IKA-LABING ISANG KABANATA

8.2K 333 15
                                    


DALAWANG araw na simula nang naging abala ang buong palasyo. Ngayon naman ay ang mga Knight ang abala. Madaming nakakalat na Knight sa malawak na field. Ang mga bagong pasok na Knight ay nagte-training dito sa malawak na field. Nakaalalay sa kanila ang mga dating Knight. Sila ang Senior. 


Inayos ko ang bestidang suot ko na umabot ang haba sa aking talampakan. Kulay puti ito at ang sleeve ay umabot sa kamay ko kaya nagmukha akong suman sa suot ko. Hindi naman siya masyadong hapit sa katawan ngunit balot na balot naman ako. Ang buhok ko ay naka half ponytail lang. 


Nilagay ko sa likuran ang dalawa kong kamay at saka naglakad papalapit sa isang Junior. Hindi ko akalaing makikita ko na naman s'ya. Akala ko huling pagkikita na namin noong pumunta ako sa Linawo. Nakita ko syang hawak-hawak ang bow and arrow. Ito ay nakasuot ng Violet na t-shirt kung saan naka tuck-in sa pantalon. Parang combat boots din ang suot nito na malapit ng umabot sa ilalim ng tuhod nito. 


"Pst! Allen!" Tawag ko sa kanya ng malapit na ako. Hindi nya ako pinansin at patuloy pa din sa pag papana sa mga dummy na naka tayo malayo sa kanya. Ganon din ang iba at ang iba naman ay nakikipag espadahan.


Lumapit pa ako sa kanya at malakas na tinapik ang balikat nya. "Hoy, lalaki! Famous ka ba at hindi ka namamansin?" Sabi ko sa kanya ng mapatingin sa akin.


"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo nya sa akin. Parang pinapakita n'yang ayaw niya akong makita. Tinuro ko ang palasyo sa likuran ko at sarkastikong ngumiti sa kanya.

"Dumayo lang ako ng inom dito sa palasyo." Sabi ko at inirapan sya. "Malamang prinsesa ako kaya ako nandito. May nakakapagtaka ba roon?" Sarkastikong tanong ko. 


"Ang ibig kong sabihin ay bakit nandito ka sa training ground? Hindi ka dapat nandito." Saad niya sa akin at binaba sa lupa ang pana.Lumapit ako sa mga bow and arrow na nakatengga sa gilid. 

"May pangalan ako prinsesa, Allen ang pangalan ko hindi lalaki."  Rinig kong sabi nya. Nang makakuha na ako ng sampung arrow at nilagay ito sa Quiver. 


Napangiwi pa ako ng medyo may kabigatan pala ang bow nila dito. Gawa sa metal ito akala ko naman magaan lang. Lumapit ako kay Allen at tumapat sa kanya.


"Hindi ka kasi nalingon pagtinatawag ka sa pangalan mo." Reklamo ko at inangat ang pana.


Imbis na sagutin ako ay inirapan nya ako. Napa 'tsk' nalang ako dahil sa kaartehan nya. Bakit ba palaging nang-iirap ito? Kalalaking tao ang hilig mag-inarte. Hindi ko na lang sya pinansin at nagsimula na akong gayahin sya sa pamamana.


Unang tira sablay,


Pangalawang tira, sablay!


Pangatlo...sablay ulit!


Pumang-apat na ako hanggang sa pitong tira sablay pa din! Naubos na ang mga palaso ko ay ni isa ay walang tumama sa dummy. 

Gusto kong pumalahaw ng iyak dahil lahat ng tira ko ay sablay! Pag sa long range weapon ay hindi ako maaasahan. Noong nasa sarili ko pang katawan ay sablay na ako pagdating sa mga long range weapon. Malabo ang mata ko kaya hindi ko na tinangkang sumubok katulad nito. Hanggang sa kutsilyo lang ako kaya halos lahat ng uri ng kutsilyo ay alam ko. 


"Gusto mo bang lumapit o yung dummy ang ilalapit ko sa'yo para matamaan mo?" Bakas sa boses nya ang panunuya kaya naman bumaling ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Nakangiti ito at bakas ang pag-aasar. 


"Nang-aasar ka ba?" Bugnot na tanong ko sa kanya. May pang-aasar na ngumiti sya at umiling bago magpakawala ng arrow. 


Tiningnan ko lahat ng dummy na nakatapat sa kanya. Lahat may tama! Saktong sakto sa mga point na nakalagay sa dummy. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon