IKA-APATNAPUNG KABANATA

4.2K 229 35
                                    


Mula nang umalis kami ni Arah sa Linawo ay pakiramdam ko ay nakalaya na ako. Isang linggo na ang nakalipas simula nang umalis kami ni Arah. Napagdesisyonan naming umalis muna pansamantala sa bayang iyon. Kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang inis ko sa pamilya ni Adallina.

Paano ba namang hindi ka maiinis kung nakatanggap ka ng sampal sa kanila. Hindi mag-asawang sampal kung hindi yung mismong mag-asawa ang sumampal sa akin. Sinakal pa ako.

Damang-dama ko ang mala-bakal na kamay nila.

"Samara." Nilingon ko si Arah na kakarating lang.

"Anong balita?" Tanong ko rito nang lumingon ako sa kanya.

"Wala pa rin." Sagot nito at umupo sa tabi ko. Tumingin ito sa malawak na hardinan. Sinalubong kami ng preskong hangin. Malamig at mabango ang hangin dahil sa mga bulaklak na nandito.

"Dapat na ba tayong kabahan? Hindi pa sila nakilos laban sa mga Roman." Umiling ako sa kanya habang nakatanaw pa rin sa hardinan.

"Relax ka lang. Magtiwala ka sa desisyon ng Reyna. Tsaka pagpahingahin mo naman ako. Hindi pa nga ganun kagaling ang paa ko tapos ipapasabak mo ako sa giyera.." Saad ko at saka umismid. Yung ang sinabi niya noong huling pag-uusap namin. Desisyon daw niya chuchu.

"Para kang ampalaya. Napaka bitter mo." Saad nito sa akin. "Kamusta na nga pala ang hita mo?"

Napatingin ako sa hita ko. Nilalagyan ko pa rin ito ng benda pero nakakapaglakad na ako nang walang saklay. Naghihilom na rin ang sugat ko.

"Okay na. Pwede na akong makasipa." Sabi ko sa kanya at ginagalaw ang paa ko.

"Edi ikaw na ang pumalit sa kabayo ko. Nanghihina na siya eh." Sabi niya. Lumingon ako sa kanya at pinagkunutan siya ng noo.

"Anong ako? Mukha ba akong kabayo sa 'yo!?" Pag-asik ko rito.

Nagkibit balikat siya sa akin. "Wala akong sinabi." Sabi niya at parang nagpapatay malisya pa.

Inirapan ko siya at sumandal. Ito rin ang naging palipasan namin ni Arah. Ang mag-asaran, tsumismis at minsan nauuwi pa sa sakitan. Hindi na rin n'ya binanggit ang nangyari sa palasyo.

Palagi rin siyang umaalis. Naggagala-gala siya para raw hindi siya ma bored. Hanga na ako rito dahil tinalo niya na ngayon si Dora sa kaka explore.

"Nagluto ka na ba?" Buglang tanong nito sa akin.

Bumaling ako sa kanya saka umiling. Napakagat pa ako sa loob ng pisngi ko. "Hehehe... hindi eh. Hindi ko alam ang lulutuin tsaka hindi ako marunong magluto, 'di ba?." Pag amin ko sa kanya.

Nanliliit ang mata niyang tumingin sa akin bago bumuntong hininga. "Ano pa nga ba ang aasahan ko. Sa paglamon ka lang naman magaling." Sabi niya at saka tumayo na.

Naglakad na siya papunta sa bahay na tinutuluyan namin. Tama naman siya eh. Wala akong future sa pagluluto. Aminado na naman ako.

Malapit ng dumilim at mas masarap ang hangin dito sa hapon. Mas malamig at mas sariwa. Ito rin ang gusto ni Alana. Sa tuwing sasapit ang hapon ay nagyayakag siyang pumunta malapit sa palayan para lang sa hangin.

Napa-irap ako sa hangin nang wala sa oras dahil sa iritasyon. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing naaalala ko ang bata ay napasok din sa utak ko ang pamilya niya.

Tulad ng sabi ni Arah ay hindi pa na kilos ang mga ito. So anong ina-antay nila pasko? Bagong taon? Kung kailan patay ng bata bago sila makakilos?

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now