhay ko kinuha. Si papa ko. Sya ang buhay ko. Si papa lang ang nag-iisang taong laging nasa tabi ko noong panahong nangangailangan ako ng kasama. Si papa ang palaging nangangaral sa akin sa tuwing may pagkakamali ako. Si papa ang palaging sumasama sa akin sa tuwing nag-iisa ako. Si papa ang palaging naging sandalan ko. Mula noon, si papa lang. Ngayon, wala na. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now