IKA-APATNAPU'T TATLONG KABANATA

3.9K 192 27
                                    


Nagising ako sa kalampag na nagmumula sa pintuan. Nagmulat ako ng mata at nakita ko doon ang ilang kawal ng Roman na pumasok. Humilera lamang sila sa tabi ng pintuan. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at kunot noo silang tiningnan. 

"Anong kailangan ninyo?" Tanong ko rito ngunit diretso lamang silang nakatingin sa akin. 

Pito silang mga kawal na nandito sa loob ng kwarto at nakahelara lamang. Diretso ang tayo at diretso ring nakatingin sa akin. Para silang sundalong hapon noong unang pahano sa kanilang istilo. 

"Inuulit ko, Ano ang ginagawa ninyo dito?" Mariin kong tanong muli sa kanila. 

"Nandito lang kami para kamustahin ka." Tumingin ako sa pintuan nang may biglang umimik. 

Humakbang pauna ang isa sa mga kawal at walang emosyon na nakatingin sa akin. 

"Kamusta ka na, Haya." 

"Nakita n'yo na ang kalagayan ko kaya umalis na kayo." Walang gana kong sabi sa kanila at tumalikod na para bumalik sa kama ko ngunit napa-igik ako nang may humablot sa buhok at hinila ako papalapit sa kanya.

"A-ah...Ano ba!" Bakit ba napakabrutal nito?  

Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko. Inaalis ko ito ngunit lalo lamang niya hinihigpitan ang pagkakasabunot sa akin. 

"Akala mo ba nakakalimutan ko ang ginawa mo." Mariing saad niya sa akin. 

"Ano na naman ba ang ibibintang ninyo sa akin?!" Singhal ko sa kanya. 

Hindi ko siya kilala at ngayon ko palang siya nakita. Ano na naman ba ang kasalanan ko. Bakit parang araw-araw may kasalanan ako!

"Ano? Hindi mo alam!?" Bulyaw niya. 

Inikot niya ako paharap at mahigpit na hinawakan sa panga. Diretso ko lang siya tiningnan sa mata at hindi ininda ang pagkakahawak niya sa panga ko. 

"Pinatay mo ang kapatid ko! Noong sumugod siya sa palasyo, ikaw ang tinuturo nilang pumaslang sa kanya!" Galit na galit na saad niya. 

Napa-irap ako nang wala sa oras dahil sa tinuran niya. "Ah yun ba? Sino ba sa kanila? Marami kasi akong napaslang na mga hayop noong oras na 'yun–aack.." tangina bakit ba ayaw nila akong patapusin sa sinasabi ko!?

Napa-pikit ako nang sakalin niya ako ng mahigpit. Hinawakan ko ang pulsuhan niya para maalis ang kamay niya sa aking leeg.

"Ikaw nga ang dahilan kung bakit nawalan ako ng kapatid!" Sigaw niya at pabalang akong binitawan. 

Napa-upo ako sa kama at napahinga nang marahas. Ilang beses akong huminga ng malalim para mabawi ko ang hanging nawala sa akin. 

"Kayo ang tunay na kalaban dito, hindi kami. Kayo ang nagsisimula ng gulo." Mariing saad pa nito at lumapit sa akin. Akma nitong hahablutin ang buhok ko kaya naunahan ko na siyang kumilos.

Tinabig ko ang kamay nito at hinila ito sa kanyang leeg saka inumpog sa matigas na kama. Nawalan ito ng lakas dahil sa malakas at sa hindi inaasahang impak.

Naalarma ang mga kasamahan nito at akmang kikilos sila sa kanilang kinatatayuan nang hugutin ko sa tagiliran ang espada ng Romang katabi ko saka itinutok sa kanyang leeg. 

"Kung gusto n'yo pang lumabas nang kumpleto dito ay huwag kayong gagawa ng kahit na anong kilos at ingay." Pananakot ko sa kanila. 

Tumayo ako at hinila ang Roman patayo. Hindi siya makatayo nang maayos at mukhang nahihilo pa ito. Itinuro ko ang pintuan gamit ang espadang hawak ko. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now