IKA-TATLUMPU'T APAT NA KABANATA

4.8K 212 21
                                    

"We've already talked about this haven't we, Zadkiel?"


Hindi lang sa malamig na boses ako nanlamig kung hindi pati sa binanggit na pangalan nito. Bahagya akong lumapit sa kanila. Nakita ko ang lalaking masama ang tingin sa lalaking nasa unahan ko. 


Zadkiel...


"And did I not tell you to stay away from my sister? Madami tayong napagkasunduan at isa na doon ang hindi paglapit kay Samara." Mariing sabi ni Zadkiel sa malaking lalaki. 


"Did I agree?" Mababakas sa lalaki ang mapaglarong tanong pabalik kay Zadkiel. 


Ramdam ko ang namumuong tensyon sanpagitan ng dalawa. Lumayo ako sa kanila at sumandal sa gilid ng maliit na drawer. Parehas mayroong hindi magandang aura sa dalawang lalaki. 


Si Zadkiel na masama at may nakakamatay na tingin na nakatingin sa lalaki. Ang lalaki naman ay walang emosyong nakababa ang tingin sa kapatid ni Adallina. 


Mas matangkad ang lalaki kumpara sa kapatid ng prinsesa. Mas matipuno pa ito. Batak na batak ang katawan at kitang-kita ito mula sa suot nitong dark blue long sleeve polo. Nakabukas ang limang botoned nito mula sa itaas. Kahit sinong babae yata ay mabibighani dito sa lalaki. 


Kung tutuusin ay mas malaki at mas matangkad ito kay Alexus. Kahit kung pagbabatayan ang katawan ay panalo na ito. 


"Luci-"


"Get lost, Faraci. Wala dito ang kapatid mo. Katulad ng sinabi ko noon, I'm done with your sister. Isang babae lang ang inaalagaan ko at ang aalagaan ko. Wala nang iba." Saad nito at may sinenyasan sa likod ni Zadkiel. Napatingin ako doon at nakita ko ang mga taong sa tingin ko ay mga Knight. 


"Alam kong ayaw mo ng gulo, Lucian. Ngunit sa oras na malaman kong binali mo ang kasunduan natin, magiging abo ang lugar mo." Banta ng kapatid ni Adallina na si Zadkiel sa naunang naglakad paalis. Sumunod dito ang tatlong Knight saka isinirado ng lalaking si Lucian ang pintuan. 


Pinagmasdan ko lamang ang kanyang bawat galaw. Sinabi niyang wala dito ang prinsesa kaya nakakapagtaka kung bakit ako naririto. Sa dalawang beses na napuntahan ko ang kanyang ala-ala ay lahat ng iyon ay kasama s'ya. Ngunit ngayon ay wala siya dito kaya anong rason kung bakit ako naririto?


Hindi kaya may kinalaman din ang lalaking ito sa mga nangyari sa kanya? 


Hinawi ko ang aking buhok saka napahilamos sa sarili kong mukha. Nakaka frustrate ang nangyari sa prinsesa na kahit akong nanonood lang at binabalikan ang mga pangyayaring sumira sa buhay n'ya ay nahihirapan na. 


Napansin kong pumasok muli ang lalaki sa closet na nilabasan niya kanina kaya naman umalis ako sa pagkakasandal at sunundan siya. 


Mula sa pintuan ng closet ay nakita ko kung ano ang nasa loob. Hindi lang ito closet o walk in closet. 


Para itong kwarto ng sanggol dahil sa kulay na makikita dito. Kung ang kulay ng kwarto kung saan ako nagising ay mabigat na kulay, dito naman ay napaka gaan. Kulay asul ang loob nito at madaming laruang pang bata. Sa taas ay may nakadikit na parang artificial clouds at merong kumikinang na sa tingin ko ay stars. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now