IKA-LABING WALONG KABANATA

6.5K 263 11
                                    

ILANG ARAW na ang nakalipas nang bumuo kami ng plano ni Riya. Pumayag ako sa gusto niya para may makuha na rin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kay Riya ang mga nalalaman ko at tungkol sa mga piraso ng diary ni Adallina. Wala akong balak sabihin 'yun sa kanya dahil ang napag-usapan lang ay ang sikreto lang ng prinsesa ang aalamin namin hindi ang dahilan ng pagkamatay n'ya. Wala rin namang makakaalam bukod sa akin na patay na siya kaya mas maganda kung hindi ko na iyon babanggitin sa kanya.


Isa pa, hindi pa ako sigurado kay Riya. Hindi mapagkakailang isa siyang Roman. Ang mga Roman ang kalaban ng Cintilla. Kahit na sabihing hindi s'ya katulad ng mga Roman ay maaaring magbago ang isip nya. 


"Nasaan ang mga servant dito?" Tanong ko sa isang kasamahan ko dito sa loob ng palasyo. Napansin kong tahimik at walang mga katulong na naglilibot. Ang araw na ito ay ang araw ng paglilinis namin.


"Wala sila ngayon. Pinadala sa Ayla." Sagot nya. Nagpasalamat ako sa kanya at umakyat sa hagdan para pumunta sa second floor kung saan ang kwarto ni Adallina. 


Pasimple ko munang nilibot ang paningin ko para tingnan kung may nakamasid bang mga Knight sa akin. Nang masiguro kong wala ay mabilis akong binuksan ang pinto at mabilis na pumasok. Sinuguro kong naka double lock ang pinto bago lumapit ako sa kama nya at nakita ko syang maputla. Bumalik ang kulay nito noong unang araw ko pa lang sa katawan nya. Kinuha ko ang vanity chair malapit sa higaan nya at doon ay umupo sa gilid nya.


Nilabas ko sa bulsa ko ang cellphone at ang pira pirasong sunog na papel. Una kong binuksan ang cellphone nya. Kinalkal ko na ito pero wala naman akong nakitang kakaiba. I doubt na may tinatago sya dito. 


"Samara!" 


"Tangina-!"


Tumingin ako sa veranda ng makarinig ako ng sigaw. Nakita ko ang matagal ko ng hinihintay na magpakita. Lumapit ito sa gilid ko at umupo sa kama ni Adallina. 


"Totoo nga!" Sabi nya habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ng prinsesa. "Naghiwalay nga kayong dalawa." Bulong nya pa.



"Saan ka galing? Akala ko wala ka nang balak magpakita sa akin." Sarkastiko kong saad sa kanya. 


"Busy. You know naman kapag maganda ka dapat busy ka." Sabi nya at may pa hawi pa ng buhok. 


"Nakikita mo ba ito?" Tanong ko at nakaharap sa kanya ang palad ko. Kumunot naman ang noo n'ya at sinuri pa ang kamay kong nakaharap sa kanya.


"Oh anong meron dyan?" 


"Ito ang sasaludo sa'yo sa kahanginan mo." Sabi ko kasabay ng pagbaba ko ng apat na daliri kaya ngayon ay gitnang daliri ko na ang nakaharap sa kanya. Inirapan nya ako kaya naman inirapan ko din sya.


Ilang buwan lang siya nawala ay naging mahangin na. Ganon ba talaga pag engkanto ka? Required ang pagiging mahangin? 


"Bakit ka nga nawala? Paano mo rin ipapaliwanag ang nangyari sa 'min?"


"Hindi perfectly fit ang kaluluwa mo sa katawan nya. Ibig sabihin ay hindi bagay ang kaluluwa mo sa kanya kaya mabilis na sinuka nya ang kaluluwa mo." Sabi nya at tumingin sya kay Adallina. 


"Babalik pa ba ako sa katawan nya?" 


Umiling sya sa tanong ko. "Hindi. Isang beses lang maaaring makapasok ka sa kanya ngunit dahil hindi bagay ang kaluluwa mo ay niluwa n'ya ito. Ngunit maaari naman siyang mabuhay ngunit iba na ang gagamit sa katawan nya. Pero dipende kung hindi nila maisipang ilibing agad si Samara." Pagpapaliwanag nya sa akin.


Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nya. Ibig sabihin ay mag i-stay na ako sa katawan ko talaga. Mas madali sana kung malaya ako pero ang problema ay nakakulong ako. Naalala ko ang mga papel na nakita ko sa bodega. Kinuha ko ang mga pirasong papel na nakasingit sa likuran ng pantalon ko. Ipinakita ko ito kay Arah.


"Ano yan?" Tanong niya at nakakunot ang kanyang noo. 


"Tingnan mo." Utos ko sa kanya.


Sinunod nya naman ang sinabi ko at isa-isa n'ya yong binasa. Ako naman ay tumayo sa kinauupuan ko at nilibot ang kwarto ng Prinsesa. Hindi ko naisipang libutin at halughugin ito noong nasa katawan nya pa ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko naisip yun o sadyang nag enjoy lang ako noong nasa katawan nya pa ako. 


Binuksan ko ang closet ni Adallina kung saan nakita ni Riya ang cellphone ng prinsesa. Wala namang kakaiba dito. Sa tagal ng paggamit ko sa closet ng prinsesa ay hindi ko nakita ang cellphone nito. Paano nakita iyon ni Riya? 


Napatigil ako sa paghahalungkat ng damit ni Adallina nang may pumasok sa isip ko. 


What if may ibang plano si Riya? O kaya ay gawa-gawa n'ya lang ito? 


Napakamot nalang ako sa likod ng kaliwang tenga ko. Ang hirap talaga pag may trust issue ka. Lahat na lang pinaghihinalaan mo. 


"Sa tingin ko ay Diary n'ya ito." Napalingon ako kay Arah. Nakatuon pa din ang paningin nito sa mga papel na hawak nya. Lumapit ako sa kanya. 


"Iyon din ang iniisip ko." Saad ko rito at mariing tiningnan siya. "Sa tingin mo sino si Alana?" Tanong ko rito. 


"Hindi ko alam. Pero sigurado akong malapit ito sa Prinsesa." Sabi nya. Inipon n'yang muli ang mga papel at inabot sa akin. 


"Lumabas ka na. Nararamdaman kong paparating na ang pamilya nya." Saad niya sa akin. 


Tumango ako sa kanya at mabilis na inayos ang mga papel at cellphone bago ito nilagay sa bulsa ko. Magpapaalam na sana ako kay Arah nang hindi ko na s'ya makita dito. Nasaan na naman ang babaeng iyon?


Bakit pa nga ba ako magugulat eh kung may lahi itong engkanto. 


Napailing na lang ako at mabilis na lumabas sa kwarto ng prinsesa. Mabuti na lang at wala masyadong bantay kaya naging madali ang pag-alis ko. 


Sa susunod muli, Prinsesa.

____________________________________________________________________________________________________________________




Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon