IKA-TATLUMPU'T LIMANG KABANATA

4.5K 204 15
                                    


Nanghihina akong lumugmok sa sofa at napa hilamos sa mukha. Halos libutin na namin ni Arah ang buong bahay ni Lara nagbabakasakali na mali ang hinala namin. Kahit ang naka lock na pintuan nito ay sinira namin at doon na bumungad ang tinatago nito. Mula sa mga kasuotan hanggang sa mga sandatang may tanda ng Roman ay nakita namin doon. 


Tangina!


Nakita ko si Arah na seryosong papalapit sa akin. Kanina pa itong masama ang aura na ngayon ko lang nakita. Hawak-hawak pa nito ang medalyon ng mga Roman. Umupo ito sa kaharap kong sofa at pabalang na ipinatong ang hawak sa bilog na lamesa.


"Kailangan nating mabawi agad ang bata sa kanila. Magiging banta ito laban sa mga nakatira sa Cintilla lalong-lalo na sa palasyo." Ani n'ya habang ang paningin ay nasa medalyong nasa lamesa.


"Hindi naman siguro mapapahamak siya doon, hindi ba?" Nakakunot ang noong tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "I mean, anak siya ng isang Roman. Kahit papaano ay may lahi itong Roman." Dipensa ko sa kanya. 


"Hindi nga ito mapapahamak sa kanila pero pwede namang ikapahamak nang lahat ng nasa Cintilla." 


Lalo akong mapakunot ang noo at mariin siyang tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?" 


Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.


"Hindi maaaring magkaroon ng batang may lahing Roman dahil magiging banta ito sa Cintilla. Lalo na't may hidwaan ang magkabilang panig. Ilang dekada na ang lumipas nang magsimula ang away sa pagitan ng Roman at Cintilla. Nagsimula ito sa unang pinuno ng Roman at hanggang ngayon ay hindi na-aayos ang gulo. Ang dating pinuno naman ng Cintilla ay mas pinalawig ang mga ka-panig niya kaya't ang ilang lugar dito ay nadamay tulad ng Sarnai at Ayla. Nang bumaba sa pwesto ang dating Reyna at Hari ay marami ang nag-aakalang magkaka-ayos ang dalawang panig ngunit hindi ito nangyari. Natuloy ang away hanggang sa nauwi sa unang giyera. Dahil sa giyera na iyon ay namatay ang unang pinuno ng Roman kaya naman ang kamag anak nito ang pumalit at nagpatuloy ang away." Pagkukwento niya. 


"Noon naman ay maayos ang Roman at Cintilla. Magkasundo sila ngunit dahil sa mga nakaraang mga pinuno ay nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nila. Nagkaroon ng pagta-traydor sa pagitan ng mga dating pinuno. Ang dating pinuno ng Cintilla ay kinuha ang nag-iisang kayamanan at ang simbolo ng Roman. Ang simbolo na iyon ang nagsisilbing kapangyarihan at ito rin ang kanilang pagkakakilanlan. Masasabing ninakaw iyon ng dating pinuno ng Cintilla. Tinago iyon at hindi ibinigay sa mga Roman kaya't nagdeklara ng giyera ang mga Roman sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo ng kanang kamay ng dating pinuno. Dahil doon ay nagalit ang dating Hari at Reyna at pinaunlakan ang giyera na nais ng mga Roman. Mula noon hanggang ngayon ay hindi makita ang kwintas na sumisimbolo sa mga Roman. Alam ng lahat na nasa Cintilla ito at ang humahawak nito ay ang mga nasa pinakamataas na pwesto kaya't ang pinupuntirya ng mga Roman ay pamilyang Faraci. Hinihinalang nasa pinakabatang prinsesa ito kaya siguro ganun na lamang ang pagnanais nilang kunin ang prinsesa kahit pa na patay na ito." Pagpapatuloy niya sa kanyang kwento. 


Ibig-sabihin matagal ng may issue ang dalawa? 


"Ano naman ang koneksyon nito kay Alana?" Tanong kong muli sa kanya.


"Maaari nilang gamitin ang bata. Mas may makapangyarihan ang may dalawang dugong dumadaloy dito lalo pa't nagmula sa maharlika si Alana. Magagamit nila ito laban sa Reyna at Hari. Banta ito sa lahat at pabor dito ang mga Roman. Ang Roman ang pumapangalawa sa makapangyarihang lugar dito sa Clasoryas. Mula pa noon, kung isa kang maharlika at dalawang dugong dumagaloy sa 'yo ay maaari mong pamunuan ang dalawang lugar na kinabibilangan mo. Kung magtatagal at hindi natin makukuha si Alana sa mga Roman, maaari nilang lasunin ang utak nito. Mas nakakatakot pa ay lumaki doon si Alana at pamunuan niya ang Roman. Malabo man na maging pinuno si Alana sa hinaharap dahil ang ama nito ay hindi naman maharlika, ngunit ang pinuno ngayon sa Roman ay maaaring magtalaga ng bagong pinuno kung kailan man niya nanaisin sapagkat wala itong pamilya. Nagiging komplikado ang sitwasyon." Mahabang lintaya niya. 


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now