IKA-APATNAPU'T APAT NA KABANATA

3.7K 171 9
                                    


Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatayo dito sa malawak na field. Nakakangalay nang tumayo. Ang mga kamay kong nakatali ay namamanhid na rin. Nakakaramdam na rin ako ng gutom dahil simula kahapon pa ako walang kinain. Simula nang umalis silang tatlo ay wala nang ibang dumating. Wala ring ibang dumaan dito sa malawak na field. 

Nakakapagod. 

Pagod lang ang nararamdaman ko sa ngayon. Gusto kong magpahinga ng maayos. Ngunit hindi ko magagawa dahil madamin epal sa buhay ko. 

Kailan ba ito matatapos. Sa dami ng nangyari ay hindi ko na alam kung matatapos pa ito. Lalo na at nandito ako. Sa anumang oras ay baka maging katapusan na ng buhay ko. Nakaligtas nga ako sa death penalty sa mundo ko tapos dito naman ako hahatulan. 

"Haya. Ang kanang kamay ng prinsesa." 

Napa-angat ako ng ulo at tumingin sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang pagdating ng maraming Roman. Pinangungunahan ito ng lalaking nasa middle-aged kasama ang apat na alalay nitong sina Lucy, Riya, Runzel at Riya. Nakahilera ang mga kawal na Roman paikot sa field. Pina-ikutan nila kaming anim. Sa dami nila ay halos nasakop din nila ang field. 

Lumapit sa akin ang nasa middle-aged na lalaki at pinakatitigan ako ng matagal. Nilabanan ko rin siya ng tingin at wala akong emosyong pinakita sa kanya. 

Makisig siyang lalaki. Ang pangangatawan ay hindi napag-iiwanan. May kaputian na ang kanyang buhok ngunit bumagay ito sa kanya. Kumpleto ang suot nito. May nakalagay na proteksyon sa kanyan mga bisig at binti. Mayroong mahabang baril na nakasukbit sa kanyang likuran. Lahat sila ay may armas na dala. Ang iba ay espada samantalang ang iba naman ay baril. 

"Kamusta ka na, Haya? Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita." Pagbati niya sa akin. 

"Ngayon pa lang tayo nagkita." Pagtatama ko sa kanya at inirapan ito. Masyado siyang assuming. Napaka feeling close naman niya. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya muli akong napatingin sa kanya. 

"Ano bang kailangan ninyo sa akin? Nakuha n'yo na lahat ang gusto ninyo kaya wala na kayong mapapala sa akin." Mariin kong saad sa kanya. 

Nakita ko ang pagngisi niya at lumapit sa akin. Gamit ang kanang kamay niya ay hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at matalim na tiningnan s'ya. 

"Tinatanong ko kung anong kailangan mo sa akin. Hindi ko sinabing hawakan mo ako." Madiin kong saad sa kanya. 

Binaba niya ang kamay niya at may dinukot sa loob ng suot ng cloak. Nilabas niya doon ang maliit na kutsilyo. Seryoso itong nakatingin sa kutsilyo n'ya habang ipinupunas sa kanyang cloak. 

"Alam mo kung ano ang kailangan ko, Haya. Huwag ka nang mag maang-maangan pa." Sabi nito sa mababang boses. 

"Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong alam sa kailangan ninyo sa akin? Nasa inyo na ang bata kaya wala na akong naiisip pang iba na kailangan ninyo." Matapang na sagot ko dito. Tumingin ito sa akin at lumapit pa ng dalawang hakbang. Tumingin ito sa akin sa masakit na paraan. Parang pinapatay ka nito sa kanyang mga tinginan. 

"Alam mong ayoko sa lahat ng nagsisinungaling. Ayoko rin sa mga nagpapanggap, Haya. Kilala mo ako." Malamig nitong ani sa akin. 

Napakunot ako ng noo sa kanya sinabi. "Hindi kita kilala at hindi ako nagsisinungaling. Kung ano man ang sinasabi ninyo ay wala akong alam." Pag-amin ko sa kanya kahit na naguguluhan ako. 

Bumuga ito ng hangin nagulat ako ng bigla niya akong sakalin gamit ang libre niyang kamay habang ang isang kamay na may hawak ng kutsilyo ay nakapwesto sa kaliwang pisngi ko. Napa-daing ako dahil sa higpit ng pagkakasakal sa akin. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now