IKA-DALAWAMPU'T DALAWANG KABANATA

5.6K 256 28
                                    

"NAGSASABI nga kami ng totoo. Buti nga dumating kami edi sana wala na si Adalli-yung prinsesa." Inis na saad ko sa kanilang lahat.


Kanina pa ako naba-bad trip sa pamilya ni Adallina. Ilang oras na kaming nakaupo rito sa loob ng opisina kuno ng Hari at Reyna at nag iinit na ang pwet ko pati na din ang ulo ko dahil kanina pa naming sinabi ang totoo ayaw pa ring maniwala. 


Bakit hindi na lang sila magpakabit ng CCTV. Mayaman naman sila pero cellphone lang ang kaya. 


"Queen Mathea, King Lancer, patawad sa kalapastangan ng bibig ng kasama ko ngunit tunay ang sinasabi niya. Wala kaming ibang gawin kung hindi ang bantayan ang prinsesa sapagka't natitiyak naming siya ang pakay ng mga Roman dahil narinig namin ang pag-uusap ng mga Roman." 


Palihim kong inirapan si Arah dahil sa pagsasalita n'ya ay napakabait nya. Ang lalim pa ng salita n'ya. 'Di naman bagay. Binalingan ko ng tingin ang pamilya ni Adallina. Kumpleto silang nakaupo sa harapan namin. Nasa rectangular table kami. At kapag sinabing rectangular ay imagine nyo ng napakahaba nito. Kami ang nasa kaliwang bahagi samantalang nasa kanan naman silang lahat. Nandito din ang pinuno ng Sarnai.  At sa tingin ko ay nagmula sa ibang bayan pa ang iba dito.


Sila ang anak ng ibang pinuno. Ang mga Royalties!


Umatras ang mga Roman dahil sa sunod-sunod na pagdating ng ibang knight mula sa ibang bayan kaya naman nandito din ang ibang anak ng pinuno. 


Tumingin sa akin ang Hari. Napaayos agad ako ng upo at mula sa ilalim ng lamesa at kinapa ko ang kamay ni Arah. Mahigpit ko itong hinawakan. Inaalis ito ni Arah kaya naman hinigpitan ko pa. Kinakabahan ako! 


Sino ba naman ang hindi kakabahan sa tingin ng Hari? Tingin nya palang mapanghusga na! Pakiramdam ko sinesentensyahan na ako sa mga mata nya. Di nakakatuwa. Parang gusto ko tuloy pumalahaw sa iyak dahil nang-aaway ang mata ng Hari.


"Bakit babantayan n'ya ang aming anak kung isa sya sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pang malay-"


"Wala nga sabi akong kasalanan." Reklamo ko at pinigilan ang sariling umirap sa kanila. 


"Samara!" Mahinang saway ni Arah at kinurot pa ang kaliwang hita ko. Mahina naman akong napa-igik at sinamaan sya ng tingin. Nilakihan n'ya ako ng mata. "Gumalang ka nga. Pag ako nadamay sa 'yo, ako na mismo ang papatay sa 'yo." Madiing banta n'ya sa akin at inirapan ako. 


Humarap s'ya sa pamilya ng Prinsesa at nahihiyang ngumiti sa kanila. Ako naman ay palihim na inirapan si Arah at seryosong bumaling sa kanila. Ramdam ko ang pang mamata ng mga kapatid ni Adallina lalong lalo na ang tingin ni Kenna Allison. Parang pinapatay n'ya na ako sa paningin n'ya.


"Mula nang matagpuan ka sa kwarto ng huling prinsesa ay hindi na s'ya gumising pang muli. Sa tingin mo ay sinong dapat sisihin?" Tiningnan ko si Allison na nakapukol ang paningin sa akin. May galit ang mata nito na animoy isang maling salita ay ihahampas na nito ang upang inuupuan n'ya sa amin o baka sa akin lang. 


"Hindi ba't na-comatose na ang prinsesa? Hindi na ito bago dahil sa nangyari sa kanya. Maaaring sumuko ang katawan nito dahil sa pinagdaanan n'ya. Hindi n'yo maaaring isisi sa akin ang nangyari lalo pa't hindi sapat na basehan ang mga mata para alamin ang totoo. Mata lamang ang panghusga na sinamahan ng bungangang mapanglait ngunit wala pa ring sapat na pruweba kung totoo man ito o hindi. Sa kabilang banda..." Minata ko si Kenna dahil siya ang nakakita sa akin nang magising ako sa kwarto ng prinsesa. "...paningin mo lang ang binasehan mo at opinyon ng mga kapatid mo para ipakulong at sisihin ako. Hindi ka naghahanap pa ng ibang sagot. Kung sa research lang ito ay magiging biased ka at itatapon na lang ang research paper mo."  Pagdating sa dulo ay hininaan ko ang boses ko at umiwas ng tingin.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now