IKA-APATNAPU'T ISANG KABANATA

4K 202 14
                                    


"Mama...help mo ako..."

"Bad mama lala. I don't want to be here...I hate dalk, mama. They awe bad! Mama alah, mama Haya...get me out of hele..."

Tumihaya ako at napatitig sa kisame. Alas nuebe na ng umaga pero hindi pa rin ako bumabangon. Kanina pa akong gising pero wala pa ako sa mood na bumangon. Ginugulo pa rin ako hanggang ngayon ng panaginip ko. Ilang beses na itong nagpapakita sa akin. Kung hindi ang prinsesa ay naririnig ko ang iyak ng bata.

Nakikita ko si Alana. Umiiyak siya sa isang kwarto at palaging binabanggit ang pangalan ko-namin ni Arah. 

Hindi pa ulit kami pumupunta sa Cintilla at sa palasyo. Si Arah lamang ang naglalabas-masok sa Cintilla. Palagi itong gumagala roon para mag-mata.

Tumayo na ako sa kama nang makarinig ako ng kalabog mula sa labas ng kwarto.  Wala si Arah ngayon. Nasa Sarnai ito upang tumingin ng kanyang armas. Nagbabalak na kaming bawiin ang bata dahil ilang linggo na ang nakalipas nang kunin ito sa amin. Habang tumatagal ay nagiging iba na ang pakiramdam ko para sa bata. 

Kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang Karambit na pagmamay-ari ko at mahigpit itong hinawakan sa kanang kamay ko. Tahimik lamang akong lumakad papalapit sa pinto. Pinakiramdaman ko muna kung may tao ba sa labas ng kwarto ko o wala. Nang masiguro kong wala ay dahan-dahan ko itong binuksan at dumungaw upang makita kung sino ang nangahas pumasok sa bahay namin.

Lumabas ako nang wala akong makita at pinakiramdaman ang paligid. Walang tao sa salas ngunit bukas ang pintuan ng bahay. Sarado ito kanina kaya sigurado akong may pumasok dito. 

Napabaling ang tingin ko sa kusina. Ang tunog ay nagmula roon kaya naman wala akong ingay na naglakad. Walang pintuan ang kusina namin kaya sumandal ako sa gilid ng pader upang muling pakiramdaman ang tao doon. 

Narinig ko ang yabag nitong papalabas na ng kusina kaya hinanda ko na ang sarili ko. 

Inamba ko na agad ang kanang kamay ko na may hawak na Karambit ngunit mabilis niya lang itong hinawakan at hinila ako papaalis sa pagkakasandal ko. Ramdam kong pinaikot niya ako paharap at hinawakan ang likuran ng ulo at saka ko lang naramdaman ang pagtama ng likod ko sa pader. Mahina akong napaigik dahil doon. 

"You're too aggressive, Haya." Nag-angat ako ng tingin dahil sa pamilyar na boses. Sumalubong sa akin ang kanyang seryosong mukha habang nakatingin sa akin. 

"Prinsipe?" Bulong ko nang makita ko kung sino ito. 

Tumingin siya sa aking kamay kung saan hawak ko ang kutsilyo at bumalik sa mata ko ang paningin niya. Binitawan niya na ako at tumayo ng diretso. Ako naman nakahinga ng maluwag nang siya ay lumayo sa akin. 

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kanya. Tumingin pa ako sa kanyang likuran kung may kasama siya pero katulad dati ay wala siyang kasama.

"Are you alone? Nasaan ang kasama mo?" Tanong nito sa akin pabalik at nilibot pa ang paningin sa loob ng nahay na tinutuluyan namin ni Arah.

Umiling ako sa kanya. "Wala siya ngayon, may pinupuntahan lang saglit." Sagot ko sa kanya at pumasok sa kusina. Nilapag ko ang karambit sa lamesa. Nakita ko siyang sumunod sa akin at pinapanood ang kilos ko. 

Humarap ako sa kanya na ngayon s'ya ay nakasandal sa dingding habang nakatingin sa akin. Umayos ako ng tayo at kinunotan s'ya ng noo na tiningnan. 

"Bakit?" Naiilang tanong ko sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang.

"There are people spying on you." Diretsong sabi niya sa akin. Tumaas ang kanang kilay ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa lamesa kung saan nakapwesto ito sa gitna namin. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now