IKA-ANIM NA KABANATA

9.8K 388 34
                                    


"NANGINGINIG ka nang makita kita. Mabilis ang kilos mo at parang may hinahabol ka. Tinatawag kita para sana magtanong ngunit sarado ang isip mo kaya hindi mo ako marinig. Lalapitan na sana kita ngunit may mabilis na karwahe ang dumaan at nasagasaan ka. Walang kahit na sino ang nakakita at maging ang sumagasa sa'yo ay hindi ka tinulungan kaya dinala kita dito sa bahay ko at dito kita ginamot." Pagkukwento ni Tatay Molino sa akin


"Nakita nyo ba kung sino ang nagpapatakbo ng karwahe?" Mariing tanong ko sa kanya at umaasang nakita kung sino ito. 


"Hinete ba kamo? Naka maskara ang nakabangga sa'yo. Hindi na ako nakahingi ng tulong dahil inuna kitang madala dito. Napasama ang tama ng ulo mo at dumugo ito. Mabuti na lang at naagapan ng manggagamot dito." Saad niya at humigop sa inuming binigay ni Allen. 


"Paano naman nalaman ng Hari na nasa inyo ako? Sinabi nyo ba sa kanila?" Tanong kong muli. Umiling sya sa akin. 


"Wala akong napagsasabihan. Una hindi ka pamilyar sa akin. Hindi rin namin alam na tunay pala ang kumakalat sa Clasoryas na may pangatlo pang anak na babae ang Hari at Reyna. Nagulat na lamang ako na maraming kawal ang nasa harap ng bahay ko at kinuha ka sa akin. Pinipigilan ko sila kahit na alam ko kung kaninong mga kawal sila ngunit nagpakita sa akin ang Reyna at ang Hari kaya wala na akong nagawa kung hindi ang ipaubaya ka sa kanila." 


Sumandal ako sa sandalan ng sofa at mariing nakatitig sa isang basong tubig na nasa harapan ko. Hindi pa rin nasagot ang katanungang bumabagabag sa akin. Kung bakit nasa Linawo si Adallina gayong dapat ay nasa palasyo lamang siya.


"Alam n'yo po ba kung bakit ako napadpad sa Linawo?" Muling tanong ko rito. Umiling ito sa akin kaya lalong bumagsak ang balikat ko. Akala ko ay isa siya sa sasagot sa katanungang gumugulo sa akin. Mukhang hindi siya ang taong sasagot sa akin.


APAT na araw na magmula nang malaman ko ang tungkol sa pagkakabangga kay Samara. Gusto kong lumabas muli at maghanap pa ng impormasyon tungkol kay sa prinsesai. Kaso hindi ko alam kung saan ulit ako tutungo at sino ang pagtatanungan ko. Sinabi ng matandang Molino na hindi nila ako kilala. Hindi rin nito alam ang nangyari sa akin bago ako ma-aksidente. Kung aksidente nga ba ang nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay sinadya iyon.


Sumandal ako sa malambot na backrest ng single sofa dito sa loob ng kwarto ko habang may hawak hawak na ballpen at notebook. Nakaharap ako ngayon sa human size na salamin. Gusto kong makita ang mukha ng katawang meron ako at kung anong mali dito.


"So, hindi ka kilala ng kahit sino sa labas ng palasyo 'kuno' nyo. Pero sa tingin ko naman ay nakakalabas ka dahil ang huling balita ko sa'yo noong buhay ka pa ay nag eskandalo ka sa bayan 'kuno'. Tapos napadpad ka pa sa Linawo. Malayo ang Linawo sa Cintilla." Pagka-usap ko sa katawang meron ako habang nakatingin sa repleksyon ng salamin. 


Dahil sa nangyari sa akin kanina ay napagtanto kong malayo ang Linawo sa Cintilla. Magkatabi lang ang lugar na ito ngunit kung mula sa palasyo hanggang sa Linawo ay malayong malayo. 


Napakagat ako ng sa dulo ng ballpen ko at tumingin sa notebook na nakapatong sa hita ko. Nakasulat doon ang mga nalaman ko tungkol sa may ari ng katawan na ito. Kakaunti pa lang ang nalalaman ko at hindi parang hindi pa ako naka kaabot sa kalahati.


"Ang gulo ng buhay mo, Adallinai." Bulong ko. Kung nandito lang ang batang engkanto na yun siguro masasagot kahit papaano ang tanong ko. Apat na araw na din walang paramdam sa akin ang engkantong yun. Hindi ko alam kung nasaan siya kaya nahihirapan ako. 


"Samara," 


"Ay buhay mo Adallina!" 

Mariin akong napahawak sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito dahil sa gulat. Marahas akong lumingon sa pintuan ng kwarto ko para makita ang tarantadong nagsalita. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )On viuen les histories. Descobreix ara