IKA-DALAWAMPU'T WALONG KABANATA

5.2K 252 23
                                    


AYOKO NA!

Akala ko mapapadali na ang trabaho namin kapag nakuha na namin ang anak ng prinsesa pero hindi pala. Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata na kahit na si Ara ay hindi alam. Naging bata lang daw siya pero hindi s'ya nag-alaga ng bata. 

Masama ang tingin na nakapukol sa batang nasa harapan ko. Naka-upo ito sa sahig at ako naman ay sa sofa. Kumakain ito ng lugaw. Siya lang ang nagpapakain sa sarili n'ya.

Apat na araw na mula nang makuha namin siya at humanap naman kami ni Arah ng bahay upang bumukod kay Tatang Molino. Ayaw man ni Tatang na pagbukudin kamin ngunit ipinilit namin ni Arah. Ayaw naming madamay ang matanda sa gulong dala namin dahil alam naming susundan at susundan pa rin kami ng mga Roman lalo pa't kasama na namin ang bata. Nakahanap kami ng lumang abandonadong bahay. Malayo ito sa pamilihan. Bukid ito at meron kaming mga kapitbahay pero hindi gaano kadami. 

"Alana, mabulunan ka." Paalala ko sa kanya ng makitang sunod-sunod ang pagsubo niya. Tumingin ito sa akin at bahagyang itinagilid ang ulo bago umiling.

"Alana Yaha ish mey neym." Sagot niya at bumalik sa pagkain. Ang buong daliri nito ay naka-ikot sa hawakan ng kutsarita.

"Oo nga. That's why I called you Alana diba?" Umiling uling pa ito tapos sumubo.

"Want Yaha!" Pag-aalma nito.

"Haya not Yaha." Pagtatama ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin dahil nagtuloy tuloy ito sa pagkain kaya muli akong nagsalita.

"My name is Haya and you are Alana. Get it? Ako ang Haya sa ating dalawa. Una ako sa pangalang iyon. Una akong pinanganak sa ating dalawa kaya ako ang Haya. At ikaw naman, Alana ang pangalan mo. Kung parehas tayong Haya ang pangalan, malilito lang tayo. Okay ba tayo?" Mahinahong saad ko rito at nakangiti sa harapan nito.

Sunod-sunod itong umiling at padabog na binitawan ang kutsara sa bowl niya dahilan kung bakit mag talsikan ang lugaw. 

"No no no! Yaha!" 

Nawala ang ngunit ko at inirapan ito. Ito ang problema rito. Palaging sinusumpong. Hindi siya nakakapagsalita ng tagalog pero kahit papaano ay nakakaintindi ito. Bulol pa ito mag salita. Akala ko ay mapapadali ang pag-aalaga namin dito pero hindi pala. Akala ko rin tahimik ito kaso lang ay akala ko lang pala. Napaka ingay nito kahit gabi ay nagta-tantrums ito. Mahilig din ito makipaglaro at parang walang kapaguran. 

"Ang kulit mo." Sabi ko at lumuhod para linisin ang kalat n'ya.

Pinunasan ko ng basang basahan ang sahig dahil maglalagkit ito pag natuyo pag hindi pinupunasan nang maayos. Pagkatapos binuhat ko na siya at dinala sa banyo saka s'ya pinaliguan. Nahirapan pa ako dahil nagtatampisaw pa siya kaya ang kinalabasan ay pati ako ay naligo na rin. 

Si Arah ay na pamilihan. Nagtatrabaho kami doon at sinasama namin si Alana. Nagtatrabaho kami sa café ni Lara. Ito ang may-ari ng café. Tatlo kami doon at ang may-ari ng café. Hindi kalakihan pero hindi naman maliit ang café. Medyo malaki rin ang sweldo doon. Kasundo namin ang may-ari dahil kalapit bahay lang din namin siya. 

"Haya!" Pagtawag ng kung sino sa labas ng bahay.

"Wait!" Sigaw ko pabalik ngunit may isa pang maliit na boses ang sumigaw.

"Aym hele!" Sigaw rin ni Alana.

Narinig ko ang halakhak sa labas ng kwarto namin dahil sa sabay naming pagsagot ni Alana. Kahit ako ay napapatawa dahil sira ito sa R. Imbis na Ar ang banggit nito ay nagiging Al. Nagiging L ang bawat sinasabi nya kapag may R.

"'Wag kang malikot doon, ha. Stay ka lang sa pwesto mo habang nagtatrabaho kami ni Arah." Paalala ko sa kanya habang sinusuotan siya ng sandals niya. Hinablot ko ang manikang isang dangkal lang ang laki at ibinigay sa kanya bago ito binaba sa kama at inakay maglakad. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now