IKA-TATLUMPU'T WALONG KABANATA

4.2K 194 33
                                    


Puting kisame agad ang nakita ko sa pagmulat ng mga mata ko. Ramdam kong nakahiga ako sa malambot na kama. Nilibot ko ang paningin ko at hindi ito pamilyar sa akin. Napaka aliwalas nitong tingnan. Ang buong kwarto ay kulay puti. 

Ang kumot na nakapatong sa akin ay puti rin. Inangat ko ang kumot at nakita kong iba na ang suot ko. Puting bistida na ang suot ko na umabot sa bukong bukong ng paa ko. Itinungkod ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ko para alalayang umupo. Sinubukan kong i-angat ang katawan ko nang hindi ko magawa. 

Napa-igik ako nang subukan kong igalaw ang binti ko. Ramdam ko ang paninigas ng dalawa kong hita papunta sa binti ko. 

Bugnot akong bumalik sa pagkakahiga at busangot na tumingin sa kisame. Pag nakita kong muli si Lucy ay puputulan ko siya ng paa. Dahil sa kanya kaya masakit ang hita ko. Pwede namang bugbugin, bakit binaril pa. Bad trip. 

"How are you? Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa dahil sa mukha mo." May buong boses na dumagundong sa buong silid.

Napabaling ang tingin ko sa nagbukas ng pintuan. Sa kanya rin galing ang baritonong tinig. Ang unang prinsipe. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin at may dala dalang...saklay? 

"Sa akin ba 'yan?" Wag niyang sabihing sa akin ang saklay na hawak niya? 

Sinundan ko siya ng tingin habang lumalapit siya sa akin at pumuwesto sa gilid ko. Isinandal niya sa gilid ng kama ko ang pares ng saklay saka bumaba ang tingin sa akin. 

"Hmm." Sagot n'yang tango sa akin at tinuro ang hita ko na nakatabon ng kumot. "Sabi ng doctor na ilang linggo kang hindi makakalakad dahil sa sugat sa hita mo. So, I suggest na gumamit ka muna ng saklay." Saad n'ya sa akin. 

Mahina akong napalatak at lalo pang napabusangot. Balak ko pang gantihan si Lucy tapos mapipilay pa ako.

"Hindi na ba ako makakalakad?" Mahinang tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin at umupo sa gilid ko.

"Temporarily." Sagot niya sa akin. "Gusto mo bang subukan?" Tanong n'ya pa sa akin. 

Tiningnan ko muna 'yung saklay saka tumingala sa kanya. Umiling ako sa kanya. "Ayoko. Masakit ang hita ko." Reklamo kong sabi sa kanya. Agad namang kumunot ang noo n'yang tumingin sa akin.

"Kailangan mong mag practice sa paggamit nito. Ilang linggo mo ring gagamitin ang mga ito." Sabi niya sa akin. Umiling ako sa kanya. 

"Ayaw." Sabi ko sa kanya at nagtalukbong ng kumot. Mas gugustuhin ko na lamang na humiga kesa sa maglakad ng may saklay. 

"Haya." Pagtawag niya sa pangalan ko. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa paraang pagtawag niya. Parang nagbibigay ito ng babala sa akin.

Ano bang magagawa niya eh ayoko nga. Nagmumukhang lumpo kaya pag naka saklay. Pwede namang nakahiga o upo na lang habang nagpapagaling eh. 

Edi aabutin ng ilang linggong nakahiga?

Napasinghap ako ng mahina nang biglang may humila ng kumot sa akin. Inalis ni Alexus ang kumot na nakatalukbong sa akin at nilagay iyon sa gilid. Tumayo siya at saka kinuha ang saklay ko sa gilid. Muli siyang tumingin sa akin.

"What are you waiting for?" Inip na tanong nya sa akin. Umismid ako sa kanya at masamang tingin ang pinukol sa kanya.

"Pag-upo nga hindi ko kaya pag tayo pa kaya? Ang sakit kaya pag ginalaw." Inis na saad ko sa kanya at saka humalukipkip at inirapan siya. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now