IKA-LABING DALAWANG KABANATA

7.8K 319 9
                                    

ISANG BUWAN na ako mahigit dito sa katawan ni Adallina at marami na ang nangyari sa akin. Napapansin ko din ang pagbabago ng katawang meron ako. Nagkakalaman na ito at bahagyang tumatangkad. Kahit ang kaputian nito ay nagbabago. 

Sa loob ng isang buwan ay wala akong ginawa kung hindi gumala nang gumala sa loob ng palasyo. Hindi ako makalabas ng maayos o makatakas man lang dahil sa mga bantay. Ang batang engkanto ay hindi pa din nagpapakita sa akin kaya naman hindi ako maka puslit palabas. 

Isang linggo na simula ng naging abala ang mga bantay kaya naman ngayon ay malaya akong naglalakad sa labas ng palasyo. Balak kong pumunta sa barber shop para paiklian ang buhok na meron ako. Masyado na itong mahaba at naiirita ako. Sa tuwing matutulog ako ay kailangan ko pang itaas sa ulunan ko ang buhok ko para hindi maipit. Mabigat din ito kapag naliligo ako o kapag ipinupuyod ko. 

"Prinsesa, pag tayo napagalitan saluhin mo ako ha!" 

May isa pa pala akong problema. Ang kamoteng nakalunok ng megaphone! Kanina pa siyang nagrereklamo at umiimik sa likuran ko. Kung nandyan lang sana si Rowi ay siya na lang ang isasama ko.

"Prinsesa, pag napansin ka nilang wala sa palasyo malamang sa malamang mapapagalitan ka ng Reyna." Sabi nya pa. 

"Hayaan mo na sila at bilisan mo. Para kang pagong. Isa pa tumahimik ka nga. Kanina ka pa umiikim, hindi ka ba napapagpd?" Puna ko sa kanya. S'ya naman ay bahagyang sumabay sa akin sa paglalakad. Hanggang tenga ko sya. 

"Prinsesa, kinakabahan kasi ako eh." Saad nito na bakas ang pag kaba sa boses nito.

Sa totoo lang ay maganda naman si Mikay. Morena sya at malaman din. Hindi sya mapayat hindi rin mataba. Nasabi nya sa akin na dati s'yang palaboy sa Sarnai. Hindi sila tunay na magkadugo ni Rowi. Kinupkop sya ni Rowi dahil natagpuan niya itong nanghihina na lang. Hindi ko rin matatangging mabait si Mikay. Kahit na nababara at inaasar ko palagi ay hindi niya ako inaartehan o nagrereklamo ng seryoso. 

"Dito prinsesa." 

Hinawakan niya ako sa kanang siko at bahagyang hinila papasok sa isang barber shop. Pagpasok namin ay maaliwalas at hindi madumi. May isang customer na lalaki na nagpapagupit ng buhok. 

"Cess, Magpapagupit ang kama-hmmpp!" Agad kong tinakluban ang bibig ni Mikay dahil sa kaingayan nya at bumulong.

"Huwag kang maingay." Mariing bulong ko at pinandilatan sya ng mata.

"Mikay?" 

May lumabas sa nakahawing kurtina na matangkad na babae. Ngumiti ito sa akin at bumaling kay Mikay. Halos katangkad ko lang sya sa tunay na katawan ko.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong nito at pabalik-balik ang tingin nito sa amin ni Mikay.

"Gusto n'yang pabawasan ang buhok nya." Sabi ni Mikay at saka tinuro ako.

"Hi! I'm Cess." Inabot nito ang kamay nya kaya naman tinanggap ko ito at saka ngumiti din.

"Ako si ano...Haya." 

Nakita ko sa gilid ko na bahagyang nangunot ang noo sa akin ni Mikay kaya pasimple ko syang kinindatan. 

Kakaunti lang ang nakakakilala sa prinsesa kaya kung maaari ayokong kumalat pa muna na may pangatlong prinsesa ang mga Faraci. Sinenyasan ako ni Cess na umupo kaya naman sinunod ko sya. Sinabi ko sa kanya ang gusto kong gupit. Tinanong nya pa ako kung gusto kong magpakulay pero humindi ako. Gusto ko sanang gawing pink ang buhok ko tulad ng buhok ko sa totoong ako kaso lang ay masyadong makaka agaw pansin kaya naman no thanks na lang muna.

"BAGAY sa iyo ang buhok mo, prinsesa." Puna ni Mikay at halata sa mata ang paghanga.

"Gumaan din ang pakiramdam ko." 

Sinusuklay ko pa ang buhok ko habang naglalakad kaming dalawa ni Mikay. Hanggang sa ibabaw ng balikat ko ang buhok ko ngayon, katulad ng buhok ko sa totoong ako ang pagkakaiba nga lang ay tuwid na tuwid ito ngunit ang buhok ko naman noon ay kulot. Maaliwalas na pakiramdam ko ngayon. Hindi na rin ako mahihirapan sa pagtulog at pag ligo. 

"Prinsesa, gusto mo bang makita ang Rancho dito sa Cintilla?" Bumagal ang lakad ko para makasabay sa kanya.

"May Rancho dito?" Tumango sya sa akin.

"Oo prinsesa. Doon nag eensayo ang mga nagiging kutsero at mga hinete. Maraming magagandang kabayo doon at pwede ka pang bumili kung nanaisin mo. " sabi nya pa. Ngumiti ako sa kanya saka tumango.

"Samahan mo ako!" Excited na sabi ko. 

Sumakay kami sa karwahe dahil medyo malayo raw ang Rancho na tinutukoy ni Mikay. Aabutin daw kami ng oras kung lalakadin namin. Inayos ko ang cardigan na suot ko. Bayan ang aming dinadaanan. Maganda at malinis ang bawat tindahan. 

"Bakit pala Haya ang pakilala mo kanina kay Cess, prinsesa?" Pukaw sa akin ni Mikay. Bumaling ako sa kanya.

"Hindi ba't walang masyadong nakakakilala sa akin sa labas ng palasyo? Siguro mas mainam na hindi nila ako makilala." Para hindi ako mahirapan sa plano ko.

"Bakit naman Haya?"

"Dahil yun ang pangalan ko sa past life ko. Samara Haya Martinez." 

"Samara Haya Martinez? Ayaw mo bang maging Faraci at pinalitan mo ng Martinez ang apelyido mo?" Tanong nitong muli. Nagkibit balikat ako sa kanya.

Kung magiging si Adallina ako, sadyang aayawan ko. Masyadong masakit ang pinagdaanan ni Adallina kaya sinong gugustuhing maging Faraci pag nalaman nila ang nangyari sa kanya? Walang may gustong maabuso at baliwalain. Lalo na kung itago ka pa ng magulang mo.  

Mathea Ynari at Lancer Aebi Faraci 

Ilang beses ko na silang nakasama sa hapag at nakasalubong sa loob ng palasyo pero hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila sa kanilang anak. Lalong lalo na kay Adallina. Kung kakausapin lang nila ako ay mag-uutos lang sila at mag babanta kung lalabas man lang ako. 

Walang may gusto sa buhay mo, Adallina. Walang may gustong baliwalain ng magulang.

Nanatili nalang akong tahimik at nagmamasid sa paligid at piniling hindi sagutin ang tanong ni Mikay. Huminga ako ng malalim at pasimpleng hinawakan ang dibdib ko. Hindi ko maiwasang manikip ang dibdib dahil sa magulang ni Adallina at sa buhay meron s'ya. Kung ano man ang tunay na nangyari sa kanya ay malalaman ko rin at ako na ang bahalang maningil sa kanila. Kung nagawa ko mang kumuha ng buhay sa nakaraang buhay ko. Sigurado akong makakaya ko ulit yon. Ang pagkakaiba nga lang ay noon ay iisa at kilala ko ngayon ay hindi ko alam kung ilan at kung sino ang mga ito. 

Bago lumipas ang isang buwan ay malalaman ko rin kung sino kayo. Hahayaan ko muna kayong mag relax habang ako ay halos malapit ng mabaliw dahil sa buhay na meron ako.

____________________________________________________________________________________________________________________

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now