IKA-TATLUMPU'T ANIM NA KABANATA

3.9K 182 7
                                    


Patanghali na kaming naka-alis ni Arah sa dating lugar ng Roman. Nakakuha kami ng mga armas doon at pati ang nakitang telang puti ni Arah ay dinala na niya. 


Dahil ngayon ang araw na ang libing ni Adallina at ngayon din ang kaarawan niya, napagpasyahan namin itong dalawin. Tinatahak namin ni Arah ang daan patungo sa palasyo sakay sa aming kabayo. 


ILANG sandalin pa ay nakarating na kami sa palasyo. Mula sa gate ay bumaba kami ni Arah at iniwan ang kabayo namin sa labas. Suot ang cloak namin ay pumasok kami sa loob. Sa malawak na field ay tahimik at walang katao tao man lang. Kahit ang mga Knight ay wala din.


"Nasaan sila?" Tanong ko kay Arah. Nagkibit balikat naman ito sa akin at pinagmasdan ang paligid.


"Hindi ko alam." Sagot niya sa akin. "Napaka tahimik ng paligid." Puna pa n'ya. 


"Duda ako sa katahimikan dito." Saad ko at mula sa loob ng cloak na suot ko at inabot ko ang karambit na nakasuksok sa likuran ko at mahigpit itong hinawakan. Nakita ko rin ang paggalaw ng bisig ni Arah na pawang inabot din nito ang baril na nasa likuran niya. 


"Maging alerto ka, Samara." Saad nito sa akin. Tumango ako sa kanya at nilibot ang aking paningin. Kahit saan ka tumingin ay wala kang makikitang tao. 


Akala ko ay dito gaganapin ang seremonya bago ilibing ang prinsesa ngunit ito ang nadatnan namin. Tahimik na palasyo.


"Sa loob ako ng palasyo, ikaw na ang bahala dito sa labas." Sabi ko kay Arah. Tumango naman siya at naghiwalay kami ng daan. 


Dumeretso ako sa loob ng palasyo at katulad sa labas ay walang katao tao. Tahimik at kahit kaluskos ay wala kang maririnig. Isinuot ko ang hood ng aking cloak at sinimulang buksan ang mga pintuan dito sa unang palapag. Wala akong makitang kahit na anong bakas kaya lalo akong naghinala. 


Umakyat naman ako sa ikalawang palapag at binuksan ang mga pinto doon. Wala pa rin akong makita na clue na makakapagsabi kung ano ang nangyari dito. Nakarating na ako sa kwarto ng prinsesa at wala na siya doon. Malinis ang kwarto niya at maayos ang pagkaka ligpit ng higaan n'ya. 


"Nailibing na ba s'ya?" 


Inalis ko ang hood ko. Napakamot ako sa ulo ko. Baka naman nasa libingan silang lahat? Nakikiluksa rin? 


"Samara!"


Naglakad ako palabas nang tawagin ako ni Arah. Mula sa ikalawang palapag ay dinungaw ko siya. Napakunot ako ng noo nang makita kong may hawak s'yang espada.


"Anong nangyari?" Tanong ko habang pababa ng hagdan.


"Hindi ka maniniwala sa nakita ko." Sabi n'ya at hinawakan ang pulsuhan ko saka  hinila ako palabas. 


"Ano ba 'yun?" Kunot ang noong tanong ko sa kanya. 


"Dito." 


Hinila niya ako papunta sa likuran ng palasyo kung saan doon nakatayo ang kulungan. Binitawan n'ya ang pulsuhan ko at binuksan ang paunang gate ng kulungan. Sinenyasan n'ya akong mauna kaya kunot noo akong nauna sa kanya pumasok. 


Nasa bukana pa lang ako nang mapatigil ako at saka napalunok ng sariling laway. Hindi ko mapigilang mapatakip ng bibig dahil pakiramdam ko ay hinahalukay ang sikmura ko sa nakikita ko. 


Ang daming bangkay ng mga Knight at mga katulong. Para silang hayop dahil mayroong mga lasog-lasog ang katawan, mayroon ding walang mga ulo. Para silang minassacre. Ito siguro ang dahilan kung bakit napaka tahimik nang buong palasyo. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon