IKA-DALAWAMPU'T TATLONG KABANATA

5.6K 250 26
                                    

"How's the Gaol, Captain William?"


Captain William faced Prince Alexus and bowed at him. "They are still fixing it, Prince Alexus. The wounded prisoners are already being treated. Some of them escaped and others were taken by the Romans." Magalang na sagot ni Captain William sa prinsipe.


Tumango na lang si Alexus at dumeretso sa mga kapatid n'ya. Abala ang mga opisyal at kahit na ang mga maharlika sa pagsasaayos ng mga nasira. Marami ang namatay na mga preso dahil sa pambobomba.


"How are you feeling?" Tanong ni Kenna sa may edad babae na napuruhan dahil sa pagsabog. Nagkaroon ng fracture sa kanyang likod dahil sa bakal na tumama sa kanya.


"Maayos na po ang pakiramdam ko kahit papaano." Sagot ng matanda at nilibot ang mata nito sa paligid na parang may hinahanap. Aalis na sana si Kenna kasama si Leandre ng magtanong ang matanda.


"Nakita ninyo po ba si Haya? Siya ang nakulong dahil sa nangyari sa Prinsesa Samara." Biglang tanong ng matanda sa magkapatid.


"You know her..." Ani ni Leandre. Sumulyap s'ya kay Kenna bago ibinalik ang tingin sa matanda.


Tumango ang matanda. "S'ya po ang naglabas sa akin mula sa kulungan. Sa tingin ko po ay hindi maganda ang lagay nya dahil bago nangyari ang pagsabog ay may naka-away s'ya sa loob ng kulungan." Saad ng matanda.


Huminga muna ng malalim si Kenna bago sumagot sa matanda. "She's fine." Sabi niya sa matanda bago sinenyasan n'ya si Leandre at umalis na sa harap ng matanda.


Kung ganon kaya pala ay hindi kaaya-aya ang itsura ng babae kanina habang kinakausap nila ito. Puro gasgas ang mukha at may mga pasa pa. Napansin din niya kanina ang mantsa sa kaliwang sleeve ni Haya ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil ang paniniwala niya ay nanggaling iyon sa kalaban nila. Hindi pa rin nawawala ang galit na nararamdaman ni Kenna sa dalaga.


Nais niyang kausapin ang nakababatang kapatid niyang kaya ito pumunta sa kwarto ng prinsesa. Nais niya itong tanungin at kausapin nang masinsinan dahil sa napapansin n'yang kakaiba sa bunsong kapatid ngunit iba ang nadatnan n'ya. Parehas nakahandusay ang dalawa. May malay ang isa ngunit ang prinsesa ay nanatiling nakahandusay.


Nang magpaliwanag kanina ang dalaga ay hindi nya maiwasang magduda. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa dalagang si Haya. Hindi n'ya alam kung ano ang pakay nito sa kapatid niya kaya nang sabihin ng kanyang Ina na mananatili muna sa palasyo ang dalaga ay umalis ito.


Ang dalagang si Haya ang sinisisi nito kung bakit hindi niya nakausap manlang nang maayos ang bunsong kapatid nito. Na kahit na kamusta ay hindi niya nagawa sapagka't hanggang ngayon ay wala pa itong malay.


"Are you tired?"


Bumaling s'ya sa katabi niya. Hindi n'ya namalayang hindi na ang kapatid n'yang si Leandre ang katabi niya kung hindi ang isa sa mga Royalties.


Rowan Arden...


"No." She simply said. Ipinagpatuloy n'ya ang paglalakad sa pagpasok sa palasyo.


"How's your sister? Is she awake?" Kenna shook her head.


"No progress but still hopping. " saad niya na kahit wala silang kasiguraduhan na muling magigising ito


Narinig nya ang tawa ng katabi nya kaya tumigil sya sa paglalakad at binalingan sya. "What's funny?"


Umiling ang lalaki at tumigil sa pagtawa. "Nasa huli talaga ang pagsisi." Sabi ng lalaki at nilampasan s'ya. Bago pa man ito makalayo ay may narinig pa ito mula sa lalaki na nagpa-init sa kanyang ulo.


"She's already dead. Don't expect her to wake up."


Masama n'yang tiningnan ang binatang papalayo. Hindi nya maiwasang mainis sa sinabi nito kahit naman tama ang binata. Sinabi na ng doctor na wala na sya pero sila lang ang umaasang magigising pa ito.


Bakit nga ba sila umaasa?


Kahit s'ya hindi niya alam. Ang alam niya lang ay may gusto itong malaman at nais niyang sa prinsesa ito manggaling.


Nabaling ang atensyon n'ya sa panganay kapatid na papalapit sa direksyon n'ya. May dala-dala itong First aid kit. Walang mabasang ekspresyon sa kanyang mata.


Ano pa nga ba ang aasahan ko kung talagang walang buhay ang kanyang mata...


"Where are you going?" Tanong niya bago tingnan ang hawak nito at ibinalik ang tingin sa mata ng kapatid nito.


"Why?" Maikling tanong nito sa kapatid na babae.


Umismid siya at pinipigilan na umirap. Tinanong ko, tanong din ang sagot.


"Oh nothing..." Mahinang sagot ni Kenna. Tumango muna si Alexus bago s'ya lampasan at umakyat sa 2nd floor. Susundan na sana ito ng dalaga nang tawagin s'ya ng kapatid niyang si Javaid.


"Kenna!" Umirap muna sya at nilingon ito. Kasama nito si Captain William.


"Bakit?" Hindi niya mapigilang sumimangot. Lumapit ang dalawa sa kanya at may inabot na dalawang itim na folder.


"Please give it to Dad. He needs that for the families who died in the explosion."


Kenna stared at Javaid and reached the folder. "Why don't you just give it to Dad?"


"I'm busy. Bye.."


Alam niyang hindi naman busy ito at nagdadahilan lang para hindi makasama o makita ang kanilang Ama. Simula pa lang ay meron ng hindi pagkakaintindihan ang kanilang Ama at si Javaid. Hindi n'ya lang alam kung ano ito at kailan nagsimula.


Tinanong naman nito si Javaid ngunit lagi sya nitong binabara o kaya naman ay inaasar kaya sa huli ay umalis na lang s'ya at binabangayan si Javaid.

Kumatok muna s'ya ng tatlong beses bago nito binuksan ang meeting room. Merong apat na tao ang naabutan nya. Ang kanyang magulang at ang pinuno ng Sarnai kasama ang pinsan nito.


"Here, Dad." Pinakita niya ang folder na hawak nya at ibinigay ito sa kanyang ama.


"Where's Alexus?" Her mom asked her. She shrugged her shoulders.


"I think he's busy?"


Nakita n'ya itong may dala-dala kanina kaya sa tingin niya ay busy ito. Hindi nga lang sure kung ano ang pinagkakaabalahan nito.


"Okay. Just tell him I need him when you see him, Understood?" Tumango siya sa kanyang Ina at akmang tatalikod na upang makaalis nang magsalita ulit ito.


"By the way, please tell Captain William that he needs to talk to the two Romans caught in Samara's room. Kailangan nating malaman ang pakay nila. At kung may iba pang nagta-traydor sa atin." Sabi ng Reyna.


"What about her?"


"Her?" Nagtataka na tanong ng Reyna sa kanya.


"That Haya girl. Anong plano ninyo sa kanya?"


Umiling ang kanyang ina sa kanya. "Just leave her for awhile. I think she's harmless. "


Gusto niyang magprotesta sa sinabi ng kanyang ina pero hindi niya magawa. Hindi n'ya lang basta ito ina kung hindi Reyna pa. Yumukod siya bago lumabas ng kwarto.


Harmless? Ha, what if she's harmful? What if she's a Roman?


Sa unang pagkakataon, hindi siya sumang-ayon sa kanyang ina. Hindi lang basta ayaw niya sa dalagang si Samara Haya kung hindi ay sagad sa buto ang inis niya dito. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya dito.

____________________________________________________________________________________________________________________




Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora