IKA-TATLUMPU'T PITONG KABANATA

3.9K 202 10
                                    

Tahimik at walang maririnig na kahit na anong ingay sa bulwagan ng mga patay kung nasaan ngayon ang pamilya ng prinsesa. Tanging ang malamyos na tinig na nagmumula sa pari ang maririnig. Limang oras na silang nandito upang bigyan ng basbas ang katawan ng prinsesa bago ito ilibing. 


Ang mga kapatid ng prinsesa ay walang ekspresyong mababakas sa kanilang mukha habang nakikinig sa pari. Ang Hari ay nakapwesto sa kabaong ng bunso niyang anak samantalang ang Reyna ay nakapikit lamang. 


Hindi niya mawari na darating sa puntong aabot sa ganito. Hindi nila matukoy ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang nawalan ng buhay ang kanyang bunsong anak. Hindi niya alam ang nararamdaman niya, kung magagalit o malulungkot. Hindi niya kailanman naparamdam sa anak ang aruga ng isang ina. Kampante siyang ayos lamang ito sa loob ng palasyo. Nakatutok s'ya sa pamumuno sa Cintilla kaya ang bunsong anak ay hindi niya nakasama. 


Nagmulat lamang ang Reyna ng kanyang mata nang maghudyat na ang pari. Lumapit ang anim na Knight upang ibaba ang kabaong ng prinsesa. Ito ang huling pagkakataong kasama nila ang prinsesa. 


Tunay ngang wala na ito. Matagal nilang hinintay na magising muli ito ngunit wala na. Wala ng tibok ang puso nito. Kaya ang Hari na mismo ang nag-utos na ililibing ito sa araw ng kaarawan nito. 


Napakasaklap. Tuluyan siyang nilibing sa araw ng kapanganakan niya. 


"Nakikiramay ako sa inyo." Napalingon ang Reyna pati na ang Hari sa biglang nagsalita sa gilid nila. Ito ang doktor ng bunso nilang anak. Si Doktora Venus. 


"Huling beses ko siyang nakita ay noong nagising siya mula sa ilang linggong pagkakatulog. Nagulat pa ako nang hindi noya ako maalala." Saad nito at malungkot na napatawa. "Nakakatawa dahil kasama niya ako mula pagkabata n'ya ngunit dahil sa aksidente ay hindi niya ako maalala. Walang malaking tama ang kanyang ulo kaya nagtaka ako nang tanungin niya ako kung sino ako." Pagkukwento niya pa habang nakatingin sa kabaong na ibinababa sa ilalim ng lupa.


Si Venus De gala ang doktor niya mula bata pa lamang. Malapit ito dito dahil nadalaw siya upang kunsultahin ang prinsesa. Mas napalapit pa ito noong malaman niyang buntis ang prinsesa. Nagulat siya noong biglang magsabi sa kanya ang prinsesa at nang tanungin niya kung sino ang ama nito ay tanging iyak lamang ang sinasagot nito.


Mahigpit na pagbabantay at pag alalay ang ginawa niya sa prinsesa. Hindi niya ito iniwan at minsan pa'y pumupuslit siya sa palasyo masiguro lamang na maayos ang kalagayan nito. Hindi na iba sa kanya ang trato ng sariling pamilya ng prinsesa dito. Hindi man nila pisikal na sinasaktan ito ngunit pinupunit nila ang emosyong meron ang prinsesa. 


"Salamat sa pag-aalaga sa kanya, Doktora." Saad ng Reyna. 


Ibinaling ni Venus ang kanyang katawan sa mag-asawa at mariin silang tiningnan. Naramdaman iyon ng Hari kaya napalingon ito sa doktora. Walang emosyon itong tiningnan at sinusuri. 


Dahil nakakatakot ang aura na mayroon ang hari ay ang doktora na mismo ang umiwas at mahigpit na hinawalan ang envelope na kanina niya pa hawak. Nagdadalawang isip s'ya kung ibibigay n'ya ba ito sa magulang ng prinsesa o susundin ang dating sinabi ng pasyente n'ya. 


"Hayaan mo na lamang po. Mas maganda kung tayo na lamang po ang nakaka-alam dahil lalaki pa ang gulo. Doc. Venus, ipangako mong walang kahit na sino ang makakaalam nito. Tayo lamang dalawa kahit na anong mangyari." 


Naalala niya ang pangakong binitawan niya dahil sa hiling ng prinsesa. Ilang taon niya na itong hawak at tinatago. Hindi niya alam kung kaya niya pa lalo na ngayon ay wala na ang prinsesa.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now