UNANG KABANATA

14.7K 616 96
                                    


"Tangina, ang sakit!"


Marahan kong ginalaw ang aking katawan at nag-inat habang nakahiga pa. Nakakaramdam ako ng hilo at pananakit ng katawan sa tuwing gumagalaw ako.


Nasaan ako?


Inilibot ko ang buong paningin ko sa kinalalagyan ko ngayon. Nasa magarang kwarto ako. Paano ko ba Ide-describe ito. Halos dalawa hanggang tatlong beses ang laki nito sa selda namin. Napakalambot ng kama at ang laki pa. Napatingin ako sa harapan ko ng mapagtantong may salamin doon. Imbis na sa laki ng salamin ako magulat ay sa repleksyon na nakikita ko.


Babaeng teenager! Mahaba ang kanyang buhok na itim na itim at may maputlang balat. Tumingin ako sa mga kamay ko at sa salamin. Pabalik balik ang tingin ko sa salamin at sa mga kamay ko.


"Ano 'to?!" Ang dating maputing balat ko ay naging maputla na. Payat na babae ang nakikita ko.


Akmang bababa ako sa kama ay bigla namang bumukas ng pintuan. Bumungad sa akin ang dalawang babae. May gulat ito sa mukha ng makita ako.


"You're awake?!" Gulat na tanong nito sa akin. Mayroon itong hanggang bewang na buhok na medyo kulot. Nakasuot ito ng simpleng bestida na nagpa-angat sa kanyang ganda.


"How come? Sabi ni Mr. Hens na wala ka ng hininga?" Sabi naman ng isang babae. Mas matangkad ito ng ilang inches sa isa. Suot nito ay bestida din. Halos pareho ang disenyo pero magkaiba ang kulay. Kulay blue sa isa at sa kanya naman ay pula. Pareho ring hapit sa mga katawan nila.


Nakakunot lang ang noo ko sa kanila. Hindi ko sila kilala. Kahit ako naman ay akala ko patay na ako. Nahulog ako sa bangin hindi ba? How come na nandito ako? At bakit iba ang itsura ko!


"Nasaan ako? Sino kayo? Bakit ako nandito?" Di ko mapigilang bumaba sa kama at magtanong sa kanila. May pagtataka sa mga mukha nila ngunit maya maya ay tumaas ang kilay ng isa sa kanila.


"Really, Samara? You and your old tricks." Sabi nang nakapula.


Yeah, I'm Samara but I don't know who they are! Ngayon ko lang sila nakita.


"Tumakas ka at puro kalokohan ang dala mo pagbalik. I know you're crazy but did you know what you did, huh!? Hindi lang ang pamilya natin ang pinapahiya mo kung hindi pati ang buong Cintilla." Muling saad noong babaeng nakapula.


Napapitlag ako dahil sa pagsigaw nito. Ano bang ginawa ko? Ang alam ko lang naman ay tumakas sa kulungan yun lang!


"Hindi ko alam ang sinasabi nyo." Sabi ko sa kanila.


Yun talaga ang totoo inosente ako! Well except sa pagpatay kay Criselda. Bagay yun sa kanya. Bukod sa mabantot ang pangalan nya mabantot din ang trabaho nila.


"Stop playing around, will you? Magbihis ka nang maayos dahil pupunta ang ibang pinuno dito. Kaya umayos ka. Kung maaari ay huwag ka nang bumaba." Sabi pa ng naka blue saka umalis. Mariin naman akong tiningnan ng babaeng nakapula at saka lumabas.


"Sino ba sila? Playing around? High ba sila?! Mukha ba akong nag lalaro? Mga gago." Paghihimutok ko.


Lumapit ako sa salamin at saka ko lang nakita ang kabuuan ng mukhang meron ako. Anong nangyari dito? May ilang pasa ang mukha nito sa mukha at sugat. Napatingin ako sa bandang leeg nito at kahit sa kaliwang balikat ay tiningnan ko. Pasa at sugat din ang nakita ko na mukhang nanggaling ang sugat sa matalas na bagay. Hinawakan at pinakiramdaman ko ang likod ko.


Kaya ba ako nakaramdam ng hapdi kanina nang sinusubukan kong tumayo dahil dito?


May hapdi akong nararamdaman sa likod ko at pakiramdam ko ay may sugat din iyon. Binalik ko ang paningin ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng Victorian night gown. Itinaas ko ang sleeve ng suot ko at nakita ko doon ang pasa sa pulsuhan ko. Ginawa ko rin 'yon sa isa pang sleeve at katulad nang una meron din itong pasa sa pulsuhan.


"Anong nangyari sayo?" Hindi ko mapigilang itanong iyonsa katawang meron ako.


"Raped."


"Mahabaging gulay!"


Napatingin ako sa gilid ko nang biglang may nagsalita. Nakita ko doon ang batang nasa 10-13 years old na prenteng nakaupo sa harap ng vanity table. Nakangiti ito sa akin.


"Sino ka naman?" Tanong ko ng makabawi ako sa gulat ko. Hinimas himas ko pa ang parte ng dibdib ko kung saan katapat doon ang puso.


"I'm Arah, call me Arah na lang." Sabi nya at saka ngumiti pa lalo. "Tinatanong mo kung anong nangyari sa kanya, hindi ba? Na-rape sya 2 weeks ago dito sa loob ng palasyo kaya tumakas sya dahil nandito ang taong nanggahasa sa kanya." Sabi nya pa saka tumayo.


"Rape? Anong alam mo?" Pagtatanong ko pa sa kanya. Lumipat sya sa kama at doon sya umupo at tumingin sa akin.


"Ikaw si Samara Martinez, hindi ba? Ang katawan naman na 'yan ay si Samara Adallina Faraci. Isa siyang prinsesa ba inabuso kaya ganyan ang nangyari. She's weak and fragile. Umalis siya sa palasyo para lumayo sa gumawa sa kanya ng pang-aabuso pero aksidenteng nabangga sya. Isang fish vendor ang nag alaga sa kanya ng dalawang linggo. Nalaman ng hari na tumakas s'ya kaya naman pinahanap at dinala ang katawan niya dito. Walang buhay s'yang dinala dito hanggang sa boom! Napunta ang kaluluwa mo sa katawan nya." Pagkukuwento nya.


Kumunot ang noo ko sa kanya. "Alam mo kung sino ako? Paano?"


"Dahil ako ang guardian nyo." Sabi nya. Natawa ako sa sinabi nya.


"Ang bata mo pa para magdroga, bubwit." Sabi ko saka umupo din sa kama.


"Totoo ang sinasabi ko. Alam ko ang nangyari kay Faraci at sa'yo, Martinez. Binabantayan ko kayong dalawa." Saad niya ng may kaseryosohan.


Nanahimik naman ako sandali at inobserbahan siya. "Kung ganon nasan na si Samara Faraci? Ang katawan ko nasan na? Paano ako napunta dito? Nasaang lugar ako?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.


"Una patay na si Samara. Mula nang mabangga siya, patay na sya. Masaya na sya kung nasaan man siya. Pangalawa, patay na din ang katawan mo. Nakain ng pating, pirana o shokoy. Nasagasaan ng barko o eroplanong pandagat.. Basta patay na. Pangatlo, 'yan ang mission na aalamin mo. Bakit ka napunta sa katawan nya. At ang huling tanong mo ay nasa Clasoryas ka. Mundo kung saan walang nakakaalam kahit na sino. Ano may tanong ka pa? Kung wala na aalis na ako." Paliwanag nito habang sinisiyasat ang kanyang mga kuko.


"Last. Iyong mission na tinutukoy mo ano 'yon?"


"Hindi ba sinabi ko na inaabuso si Samara Faraci? Yun ang mission mo. Itama at hanapin ang mga umaabuso at nananakit sa kanya. Itama ang mga paratang sa kanya. Ipaglaban mo siya." Sabi nya at bigla nalang nawala na parang bula. Magtatanong pa sana ako nang nawala na lang siya bigla.


"Gago?"


Nilibot ko ang paningin ko at walang bubwit akong nakita. Gago ano ba ang batang yun? Guardian ba sya o maligno? Basta basta na lang nawawala.


Muli kong nilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto. Napaka laki nito. Paniguradong napakayaman ng pamilya nito dahil pati mga gamit ay mukhang mamahalin. Lumapit ako sa teresa na nakabukas. Nakikita ko ang mga taong mabilis ang kilos. May mga babaeng pare-pareho ang suot na bestida at mayroon rin namang mga lalaking mukhang kawal dahil sa mga suot nilang mukhang armor.


Prinsesa?


Nasa katawan ako ng isang prinsesa? Hindi ko alam na totoo ang second life. Totoo rin pala ang muling pagkabuhay. Mukhang maswerte ako dahil sa katawan pa ako ng prinsesa napunta.



__________________________________________________________
__________________________________________________________






Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now