IKA-APATNAPU'T WALONG KABANATA

4.7K 250 22
                                    


"No improvement?" 

I turned my gaze at him. Huminga ako ng malalim bago umiling. It's been years. Almost two years and a half na ang nakalipas ngunit hindi pa rin s'ya nagising. They always checked her, umaasang may pagbabago pero wala pa rin. 

Sumandal ako sa likod ng pinto. Ang prinsipe ay nakaupo sa sofa sa paanan ng kamang hinihigaan ni Samara. I stared at him. He's peacefully looking at Samara. Ino-obserbahan niya ito. Muli ako tumingin kay Samara. Lalong namumuti ang balat nito dahil dalawang taon mahigit na itong nakaratay. Ang buhok nito na dati ay hanggang batok ngayon ay humaba na hanggang bewang niya. 

Naghilom na ang mga sugat niya. Makinis na muli ang kanyang mukha hindi katulad noong kabilang taon na halos hindi na namin mahawakan ang mukha nito dahil sa mga sugat. Ang tanging may peklat na lamang ay ang kanyang likod. Malalim ang mga sugat na natamo niya doon kaya mahirap itong pahilumin. 

Napagdesisyunan ko na lumabas na muna. Nasa palasyo kami. Dito ngayon ginagamot si Samara. Ako naman ay nauwi sa bahay na tinutuluyan nami ni Samara noon.

Sa loob ng dalawang taon ay naging payapa ang lahat. Natapos ang gulo at tinapos ito ng mga maharlika. Pagkatapos ng pakikipag bakbakan ng mga Prinsipe at Hari ay hindi nila magawang magsaya sapagkat marami rin ang nasawi. Hindi nila kayang magsaya gayong may mga binawian ng buhay. 

"If Haya did not experience a significant injury or cardiac abnormalities within 24–48 like burns, irregular heartbeat or seizure, it can lead to comatose because of the electric shock." Nagulat ang lahat sa kanilang narinig. Napatingin ako sa unang prinsipe na nakatingin sa babaeng walang malay sa ibabaw ng kama. 

"Ang boltahe ng kuryente ay maaaring maka-apekto sa kanyang utak. Kung hindi siya magigising within 48 hours ay idi-deklara naming comatose ito." Paliwanag pang muli ng doctor. Ang mga nurses ay kinakabitan ng oxygen mask si Haya. 

"Kung maco-coma siya, kailan siya maaaring magising?" Tanong ko sa doctor. 

"We don't know. Maaaring next month, after two months, years, decades or worse ay hindi na siya magising." Sagot ng doktor sa dalaga. "We should also expect the symptoms including psychological and neurological symptoms. The neurological symptoms include memory loss and concentration difficulties while psychological symptoms include trauma, insomnia, depression or anxiety and also panic attack."  May binigay na papel and doctor sa unang prinsipe kaya lumapit ang iba upang makita ito. 

Naka lista doon ang mga posibilidad na maging epekto ng kuryente. Nakalista doon ang mga sinabi ng doctor. Nanghihinang tumingin ulit ako sa kanyang kaibigan ko na nakaratay sa kama habang kinakabitan ng kung ano sa katawan.  

Dalawang taon na ang lumipas nang idineklarang comatose si Haya. Minsan ay sumasagi sa isip ko kung magigising pa ba ito o hindi. Matagal na namin itong inaantay na magising. Kahit senyales kung magigising pa ba ito ay wala. Kaya hindi mawala sa isip ko kung babalik pa ba ito o hindi na. 

"Mama Arah!" 

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sigaw ni Alana. Nakita ko itong tumatakbo papalapit sa akin. Ngumiti ako hinintay siyang makalapit sa akin.

Dalawang taon na ang nakalipas at malaki na ang pinagbago ni Alana. Limang taon na ito at tumatangkad na rin ito. Ang kanyang buhok ay hanggang bewang niya at kulot ito. Nagiging kamukha ito ng prinsesa ngunit ang ugali ay hindi. Hindi ito nagmana sa prinsesa at sa kanyang ama. Habang lumalaki ito ay napapansin kong namana ni Alana ang ugali ni Samara. Matigas ang ulo nito at minsan pa ay pala away. Bata pa lamang ito ay marami na siyang tinarayan lalo na sa kanyang paaralan. Kahit sa pagkilos ni Samara ay nakukuha nito. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Kde žijí příběhy. Začni objevovat