IKA-DALAWAMPU'T APAT NA KABANATA

5.5K 258 49
                                    

NAALIMPUNGATAN ako nang nararamdaman kong may mabigat na nakapatong sa aking t'yan. Nahihirapan akong huminga dahil dito. Mamungas mungas akong nagmulat at tiningnan kung ano ang nakapatong sa akin. Nang makita ko kung sino ito ay agad ko itong sinampal dahilan ng mabilisang pagtayo n'ya. Ako naman ay umupo at nagtataka kung bakit ako nasa kama katabi ito. 


"Anong bang problema mo?!" Naiinis na tanong nito at hinimas-himas ang pisngi niya. 


Mukhang napalakas ang sampal ko. My bad...


"Bakit ka kasi naka-unan sa akin. Mukha ba akong unan?" Inis na tanong ko sa kanya.


"Eh bakit ka ba nandito sa kama? Nandon ka dapat sa sofa!" Bulalas nya at tinuro pa ang sofa. 


Napakamot ako sa leeg ko. "Oo nga 'no..." 


Wala akong matandaang lumipat ako kanina ah. Oh baka naman nag sleep walked ako kanina? 'Di ko naman gawain 'yun eh...


"Nagamot mo na pala ang mga sugat mo." Puna nya kaya napabaling ako sa kanya.


"Ha?"


"Harurut... May tinitira ka ba? Ang tino mo kausap. Sabi ko kamo ay nagamot mo na pala ang sugat mo." Ulit nito at inirapan ako.


Napakapa ako sa mukha ko kung saan may mga sugat ako kanina. Ramdam ko ang magaspang na tapal dito. Kahit ang mga braso ko ay may mga band-aid ding nakalagay. 


"Sinong naglagay nito?" Tukoy ko sa mga band-aid na nakatapal sa akin. Nagkibit balikat si Arah sa akin.


"Hindi ko alam. Tulog ako kanina pa." Sabi nya at may paghihinala sa mata. "Hindi kaya minamaligno ka?"


Inirapan ko sya. "Ikaw lang ang may kakayahang gawin yun. Engkanto ka diba." Sabi ko at tumayo na sa higaan. 


"Ang ganda kong engkanto."


Wala akong natatandaan na ginamot ko ang sarili ko kanina. Antok na antok na ako para gawin ko pa yun. Pinagsawalang bahala ko nalang dahil baka katulong lang ang gumamot sa akin.


MATALIM PA RIN ang tinginan namin ni Kenna. Hindi mawala wala ang talim ng tingin nito sa akin kaya naman sinuklian ko rin ng talim na tingin. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ba ganito ang ugali ni Kenna. 


Mana sa tatay...


"Paano kami makakasiguro na hindi ninyo kami niloloko?" Tanong ni Kenna sa aming dalawa ni Arah.


Pinigilan ko ang sarili kong umirap dahil baka si Arah lang ang makaalis dito at mabalik ako sa kulungan. Apat na araw na mula ng mangyari ang panunugod ng mga Roman at ngayon ay napagpasyahan namin ni Arah na umaliis sa palasyo. Sa lumipas na mga araw ay wala kaming ginawa dito ni Arah kundi matulog o kaya naman ay kumain. Bukod kasi sa hindi kami makakilos ni Arah nang maayos dahil nakasisiguro kaming wala dito ang hinahanap namin pati na din ang kapatid ni Adallina. 


Jusme para kasing mangangain ng buhay! Laging nakamasid sa amin. Parang mga butiki sa kisame.


"Nais po naming bumalik sa dati naming buhay, prinsesa. Hindi dito ang lugar namin, sa Linawo po kami." Magalang na saad ni Arah na nahalata ko sa boses na naiinis na.


Parang konti na lang ay masisikmuraan niya na ang mga ito. Halos kalahating oras na kami dito kaharap ang pamilya ni Adallina para lang magpaalam! 


"You can go." 


Napabaling ako sa hari nang magsalita ito. Nakatingin ito sa akin. Walang emosyon sa mga mata nito at parang sinasabing pag gumalaw ako ay babaliin nya ang leeg ko. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now