IKA-TATLUMPU'T SIYAM NA KABANATA

4K 219 22
                                    


Nakarating na kami ng prinsipe sa hapag. Mukhang kumpleto na sila at kami na lamang ang hinihintay. Nandon na rin si Arah na mababakas ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Nang maramdaman niya ako ay inangat niya ang kanyang ulo  at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin pero mababakas pa rin sa kanyang mata ang kaseryosohan. Walang umiimik na kahit sino man sa hapag. Lahat sila ay seryoso. 

Ramdam ko ang paghawak ng prinsipe sa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinuro niya ang bakanteng silya sa tabi ni Arah. Maliit akong ngumiti sa kanya at saka lumapit doon. Si Arah na ang nag-ipod at inalalayan akong umupo. Nag angat ako ng tingin nang may kumuha ng saklay ko. Nakita ko ang unang prinsipeng kinuha iyon at nilagay sa tabi.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Mahinang tanong sa akin ni Arah. 

"Okay na kahit papaano." Saad ko sa kanya. Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong kasama ko. Natuon ang paningin ko sa dalawang mag-asawang magkatabi. 

"Ano bang nangyari?" Bulong na tanong ko sa kanya. 

Napansin ko ang mga mata ng Hari na punong-puno ng galit. Seryoso lamang ang kanyang mga mata ngunit mababakas ang apoy sa mata nito. Apoy na kung sino man ang mangangahas na tumingin ay matutupok agad. Kahit ang Reyna ay iba ang nararamdaman ko sa kanya. Medyo namumula ang mata nito. Ang aura na lumalabas dito ay napaka mapanganib. 

"Hindi ko din alam." Bulong pabalik sa akin ni Arah. 

Tumingin ako sa kanya saka tumango. Muli akong tumingin sa mag-asawa. Ngayon ay nakatingin na sa akin ang Hari. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tingin na iyon ngunit hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pagtingin niya. Napakamapanganib at parang walang sino man ang gustong tumingin sa mga matang iyon. 

Nag-was lamang ako ng tingin nang may maglagay ng pagkain sa lamesa. Ilang beses akong napakurap saka dumeretso ng upo. Kaharap ko ngayon ay si Kenna. Katulad ng kanyang magulang ay seryoso rin ito. Nakayuko ito at nakatingin sa kanyang pinggan. 

Tiningnan ko si Arah sa gilid ko. Mukhang wala rin siyang idea kung ano ang nangyayari. Inoobserbahan niya rin ang paligid. 

Nagsimula na kaming kumain at tanging kalampag lamang ng mga kubyertos ang maririnig. Napaka-tahimik at walang gustong bumasag ng katahimikan. 

Hanggang sa natapos ang paghahapunan namin ay walang umiimik. Kahit sa paglabas namin ay tahimik at mahihiya ang hangin na umihip. 

"Anong nangyayari?" Tanong ni Arah sa akin. Sumabay ito sa akin sa paglalakad. 

"Hindi ko rin alam. Kahit ang Hari at Reyna ay kakaiba. Parang kahit anong oras papatay sila sa sama ng aura nila." Puna ko sa mahinang tono. 

"Kanina ko pa rin nahahalata na may problema sila. Simula nang dumating ako sa hapag ay wala nang kahit sino ang umiimik." Ani ni Arah habang nakaalalay sa akin sa paglalakad.

"Haya," 

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa likuran namin. Nakita ko ang Reyna na papalapit sa amin at nasa likuran nito ang Hari. Nakaramdam agad ako ng kaba dahil sa mga aura nila. Mayroon itong hawak na papel. Mahigpit ang pagkakahawak niya doon. 

"Bakit po-"

"Nasaan ang bata?!" Mariing tanong niya sa akin na kahit ang pagsasalita ko ay hindi niya na pinatapos. 

Kumurap ako ng dalawang beses sa kanya at saka bumaling kay Arah. Nagkibit balikat siya sa akin upang iparating na wala siyang kinalaman kung paano nalaman ng Reyna ang tungkol kay Alana. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon