IKA-APATNAPU'T LIMANG KABANATA

4.1K 184 17
                                    


Nakasunod lamang ako kay Lara palabas ng malawak na field. May hawak-hawak na itong pana niya. Hindi ako na inform na magaling pala ito pumana. Mabagal lamang ang paglalakad namin dahil hindi ko kayang bilisan dahil sa panghihina. Suot ko ang hood ng cloak para wala masyadong makapansin sa akin. 

"Nasaan si Alana?" Tanong ko habang naglalakad kami. Sandali siyang lumingon sa pwesto ko at binalik din ang paningin sa dinadaanan namin. 

"Maayos ang kalagayan niya. Huwag kang mag-alala, hindi siya nasasaktan dito." Paninigurado niya sa akin. 

"Wala akong pakialam kung ano ang kalagayan niya. Ang tinatanong ko ay nasaan siya. Saan mo siya dinala?" May diing tanong ko habang nakatingin sa likuran niya. Lumiko kami sa kaliwang bahagi ng hallway. Makitid ang daanan at tanging pang-dalawang tao lamang ito. Medyo madilim ang dinadaanan namin dahil walang kahit na anong bintana ang nakalagay dito at tanging makapal na pader lamang. 

May nakita kaming dalawang Roman na makakasalubong namin. Kumuha na agad si Lara ng palaso at magkasunod nya itong pinakawalan. Magkasunod ding tumumba ang dalawang Roman. 

"Hindi na mahalaga kung nasaan siya. Panghawakan mo na lamang ang sinabi kong maayos ang kalagayan niya." Seryosong sabi niya. "Isa pa, may pumoprotekta sa kanya at alam kong hindi niya hahayaang masaktan si Alana.

Dumaan kami sa dalawang Romang wala ng buhay. Bago ako makalampas ay nakangiwing yumuko ako at kinuha ko ang dalawang espada na pag mamay-ari ng dalawang Roman na nakahandusay. 

"Baka na kakalimutan mong nagtraydor ka sa amin. Kaya 'wag na 'wag mong hihilingin sa aking na panghawakan ko ang mga salita mo." May galit na paalala ko sa kanya.

Tumigil siya at humarap sa akin. Ako naman ay ilang metro mula sa kanya ay tumigil din. "May dahilan ako. Hindi ko iyon gagawin para sa sarili ko." Bakas ang hinanakit sa kanyang boses. 

Peke akong ngumiti at tinungkod ang dalawang espada sa sahig. "Anong dahilan? Para sa ikauunlad ng lahi ninyo? Para kayo ang maging makapangyarihan? Para kayo ang tingalain at masunod lahat ng nanaisin ninyo? Gagamitin ninyo si Alana para sa mga sarili ninyo?" Panunuyang mga tanong ko sa kanya. Iniwas niya ang tingin niya at tumalikod sa akin. Nagsimula ulit siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya.

"Hindi mo naiintindihan at wala kang maiintindihan sa lahat." Malamig na saad niya. 

Napabuga ako ng hangin at pekeng tumawa. Sasagutin ko sana siya ngunit may biglang pagsabog na nagpalindol sa kinatatayuan namin. Napasandal ako sa pader para hindi tuluyan matumba. Tumingin ako sa hallway na dinaanan namin palabas sa malawak na field. 

"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko.

"Nakilos na sila. Bilisan na nating umalis!" Sabi niya.

Lumingon ako sa kanya nang hanggitin niya ako sa bisig ko at hinila ako kung saan. Lumiko kami ulit at bumungad sa amin at dulo ng hallway. Mayroong lumang building at may mga sira ring mga building. Nakatumba at sira na ito sa katagalan. Hinila niya ako sa makipot ulit na daanan at tingin ko ay nasa likuran kami ng lugar na ito. Paglabas namin sa makipot na daanan ay dumeretso kami sa sirang building. Ang mga bintana ay wala na. May mga sementong gumuho na. Ang lupa ay bitak-bitak na rin. 

Winaksi ko ang kamay ko para matanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Tumigil siya at parang nauubusan na ng pasensya sa akin. 

"Haya, paki-usap lang. Pwede bang kahit ngayon lang magtiwala ka sa akin." Nauubusan ng pasensya niyang sabi sa akin.

"Ilang beses kong ginawa iyan noon. Nakakadala nang gawin ulit iyan ngayon." Puno ng hinanakit kong saad sa kanya. 

Pagod siyang bumuntong hininga at akmang lalapit siya sa akin. Ngunit agad kong itinutok sa kanya ang isang espadang hawak ko kaya napatigil ito at deretsong tumingin sa akin.

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now