IKA-APATNAPU'T PITONG KABANATA

4.2K 239 20
                                    


"Masyado mong ine-enjoy ang pagtulog, Samara. Hindi ikaw si Sleeping beauty. Wala kang prinsipe na hahalik sa 'yo kaya magkusa ka nang gumising." 

Sumandal ako sa pader at pinag-krus ang mga braso. Inirapan ko si Arah kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Sino bang may sabing nag-aantay ako ng prinsipeng hahalik sa katawang iyan? 

"It's been two and a half years. Two and a half years ka nang tulog. Siguro naman ay sapat na ang two years para magpahinga, hindi ba?"

Yeah? Hindi ko alam kung sapat ba ang two years para magpahinga. Parang gusto ko ay habang buhay na lang ako magpahinga. Walang problema, gulo o kaya naman ay iisipin. 

Maayos na ang buhay ko rito. Tahimik at walang problema. Palagi ko silang pinapanuod. Nakikita ko ang sarili ko-ang katawan pala na ginamit ko na nakahiga sa malaking puting kama. May mga aparatong nakalagay sa kanya. Nasa gilid niya si Arah na nakaupo sa upuan at hawak-hawak ang kamay ni Aelia. 

May pangungulila sa mata nito at nakikita ko rin ang umaasang gumising pa ako sa katawan na iyon. Hindi lang siya ang nakikitaan ko ng pagasa. Maging ang iba pang nadalawa sa kwartong iyon. Kinakausap nila ang katawan ko at palaging pinapagising na. 

"Ayaw mo pa rin bang bumalik?" 

Napatingin ako sa kanan ko nang may nagsalita. Nakita ko ang dalawang babae na papalapit sa akin. Parehas silang may suot na kulay ubeng bistida samantalang ang akin ay kulay puti.

"Tama siya. Ang tagal mo nang nananatili rito." Segunda pa nang isa. 

"Ayaw n'yo na ba ako rito at parang pinapaalis n'yo na ako?" Nagrereklamo kong tanong sa kanila. 

"Oo."

"No!"

Inirapan ko sila dahil magkaiba sila ng sinagot. Hindi pa naman ako masyadong nagtatagal dito ah. 

"Haya, ang ibig sabihin namin ay hindi mo na ba sila nami-miss? Ang tagal mo na rito at tanging panonood lang ang ginagawa mo." Malumanay at mahinhin na sabi ni Adallina. 

"Yup! Tama si Samara the first, Samara the second.Halata naman sa 'yo na miss mo na sila." Segunda pa ni Aelia at lumapit sa akin. Kumapit siya sa kanang braso ko at tinuro ang imahe ni Arah na may pangungulila sa mukha. 

"Tingnan mo s'ya, Samara the second. Alam mo kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ginawa ang pagsi-sekreto, hindi ba? Lahat ng iyon ay hindi niya pinagsisisihan dahil para rin iyon sa kapakanan mo." Paliwanag pa n'ya sa akin. 

"Tama s'ya. Kaya hindi ka dapat nagtatanim ng sama ng loob sa kanya." Sabi pa ni Adallina at pumunta sa kaliwang bahagi ko. 

"Hindi ako galit sa kanya. May tampo pero walang sama ng loob." Sabi ko sa kanila. 

"Oh yun naman pala eh!" Binitawan ni Aelia ang braso ko at hinampas ito kaya taka ko siyang tiningnan. "Bakit ka nandito at nag-iinarte?" Mataray na tanong nito sa akin. 

Inismidan ko siya at inirapan. "Hindi ako nag-iinarte! Nagpapahinga lamang ako." Sabi ko.

"Grabe ka magpahinga. Kulang na lang gawin mong habang buhay. Nakakahiya sa 'yo." Rinig kong bulong niya.

Si Adallina at Aelia ay nakilala ko noong nakaraang dalawang taon. Nagising na lamang ako sa hinding pamilyar na lugar sa akin. Malawak na hardinan at may simpleng bahay. Simula ng makapunta ako dito ay sila na ang kasama ko. 

Kasama ko ang kapangalan ko at ang kamukha ko. Tama nga si Arah. Kuhang-kuha ko nga ang wangis ni Aelia. Ang pagkakaiba nga lang namin ay ang haba ng bubok. Ang pisikal na kaanyuan ay magkaparehas kami ngunit ang ugali naman ay magkaiba. Muli ko ring nakilala si Adallina sa personal. Mahinhin ito. Bagay na bagay sa kanya ang pagiging prinsesa. Hindi ko alam na makikiala ko pa sila. Sila lamang ang naririto at masaya sila dito. 

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now