IKA-DALAWAMPUNG KABANATA

5.7K 253 6
                                    

DALAWANG ARAW na ang nakalipas at wala pa ring nagbabago. Ilang araw kong inaantay na may lalapit sa aking mga Knight, pero wala. Naging tahimik din ang palasyo nitong nakaraang araw. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sinabi ni Riya kung bakit naging tahimik. Napansin ko ding maging ang mga Personnel ng Hari at Reyna ay tahimik.


"Mahihiya ang problemang lumapit sa'yo dahil sa mukha mo."


Napalingon ako sa batang engkanto na basta-basta sumusulpot. Naka-upo ito sa tabi ko kung saan nakaupo ako sa sahig. Ngayon ang araw na dapat ay nasa labas kami ngunit iba ngayon. Walang Knight na napunta dito para pagbuksan kami.


Hindi ko sinagot si Arah dahil katabi ko si Aling Solya. Baka mamaya mapagkamalan pa akong baliw dito dahil nagsasalita ako mag isa gayong hindi naman nila nakikita si Arah. Pasimple kong tiningnan si Arah at bahagyang umiling.


Bakit ba ngayon nya naisipang magpakita?


"Ano yan, Riya?"


Pansin kong may sasabihin pa si Arah ngunit naagaw ng pansin namin ni Arah sa boses na nasa kabilang selda. Napatingin kami kay Riya na nakatalikod sa akin. Kahit si Aling Solya ay naagaw din ang pansin. Tumayo ako sa pagkaka-upo at nilapitan si Riya. Kita ko mula sa likuran nya ang hawak niyang litrato.


"Wala." Sagot nito at mukhang natataranta dahil sa galaw ng balikat niya.


Hindi niya siguro alam na nasa likuran n'ya na ako. Isa isa nyang tinago ang pictures nahagip pa ng mata ko ang litrato ng prinsesa. Meron ding litrato ni Captain William kung hindi ako nagkakamali at ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang litrato ng batang babae. Mula sa likuran n'ya ay kinuha ko ito. Mukhang nagulat siya at mabilis na kukunin sana kung hindi ako nakalayo agad.


"Haya!"


"Ano 'yan?" Tanong ni Arah na nakasunod sa akin.


Nilagpasan ko lang si Arah at pinagmasdan ang picture. Sa tingin ko ay nasa tatlo o apat na taon palang ito. Pamilyar sa akin ang mukha nya pero hindi ko alam kung saan ko nakita.


"Akin na ang mga 'yan." Hinanggit ni Riya sa akin ang picture at hindi matago ang emosyon sa kanyang mukha. Para itong manunugod sa talim ng tingin n'ya pero kalaunan ay iniwas nya ang tingin nya.


"Sino 'yan?" Tanong ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay wala syang balak sabihin sa akin kung hindi ako magtatanong.


"Wala." Sagot nya. Bumalik sya sa kanyang kama kaya sinundan ko sya.


"Anong meron sa litratong yan?" Madiin ngunit mahinang tanong ko sa kanya. Umupo pa ako sa kanyang kama para walang makarinig.


"Bakit parang may nalalaman ka at hindi mo sinasabi sa akin." Tanong ko muli dito. Tumigil s'ya sa pag aayos ng litrato at tumingin sa akin.


"Wala kang pake." Ani nito sa akin na may diin.


Bumalik siya sa pag-aayos ng mga litrato. Mariin ko s'yang tinitigan. May nalalaman ka nga.


Hinanggit ko lahat ng pictures sa kanya at mabilis na tumayo pero bago ako makalayo sa kanya at mabilis siyang tumayo at nahanggit ang braso ko at masamang tumingin sa akin.


"Ibigay mo 'yan sa akin." May galit na utos nya sa akin. Inilagay ko sa likuran ko ang kamay ko kung saan hawak hawak ko ang pictures. Ang braso kong hawak hawak nya ay bahagya kong ginalaw at hinila siya papalapit sa akin mula sa kanyang collar.


"Anong tinatago mo sa akin, Riya? Bakit mukhang may alam ka na ayaw mong malaman ko. Sabihin mo, dapat ba kitang pagkatiwalaan at dapat ko bang ibigay ang hinihingi mo?" Mariing tanong ko sa kanya.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now