IKA-DALAWAMPU'T PITONG KABANATA

4.8K 253 18
                                    


"Captain William, here me out, please..." Hinawakan nito ang kamay ng nagngangalang William bago ito lumuhod. Liham sa mga mata nito ang luhang rumaragasa pababa. "Totoo ang sinasabi ko. Kilala mo ako, alam mong hindi ko magagawa iyon-"


"Stand up." Mariing saad ng binata rito at malamig nitong tiningnan. "Tumayo ka, prinsesa. Malinaw sa akin ang nakita ko. Hindi maaaring magkamali ang mga mata ko. Tinanggap kita at inintindi pero ito ang sinukli mo sa akin! Niloko mo ako!" Galit nitong sigaw sa nakaluhod na pinakabatang prinsesa.


"Hindi ko ginusto "yun! He forced me! No…"naghi-hysterical itong umiling. "Ginamit siya. Kinontrol siya para pagsamantalahan ako! Please…maniwala ka." Umiiyak na saad nito sa lalaki. 


"Stop! Stop your nonsensical explanation." Mariing saad nito at hinawakan ang balikat ng dalaga saka ito marahas na itinayo. Hinawakan nito nang mahigpit ang braso ng dalaga at may galit sa mata itong tumingin sa kanya. 


"I know him. Kilalang kilala ko s'ya at alam kong hindi niya 'yun gagawin kung hindi mo ginusto. You slept with him, Samara! You freaking slu-tangina." Marahas niyang binitawan ang dalagang umiiyak. Itinuro nito ang pintuan ng bodega na nasa likuran ng binata. "Get out, please. Wala na akong pakialam pa sa 'yo. Umalis ka na. Tapos na tayo." Sabi nito at tumalikod sa kanya ngunit nanatili pa din siya sa kanyang pwesto. 


"William pakinggan mo ako-"


"Umalis ka na! Sumama ka na sa kanya. Malaya ka na. Hindi ko kailan man matatanggap ang maduming babaeng katulad mo." Sambit ng binata at muling humarap sa dalaga. "Sa tingin mo ba maaatim kong makasama ka pagkatapos nang lahat? Hindi mabubuo 'yan kung hindi mo ginusto! Hindi mabubuo iyan kung isang beses n'yo lang ginawan 'yan!" 


"G-ganon ba ako sa-sa 'yo? Hindi pa ba sapat na mahal kita para malaman mong hindi ko gagawin 'yun! William, ginahasa ako!" Sigaw ng dalaga. Umiling lang ang binata at umatras ng tatlong beses.


"Ginusto mo naman? Bakit hindi mo sinabi sa akin kung talagang ginahasa ka niya noong unang beses pa lang? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kung kailangan meron ng bunga! Marami kang pagkakataon para sabihin sa akin at ipaintindi ngunit hindi mo ginawa. Wala ka nang mapapala sa akin. Sinaktan mo na ako. Sana masaya ka na." Sambit ng binata at lumabas na sa bodega kung nasaan sila. 


Wala nang magawa ang dalaga kung hindi at umupo na lang sa gilid at doon umiyak. Yakap yakap niya ang sarili habang humahagulgol. Hindi n'ya naisip na hahantong ang lahat dito. Akala n'ya ay maiintindihan at hahayaan siya nitong magpaliwanag ngunit hindi. Nagkamali siya. 


Muli, pakiramdam niya ay nag-iisa s'ya. Muli ay haharap na naman siya sa lahat nang mag-isa at punong puno ng hinagpis sa sarili. 

____

"Samara Adallina..."


"Samara Haya..."


Napadaing ako nang nakaramdam ako ng pananakit ng ulo ko. Mariin akong napapikit at sinapo ng dalawang kamay ang aking ulo para ma-ibsan ng pananakit nito.


"Samara..."


Minulat ko ang aking mata pero wala akong makita. Purong itim ang aking paligid at kahit na ano ay hindi ko makita. 


Nilibot ko ang aking paningin upang sana'y hanapin ang pinanggalingan ng boses pero kadiliman ang nakikita ko at hindi ko alam kung nasaan ako. 


Ang naaalala ko kanina ay sabay-sabay kaming natulog nina Arah at Alana. 


"Samara..."


"Sino ka?" Tanong ko bago huminga ng malalim. 


Hindi ko alam kung kakayanin ko pang magtagal dito. Sa gitna ng kadiliman. Sa tuwing nasa dilim ako ay palagi kong iniisip na may mamamatay. Katulad ni papa. Pinatay siya sa dilim. Malaki ang takot ko dito dahil ito ang naging saksi ng pagkawala n'ya.


"Sino ka!? Nasan ka? Anong kailangan mo sa akin?" Mariing tanong ko habang nililibot ang paningin ko kahit na alam kong wala akong makikita.


"Salamat,"


Hindi ko alam kung sa isip ko ba s'ya naririnig o nandito lang s'ya sa tabi tabi. 


"Anong kailangan mo sa akin? Sagutin mo ako!" 


"Patawad..."


May nakita akong bulto ng kung sino sa hindi kalayuan. Mukhang papalapit ito sa akin kaya naman sasalubungin ko na rin siya sana nang nakaramdam ako ng pananakit ng katawan. Mula sa talampakan ay umakyat ito pataas at unti-unti akong nakakaramdam ng init.


"Ahh!" 


Napaluhod ako ng sumakit ng sobra ang ulo ko. Hinawakan ko ito ng mahigpit para mawala ang sakit kahit papaano pero walang nangyayari at lalo pang lumala. Ramdam ko ang pagbagsak ko sa sahig dahil ramdam ko ang pagbigat ng katawan ko. Namilipit ako sa sakit dahil buong katawan ko na ang nananakit.


"A-ahh...t-tulong-Ahh!" 


Napahiyaw ako nang mas lumala pa ang pananakit ng ulo ko. Pilit akong bumaluktok at iniyakap ang dalawang bisig ko sa ulo ko. Ramdam ko ang pag-pintig ng ugat sa ulo ko kaya lalo itong sumasakit. Ramdam ko na din ang pagtulo ng luha ko dahil hindi ko na kaya ang sakit.


Nakaramdam ako ng taong humawak sa ulo ko papunta sa sentido ko at inalis ang mga bisig na nakapalibot dito. Hindi ko na s'ya mapigilan dahil hinang-hina na ang katawan ko. Nanlalabo na din ang aking mga mata at parang hinihila ako ng antok. Ramdam ko ang bahagyang pag-angat sa ulo ko at may pinaunan sa akin. 


"Tutulungan kita, Samara...Nandito lang ako."


Kasabay ng pag-usal n'ya ay ang pagluwag ng pakiramdam ko. Napapikit akong muli. Unti-unting humuhupa ang sakit ng ulo ko at pagkahilo ko. Ramdam ko ang paghaplos ng kamay n'ya sa bubok ko. Ramdam ko pa din ang katawan kong masakit pero hindi na katulad ng kanina. 


Lumilinaw na aking paningin at unti-unti kong naaninag ang taong kasama ko at ang paligid ko. Nasa malawak na parang kami na napapalibutan ng mga puno. Na-realized kong nakaunan pala ako sa kanyang mga hita. Unti-unti ko ring nakilala ito. Bahagya akong nagulat at napaawang ng bahagya ang ang aking bibig.


Ikaw...


"Samara..." Mahinang usal ko. Mabilis akong umupo at pinagkatitigan s'ya. "Ikaw ba 'yan, prinsesa?" Tanong ko.


Ngumiti siya sa akin at tumango. Nakasuot s'ya ng kulay purple na bestida. Napakaganda n'ya sa kanyang suot.


"Salamat." Tumitig ako sa kanyang mata at ganon din s'ya. Ngumiti siya sa akin at inabot ang kanang kamay ko. "Huwag kang mag-alala, Samara. Tutulungan kita. Gagabayan kita hanggang sa dulo ng laban na ito. Hindi ka nag-iisa." Sambit nya. Hinaplos niya ang aking kaliwang pisngi. 


"Protektahan mo siya. Hindi siya pwedeng mapa sa kanila. Ikaw na lang ang pag-asa ko." Usal n'yang muli at binawi ang kamay.


"Anong ibig mong sabihin? Sinong sa kanila? Ang mga Roman ba?" Tanong ko ngunit imbis na sumagot ay ngumiti lang ito. Hinaplos nito ang mga mata ko kaya napa pikit ako. May binulong siya sa aking ngunit hindi ko maintindihan. 


Muli ko na namang naramdaman ang hilo na parang hinihigit ako nito sa kawalan. Bago ako mawalan ng malay ay ramdam kong may yumapos sa akin. Hanggang sa mawalan ako ng malay ay ramdam ko ang yakap n'ya.


"Hanggang sa muli, Samara Haya."


Samara Adallina...

__________________________________________________________
__________________________________________________________

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now