IKA-DALAWAMPU'T ISANG KABANATA

5.6K 271 18
                                    


"RIYA!" Nilibot ko ang paningin dito sa loob ng kulungan. Mausok at hindi malinaw ang nakikita ko. Kumapit ako sa bakal na rehas. Masakit ang mukha ko dahil sa bigat ng mga suntok ni Riya. Pati ang katawan ko ay masakit din tapos dinagdagan n'ya pa ng sugat ang braso ko.


"H-haya..."


Inaninag ko ang sulok ng selda namin. Nilapitan ko iyon dahil narinig ko ang boses ni Aling Solya doon. Medyo nahirapan pa ako dahil masakit sa mata ang usok dahil sa pagsabog. 


"Aling Solya?" Pagtawag ko sa kanya.


"Nand-dito ak-o." 


Nakita ko si Aling Solya na nasa sulok. Umuubo ito at parang nahihirapan. Kahit na nahihilo ay binilisan ko paglapit sa kanya at tinulungan siya. Inalalayan ko siyang tumayo nang maayos. Inilagay ko sa balikat ko ang kanang braso niya para makatayo nang maayos. Lumabas kami sa selda namin para ilabas siya dito. Palabas na kami ng kulungan nang marinig ko ang kaguluhan sa labas. 


Hindi inaasahan ang pag-atake na ito at mukhang planado ito!


Itinabi ko si Aling Solya sa lugar kung saan walang masyadong tao. Kasama nito ang iba pang presong sugatan. Halos marami ang patay lalo na sa grupo ng mga kalalakihan. 


"Saan ka pa pupunta, Haya?" Mahina pero rinig kong tanong ni Aling Solya sa akin nang akmang tatalikod ako. 


"May pupuntahan lang ako." Saad ko rito. Hindi ko na siya hinintay pang mag komento at tumakbo na palayo sa kanya. Nakarating ako sa malawak na likuran ng palasyo at nakita ko ang nagkalat din ang mga Knight at pinipigilan nila ang mga may kulay brown na kasuotan. 


Mga Roman.


Nagulat pa ako dahil hindi lang pala ang kulungan ang pinasabog. Mayroon ding ibang bahagi ng palasyo ang pinasabog. Nagmumula ang usok sa unahan ng palasyo kaya sa tingin ko ay doon ang pagsabog. 


Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa loob ng palasyo. Ang prinsesa ang prayoridad ko ngayon dahil sa tingin ko ay ang prinsesa ang pakay nila lalo pa't narinig ko ang pag uusap nila Riya at ang tinawag niyang Lucy kanina. 


"Mikay!" 


Akmang papasok na ako sa palasyo nang makarinig ako ng pamilyar na tili. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo malapit sa dining area ang paningin ko. Sugatan si Rowi at walang malay si Mikay. Merong dalawang naka brown na kasuotan ang nasa harapan nila. 


May bumangga sa aking matigas na bagay. Lumingon ako at mukhang Roman ito base sa kanilang kasuotan. Mabilis ang ginawa kong galaw. Siniko ko agad ito sa kanyang batok bago maka lingon sa akin. Hindi pa ako nakuntento at hinawakan ko pa ang kanyang ulo at pinilipit ito. Bago siya matumba ay hinanggit ko ang hawak nitong mahabang baril. May patalim ang mahabang baril sa bunganga nito kaya magagamit ko ito.


Mabilis akong tumakbo sa pwesto ni Mikay. Agad kong hiniwa ang ang batok ng isang Roman kung saan hawak-hawak si Rowi. Nabitawan nito si Rowi at napalingon sa akin pati ang isang may hawak kay Mikay. 


"Walang hi-" 


Hindi ko na siya pinatapos ng itinarak ko sa dibdib nya ang dulo ng baril kung saan may patalim. Sinipa ko siya para maalis ang patalim sa dibdib n'ya at sinunod ko naman ang isang may hawak kay Mikay. Binitawan nito si Mikay nang biglaan buti na lang ay nasalo agad ito ni Rowi ngunit parehas silang natumba. Tutulungan ko na sana silang makatayo pero may biglang humanggit sa akin at hinagis ako. 


Napadaing ako ng tumama ang likod ko sa railings ng hagdanan. Ginamit ko ang baril para pang alalay sa pag tayo. Ginamit kong pangsangga ang mahabang baril ng ambahan n'ya ako ng espada niya. Sinipa ko siya sa puson niya at hinampas siya ng baril. Nang mawalan siya ng balanse ay hindi na ako nagdalawang isip na gilitan sya leeg. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now