IKA-LABING SIYAM NA KABANATA

6.1K 268 28
                                    

PAGKALABAS ko sa kwarto ni Adallina kanina ay dumeresto ako sa chamber kung nasaan ang mga kasamahan ko. Kakatapos lamang naming magpahinga at ngayon ay tuloy ang trabaho. Ngayon ay nakatoka ako at ang anim ko pang kasamahan sa library. 


Library ba talaga ang tawag dito? Dinaig pa ang national book store eh. Kakailanganin mo pa ng hagdanan para maabot ang pinaka taas na libro. Hindi ko alam kung nasa anong feet ba ang taas ng bawat shelves. Nakakalula!


Sinabihan ako ng mas nakakatanda sa aming sa may dulo ako maglinis ng mga libro kaya naman sumunod na ako. Naka half ponytail lang ako. Hindi ko mapuyod ng lahatan ang buhok ko dahil maikli ito. Umabot lang ito ng batok ko. 


Nilapag ko muna ang dala kong basket na naglalaman ng panlinis sa lamesang nakita. Pinagmasdan ko ang mga librong lilinisin ko. Gosh, parang hihilingin mo nalang na makulong ka kesa maglinis ng ganitong kadaming libro! 


Hindi ko alam kung gaano ba kataas ang bookshelf na nasa harap ko basta ang alam ko at nakakabali ng leeg ito kung matagal mong titingalain. Nagpakawala muna ako ng hangin. Labag ito sa loob ko. Labag na labag talaga!


Kinuha ko na ang feather duster para alisin ang agiw sa shelf. Tinakluban ko pa ang ilong ko dahil masyadong magabok. Bakit hindi ito nililinis ng mga katulong dito? 


Makailang minuto pa ay natapos na ako sa baba. Kinuha ko ang step ladder na nasa gilid para maabot ang itaas. Sinet-up ko muna ito kahit hindi ako marunong. Alam kong simple lang ang pag set-up non pero hindi ako marunong! Nasanay kasi akong basta ko nalang isasandal ang hagdanan then, tapos na!


Kinuha ko ang duster at saka umakyat. Medyo mabagal ang pag akyat ko dahil nga medyo nadulas ang hagdanan sa sahig. 


"Holy Mary, ayoko pang madouble dead." Bulong ko at ipinagpatuloy ang pag akyat. 


Nagsimula na ulit akong alisin ang mga agiw at gabok. Sa totoo lang, parang hindi ito nililinis. Medyo may kakapalan ang mga gabok na kapag sininghot mo ay parang suminghot ka ng droga. Malakas ang tama. 


Aabutin ko na sana ang librong nasa dulo dahil wala ito sa ayos ng maramdaman kong gumalaw ang hagdanan. Imbis na tuluyang gumalaw ang step ladder ay tumigil ito at nakaramdam ako ng malaking kamay sa kaliwang binti ko. Nagulat ako dito kaya napatingin ako sa ibaba ko. Bahagya akong napanganga. Tumungo ito at may inayos sa ibaba ng step ladder. Hindi ko alam kung para saan iyon. Nang matapos sya ay tumunghay sya at tumingala sa akin. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking binti at itinuro ang ilalim ng hagdang gamit ko.


"You should lock the anti-slip before you use it." Sabi nya. Hindi na ako nakaimik ng umalis din ito agad. Sinundan ko sya ng tingin bago sinilip ang ibaba kung saan nandoon ang Anti-slip daw. Hindi ko alam na may ganon pa pala eh. 


Naramdaman ko ulit ang paghawak ni Alexus sa binti ko. Kinagat ko ang panloob na pisngi ko bago huminga ng malalim.


"Hawak lang iyon, 'wag kang ngingiti. Hindi 'yun nakakakilig." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko bago ipagpatuloy ang pag aagiw.


Pero kahit ilang paalala ko sa sarili ko na wag ngumiti ay napapangiti ako ng kusa. Hindi ko alam kung ano ang nakaka nakaktuwa sa ginawa nya! Pinaalalahanan at hinawakan nya lang naman ako pero ba't ako nakangiti na? Dahil gentleman? Mabait din naman pala siya eh.


Napatigil ako sa pag-aagiw at napahawak sa aking baba na animoy may pumasok na magandang ideya sa aking isip kahit wala naman. Inayos ko muna ang buhok bago ipinagpatuloy ang paglilinis. May pagka gentleman naman pala ang unang prinsipe eh hindi lang sama ng loob ang alam.


ILANG oras pa ay nakikita kong kumakagat na ang dilim sa bintana ng library. Kakatapos ko lang sa gawain ko. Halos lahat kami ay nagpapahinga nalang dito ng mga kasama ko. Isang oras nalang at babalik na kami sa kulungan namin. Inayos ko na ang gamit ko ng makita ko na ang mga kasamahan kong nag aayos na.  


Paglabas namin ng library ay medyo dumadami na ang Knight na nakikita namin. Ang iba ay nakatayo lang at pinagmamasdan ang kilos namin. Meron pang sa akin nakatingin. Akala mo ay may ginawa akong masama sa kanila. 


"Haya!" 


Bumaling ang paningin ko sa pinanggalingan ng boses ba tumawag sa akin. Nakita ko si Riya na tumatakbo papalapit sa akin. Tumingin ako sa paglalakad at nakakunot ang noong nagtanong dito.


"Bakit?" 


Hinila niya ako papalapit sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad namin. Nakapulupot ang kanyang mga braso sa kanang braso ko kaya lalo akong nagtaka sa kinikilos nya.


"Kailangan mo nang umalis dito." Pasimpleng bulong nya sa akin habang deretso ang paningin nya sa nilalakadan namin.


"Lalabas na nga ako 'di ba?" May pagkasarkastiko kong saad sa kanya.


"Tanga! Ibig kong sabihin ay dito sa palasyo. Narinig kong wala ng respond ang prinsesa kahit na anong gawin. Ang doktor na mismo ang nagsabing wala nang pag-asa. Galit na galit ang Reyna at gusto ka na n'yang hatulan ng kamatayan." Madiing sabi nya. 


Saglit akong napatigil at bumaling sa kanya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit walang respond ang katawan ng prinsesa. Wala na kasing kaluluwa ang katawan nya! Tsaka kamatayan? Tangina na naman? Gaano ba ako ka swerte at laging bitay ang ipinapataw sakin?


Napatigil din si Riya at nagtatakang tumingin sa akin. "Bakit?" 


"Seryoso ka?" Muli kong tanong dito. 


"Mukha ba akong nagbibiro?"


Inirapan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad. Dahil nga nakapulupot ang braso niya sa aking braso at nahatak ko sya. 


"Saan mo nalaman iyon?" Pagkaraang tanong ko sa kanya. 


"Sa unang prinsesa. Kay Allison. Narinig ko ang pag uusap nila ng kapatid niyang prinsipe na sina Aramis at Leandre. Kumpleto sila kanina sa kwarto ni Adallina." Napakamot nalang ako sa likod ng kanang tenga ko sa frustration. Problema na naman ba ito? 


"Pinanindigan talaga nilang ako ang may gawa no'n sa prinsesa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at napailing. Tumingin siya sa akin at umiling din.


"Ikaw ang nakita nila ng araw na 'yun, hindi ba? Primary suspect ka." Sabi nya at bumitaw sa akin. Nauna syang maglakad sa akin kaya ako ay nasa likuran niya na.


Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Pinagmasdan ko si Riya. Hindi ko pa rin alam kung pagkakatiwalaan ko siya. Ang sinabi niyang tumakas ako ay nagdadalawang isip ako. Mahihirapan ako sa mission ako pag umalis ako dito. Isa pa, isa siyang Roman. 


Mahirap pagkatiwalaan ang kalaban. Masyado silang matatalino.


____________________________________________________________________________________________________________________


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon