IKA-TATLUMPU'T TATLONG KABANATA

4.8K 220 45
                                    


Nakabusangot ako habang naglalakad pababa sa bayan. Mamimili ako ng pagkaing i-stock namin ng isang linggo. Kasama ko dapat si Arah ngunit walang magbabantay kay Alana. May pinupuntahan naman si Lara at hindi ko alam kung saan dahil madaling araw pa lang ay umalis na ito. Nagpa-alam ito sa akin at ang ikinabugnot ko ay madaling araw ay nang gising pa. 


Hindi na ako nagdala ng kabayo dahil wala si Gordon. Dala ito ni Lara. Kaya naman lakad ako pa-palengke. May dala-dala akong basket bag para pag lagyan ng bibilhin ko. 


Nais pa sanang sumama ni Alana ngunit pinigilan s'ya ni Arah. Delikado na baka maulit pa ang nangyari kama-kailan lang. 


Ako ay nakasuot ng cloak na kulay itim. Dahil may nakakakilalang mga Roman sa akin. Gusto kong makasiguradong walang ibang makakakilala pa sa akin dahil baka sundan ako ng mga ito. 


Nakarating na ako sa pamilihan. Hindi gaanong matao ngayon dahil tanghali na. Namili na ako tulad ng mga prutas at gulay. Mga karne at bigas. Pati na rin ang gatas ni Alana ay bumili na din at pati mga tinapay. 


Bumili rin ako ng isa pang basket bag dahil hindi kasya ang isa. Sa isang basket bag ay ang bigas at ang tinapay at gatas. Samantalang ang isa naman ay karne at mga gulay at prutas.


Natapos akong mamili ay nakaabang ako sa mga karwaheng mga nakaparada. Hindi ko naman kakayaning buhatin ang mga ito kaya kailangan ko pang umarkila ng karwahe. 


Ngunit kanina pa akong nakapila ay hindi pa rin ako nakakasakay. Mahaba ang pila at isa isa pa ang mga sumasakay kaya naman nauubusan ng karwahe at nag-aantay pa ng bago.


Habang nag-iintay ako ay nililibot ko ang aking paningin. Ganun na lamang ang gulat ko at napa-ayos ako ng tayo nang may nakita akong pamilyar na bulto. Malapit ito sa kalsada at pasimpleng nilibot ang paningin sa paligid. Humigpit ang hawak ko sa dalawang basket ng mapag-sino ito. 


"Riya."


Pasimple ako tumalikod ko at sumiksik sa mga tao. Hindi niya ako pwedeng makita. Siguradong alam n'ya na nasa akin si Alana. 


Hindi pa kami pwedeng magkita dahil tiyak na mag-aaway lang kami. Masasakit pa ang katawan ko dahil sa nangyari noong isang araw. Maaaring matalo niya ako dahil mas bihasa ito sa pakikipag laban kaysa sa akin. 


Nang makalayo ako ay tumigil saglit ako at ininat ang kaliwang braso kong nadaplisan ng bala. Sumasakit kasi ito dahil sa pangangalay. Sumandal muna ako sa pader at saka nilibot ang paningin. Nasa malawak akong daanan at kitang-kita ko ang mga taong dumaraan. Pasimple kong nilibot ang paningin ko para tingnan kung may mali ngunit wala naman. 


Napahinga naman ako ng maayos. Hanggang sa maaari ay kailangan kong mag-ingat at iwasan lahat ng Roman. Hangga't hindi ko pa nalalaman ang tunay na pakay nila sa anak ng prinsesa ay hindi ako maaaring magpakita. Hindi rin maganda ang lagay ng katawan ko kaya hindi ako maaaring makipag laban. Matatalo lamang ako.


Akmang yuyuko ako upang kunin ang dalawang basket bag na nasa lapag nang may humila sa aking mula sa kaliwang braso na may sugat at hinila ako payuko.  Napa-igik pa ako at narinig ko na ang sunod-sunod na pagputok. Bigla akong hinila patakbo ng lalaki at wala na akong nagawa kung hindi ang magpahila.


Napalingon ako sa likuran ako at nakita ko si Riya na may mga kasamang mga lalaking sa tingin ko ay mga Roman din. May dala-dala itong baril at hinahabol kami. Ganon na lang ang asik ko nang akala ko ay natakasan ko siya.


Anak ng! Akala ko natakasan ko na siya!


Napayuko ako nang biglang magpaputok ulit sila ng sunod-sunod. Ang humila naman sa akin ay kinabig ang balikat ko saka lumiko. Bumungad sa amin ang kabayong nandoon. Binitawan niya ako at saka naunang sumakay doon. Nang lumingon s'ya sa akin ay saka ko lang nakilala kung sino ang humila sa akin. Anong ginagawa nito rito?


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن