IKATLONG KABANATA

12.1K 398 40
                                    

"Maligayang pagbabalik, Prinsesa."

"Maligayang pagbabalik, Prinsesa."

"Maligayang pagbabalik, prinsesa."

"Ano ba! Anong bang nangyayari sa akin!" 

Nagpagulong gulong na ako sa kama na kinahihigaan ko dahil sa boses na hindi mawala sa isip ko. Hindi ko kilala ang boses na yun kahit ang may ari ng boses pero bakit parang may panghihina akong nararamdaman? Kahit gustuhin kong umalis kanina ay hindi ko magawa. 

Captain William. 

Habang nakain ako ay siya lang ang iniisip ko. Ni hindi siya maalis sa utak ko. Narinig ko ang pangalan nya ng sambitin ito ng Hari. Ang katawan ni Adallina ay nagrereact sa tuwing may naririnig patungkol sa lalaki. Hindi naman sasabihing lover sila kasi sa tingin ko nasa 30 na ang lalaki. Pero anong koneksyon nya kay Adallina? Hindi magrereact ang katawan nya kung wala lang. 

May kumatok sa pintuan ng kwarto ni Adallina-na ngayon ay akin na. Umayos ako ng upo ng bumukas ang pintuan. Bumungad ang sa akin ang babae siguro ay nasa 25 pataas palang. May dala itong bag.

"How are you feeling? You hit your head too much kaya siguro ay bahagyang nasakit." Panimula nya at nilapag ang bag sa vanity table at humarap sa akin ng seryoso.

"Sinabi sa akin ni Allison na wala ka bang maalala. Totoo ba?" Tanong ulit nya sa akin gamit ang seryosong tinig. Umiling ako sa kanya at sumandal sa headboard ng kama.

"Mula nang pag gising ko wala na akong maalala, kahit ano. Doctor ka ba?" Pahuling tanong ko. Tumango sya sa akin. "So alam mo kung totoo ang sinasabi ko o hindi." 

"Nandito ako para kamustahin ka lang. Pinapunta ko sa bahay ng matanda ang ilang tauhan ko kung saan ka natagpuang walang malay. Ang sabi ng matanda ay wala ka ng malay nang iuwi ka nya at puro galos ka. Pero ilang araw lang akong nawala ay nawala na din ang mga sugat mo kaya sa tingin ko ay ayos ka na. Maliban sa pagkawala mo ng alaala. Kahit ano wala ka na bang alam sa nakaraan mo?"

Meron, 'yun ay ang alaala ko bilang Samara Haya hindi Samara Adallina. 

Napabuntong hininga ako at bagot na tumingin sa kanya. "Ilang beses ko ba dapat sabihin na wala akong maalala? Kanina pa ako paulit ulit pero wala namang naniniwala. Mahirap bang paniwalaan ang sinasabi ko?" Inis na sabi ko. Hindi ko mapigilang mainis dahil paulit ulit sila. 

"Ang Prinsesa ay mahina lang ang boses at hindi marunong mainis. Mahinahon lang sya at hindi natingin sa mata ng kausap. I guess may Amnesia ka nga." Sabi nya at saka pinulot ang bag nyang dala at humarap sa aking muli.

"Twice a month akong dadalaw sayo. Nasa landline ang number ko kaya ako ang tatawagan mo ako kung may problema sa nararamdaman mo. Sabihin mo din sa akin kung nasakit ang ulo mo at kung may naaalala ka sa nakaraan mo. Goodbye for now, missy." Lumabas na sya ng kwarto kaya nakahinga ako ng maluwag. Napansin niya ang sugat at pasa kong nawala. Hindi ko din naman alam kung ano ang ginawa ng engkantong iyon sa katawan ko at bigla na lang nawala. 

Tumayo na ako at lumapit ulit sa closet. Kinuha ako ang Pants na nakita ko doon at ang shirt na kulay puti. Nagpalit na ko dahil may balak akong puntahan. Nabanggit ng babae kanina ang matanda. Siguro ay doon ako magsisimula kung bakit napadpad doon si Adallina. Buti nalang hindi katulad ng ibang nababasa ko sa comics ang mga damit nila.

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon