IKA-LABING LIMANG KABANATA

7K 275 26
                                    

Pagmulat ng mata ko ay nakaramdam ulit ako ng hilo kaya naman ay muli akong pumikit para alisin ang pag-ikot ng paningin ko. Nang maramdaman kong nawawala-wala na ay muli akong nagmulat. Nasa kwarto pa rin ako. Nakahiga sa malamig na sahig. Umupo ako at hinawakan ang sintido ko. 


Anong nangyari? 


Naalala ko ang boses na narinig ko bago ako mawalan ng malay. Lalaki ito. Hindi ko man nakita pero alam kong may takot si Prinsesa dito. 


Runzel…


Hindi ko naririnig ang pangalan niya dito sa palasyo. Kaya hindi ako nagkakasigurado kung nandito ba siya sa palasyo. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakaramdam ng sakit kanina. Kakaibang sakit 'yon. Parang sinisilaban ang kaluluwa ko habang nasa loob ng katawan ng prinsesa. Hinilot ko ang batok ko saka tumayo. Umupo ako sa kama habang hinihilot ko ang batok ko. Ang sakit ng katawan ko. Parang napasama ang bagsak ko.


Napabaling ako pintong bigla na lang bumukas. Bumungad sa akin ang busangot na mukha ni Kenna.


"Samara, you didn't attend your class in library- Who the heck are you?!" Sigaw nito bigla.


Napatayo ako sa pagkaka-salampak ko sa sahig dahil sa lakas ng boses ni Kenna. Nakakunot ang noo ko samantalang siya ay masama at parang papatay sa kanyang tingin. 


"Huh?"


"What are you doing here at my sister's room? Who are you? Sino kang mapangahas na pumasok dito!" Masama pa rin ang tingin niya sa akin at nakaturo pa sa akin ang kanyang hintuturo.


Sasagot na sana ako nang mapatingin ako sa salamin. Nagulat ako at 'di makapaniwala sa nakita. Shit! Ako to! Gamit ko ang katawan ko! Ang totoo kong katawan. Pink na buhok at may matangkad na pangangatawan! 


Pano nangyari yun?


"Come with me." Mariing sabi nya. 


Sa lalim.ng iniisip ko ay hindi ko naramdamang nakalapit na sa akin si Kenna at akmang hahawakan niya ang braso ko nang tabigin ko ito. Nagulat ito at kahit ako man ay nagulat din. 


"Sandali lang. Hindi ako masamang tao." Mahinahong saad ko rito. Tumalim ang tingin nito sa akin. 


"Wala akong pakialam. Sumama ka sa akin." Mariing saad nito at mabilis na hinila ang braso ko. 

Sumunod na lang ako at hindi na nanlaban. Hindi ito ang oras para manlaban sa kanya gayong wala akong maintindihan sa nangyayari. Bahagya pa akong nakayuko dahil mas matangkad ako sa kanya ng ilang inches. Sa pagbaba namin sa hagdan ay nakita kong kumpleto ang mga kapatid ni Adallina. Mukhang may pinag uusapan sila dahil seryoso ang mga mukha nila. Nakaupo sila sa oval shape na sofa.


"We have intruder." Pambungad ni Kenna sa kanila. Napalingon naman sila sa amin na nakakunot ang noo. 


"Who is she?" Tanong ni Aurelian. Naglilipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Kenna.


"I don't know." Sagot ni Kenna at binitawan ang braso ko. Gusto ko siyang sakalin dahil mahigpit ang pagkakahawak nya. Masakit pa nga ang katawan ko tapos dadagdagan pa niya. Palihim ko na lang siyang inirapan. 


Hindi ko talaga gusto ang mga kapatid mo, Adallina. 


"Sino ka? Bakit nanggaling kayo sa taas?" Napatingin ako kay Leandre ng tanungin ako nito. 


Ano ba ang isasagot ko? Bukod sa pangalan ko ano? Alangan namang sabihin ko na ako ang kaluluwang nasa katawan ni Adallina at bumalik sa katawan ko.  


"Sam-Haya. Haya ang pangalan ko." Sagot ko rito. Imbis na Samara ay Haya na ang sinabi kong pangalan. Magtataka pa sila kung bakit ko naging kapangalan ang kapatid nila gayung wala dapat katulad na pangalan ang mga maharlika.


"Bakit nasa taas ka?" Tanong muli ni Leandre. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago ngumiti at napa-kamot sa kaliwang tenga ko.


"P-pnapunta ako ng prinsesa para-ano dahil ano..  may iuutos siya sakin. O-Oo iyon." Sabi ko. Hindi ko alam kung naniniwala ba sila sa akin o hindi. Nakatingin lang sila sa akin na parang ako lang ang pinakamagandang babae sa paningin nila.


Ay, tangina!


"Nasaan si Samara?" Tanong ni Alexus. Tumayo naman si Zadkiel pero nakatingin parin sa akin.


Nagkibit balikat naman ako sa kanila. "Hindi ko alam. Pagdating ko doon ay wala siya." Alanganing sagot ko sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyari at hindi ko rin nakita si Adallina roon sa kwarto.


Best actress ka. Kaya mo yan! Magsinungaling ka pa.


Nagkatinginan ang magkakapatid at si Jadvaid ay tumayo na rin. "Ipadala muna siya sa kulungan. Kailangang malaman ito nina Ama at Ina." Sabi nya at umalis. 


May lumapit sa aking dalawang knight at hinila ako palabas. Nagpatianod na lang ako dahil ang sama ng tingin sa akin ni Kenna. Siguro pinaglihi sa sama ng loob ang mga kapatid ni Adallina kaya laging masama ang loob.


Pumasok kami sa parang basement ng palasyo sa hallway ay malinis walang kadamo damo na makikita. Hindi naman kahabaan ang nilakad namin at nakarating na kami siguro sa pagdadalhan ko. Merong malaking gate na bakal na nagsisilbing harang para kung may makawala man sa mga preso sa kanilang selda ay hindi pa rin makakalabas. Pinasok na nila ako at nakita ko ang mga nakakulong. Sa kaliwa ang mga babae at sa kanan ang mga lalaki. 


Ano to? Sila si Mr. Right?


Dinala nila ako sa dulo ng selda. Meron doong dalawang babae na nakakulong. Pinasok na nila ako. Sila naman ay umalis na pagka lock ng magiging rehas ko. Tumingin ako sa paligid. Lahat sila ay nakatingin sa akin. 


Hindi na bago it sa akin. Ganito rin ang mga tingin ng mga preso sa kulungang kinabibilangan ko dati. Pinagtitinginan nila ang mga bagong salta.


"Anong kasalanan mo?" Napatingin ako sa babaeng nagtanong sa akin. Nakaupo ito sa kamang nasa gilid. 


"Hindi ko alam." Sagot ko. Naguguluhan naman kasi ako. Bakit ikukulong agad porke't nakita lang ako sa kwarto ni Adallina? Bawal ba 'yon? Forbidden ganon?


"Hindi ka ikukulong ng wala kang kasalanan." Sambit naman ng isa. Nakasalampak ito sa sahig at nakatingala sa akin. 


Umupo ako sa dulo ng kama at pinakatitigan sila. Itong nakaupo sa kama ay nakasisiguro akong nasa 30's na samantalang sa tingin ko ay nasa 50's naman ang isang nakasalampak sa sahig. 


"Nakita nila akong nasa kwarto ng prinsesa." Pag amin ko sa kanila. Kumunot ang noo nila at tiningnan ang suot ko. 


Nakabestida akong kulay itim na umabot ang haba sa gitna ng binti ko. Paano nagbago ang damit ko?


"Talagang ikukulong ka nga. Kwarto ba naman ng prinsesa ang pasukin mo." Sambit ng babaeng nasa sahig. 


Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung may double meaning ba ang sinabi nya. Iba ang tingin nya sa akin at doon ako kinikilabutan. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nilibot ko ang paningin ko.


Panibagong problema na naman. Marami na namang tanong ang gumugulo sa akin. Una ang naramdaman ko bago ako mawalan ng malay. Ano ang mga narinig ko at paano ako nakabalik sa katawan ko? Dapat patay na ito. Nasa kabilang mundo ako kaya paano nangyari? Pinagloloko ba ako? 


Tainga. Mapapamura ka na lang talaga.

____________________________________________________________________________________________________________________



Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now