IKA-SIYAM NA KABANATA

8.5K 330 22
                                    

"H-haya?" Ngumiti ako sa kanya ng matamis. 


"Kamusta ka na, Criselda? Balita ko ayaw mo daw kumain? May problema ba?" Lumapit ako sa kanya at kinuha ang tray na naglalaman ng pagkain nya malapit sa kama. Umupo ako sa gilid ng kama nya kung saan sya nakatali.


"Ikaw? B-bakit? Anong kasalanan ko para gawin mo sa akin ito! Pakawalan mo na a-ako, Haya." Nagmamakaawang sabi nya. 


Umiling ako sa kanya at sumubo sa pagkain niya. In fairness masarap ang pagkain n'ya. Pano ba naman inorder pa ito sa Jollibee tapos aayawan n'ya lang. 


"Hindi mo alam? Hindi ba't ikaw ang nasa likod ng pagpatay kay, Salsedo Martin? Hindi mo ba kilala kung sino ang anak nya?" Tumingin ako sa kanya at nakita ko syang umiiling. Tinaktak ko ang laman ng tray sa side table na nasa tabi ng kama nya. Pumuwesto ako sa gilid ng kama nya at seryoso siyang tiningnan. 


"Ano naman ang kinalaman nila dit-Ahhh!" 


Bumaling ang ulo nya sa kaliwang bahagi ng kama dahil sa lakas ng pagsampal ko sa kanya gamit ang tray na hawak ko. Tumayo ako sa kama at kinuha ang Samurai na nakalagay sa sulok. Pagmamay ari ito ng kanyang ama na presidente ng pilipinas. 


"Hindi na ako magpa paliwanag sayo kung ano man ang 
 dahilan ko. Ano pa ang rason, mamamaalamn ka rin naman din diba? Isa pa, gusto kong mag overthink ang kaluluwa mo dahil sa pagpatay ko sayo." Sabi ko at nilabas sa lalagyan ang Samurai saka lumapit sa kanya. Sya naman ay nagpapa-palag ng makalapit ako sa gilid nya at hinawakan ang kanang balikat nya. "Katulad ng ginawa mo sa kanya, mamamatay ka rin sa sarili mong teritoryo. Walang makakaalam…walang makakarinig kahit na sino." 


"P-please, Haya. Nagmamakaawa ako wag mong g-gawin ito s-sakin. P-pakawalan–"


Naputol ang sinasabi nya ng bigla kong pagbaon ng Samurai sa gilid ng leeg nya pababa upang matamaan ang puso nya. Wala akong panahong pakinggan ang mga nginangawa nya.


Pinatay niya ang nag-iisang lalaki sa buhay ko. Si Salsedo Martin, ang aking ama na pinatay niya dalawang taon ang nakalipas. Si Criselda Lewis na kaibigan ko, pinatay niya ang nag-iisa kong pamilya. Hindi man lang nabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya kaya ako na ang gumawa ng paraan para makapag bayad sya. Walang batas sa mayayaman, kung mahirap ka, mahihirapan kang makamit ang hustisyang nais mo.

Binunot ko ang nakatarak na Samurai sa kanya at pinangputol ito sa taling nakatali sa kanyang mga kamay. Binagsak ko nalang basta ang Samurai sa lapag at nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto niya.


NAGLALAKAD ako ngayon dito sa labas ng palasyo. Malawak at maganda ang paligid. Merong hallway dito at malawak na Bermuda grass ang pumapaligid. Ang hallway ay papunta sa maid's quarter. Malaki ang maid's quarter dahil doon din nagaganap ang pagluluto kapag may okasyon. 


Hindi mawala sa akin ang napanaginipan ko kanina. After almost five years, napanaginipan ko na naman. Muli na namang pinaalala sa akin ang pangyayaring hindi ko pinagsisihang gawin. Sa totoo lang, hindi ako natuwa sa ginawa ko. Pakiramdam ko ay kulang pa iyon. 


Sa halos limang taon akong nag-isip kung paano makukuha ang hustisyang gusto ko ay iyon ang naisip kong gawin. Ang kuhanin din ang buhay niya katulad nang ginawa niya sa akin ama. Gusto ko siyang makulong at pagdusahan sa kulungan ang ginawa niya ngunit paano ko gagawin 'yon kung napaka makapangyarihan nila. Kunting kulbit lang sa pulisya ay makakawala agad siya.


Napukaw ang pag-iisip ko at napatigil sa paglalakad nang bumukas ang malaking gate ng palasyo. Kitang kita ito dito sa kinatatayuan ko dahil ang gate ay halos nasakop ang buong paligid ng palasyo. May pumasok na dalawang magagarang karwahe at tumigil ito sa malawak na field na halos katapatan ko na. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now