IKA-DALAWAMPU'T ANIM NA KABANATA

4.9K 242 13
                                    


Tatlong araw na kaming nag hahanap at malapit na naming malibot ang buong bayan ng Linawo. Ang plano namin ang susunod ang Cintilla. 


"Doon tayo, wala ng daan dito." Sabi sa akin ni Arah. Magkasama na kami ni Arah dahil maliit na bayan na ang aming lilibutin.


Sumunod ako sa kanya habang nililibot ang paningin. Madaming bata ang naglalaro rito. Mga nasa tatlo hanggang sampung taon ang mga bata dito. 


"Miss,magtatanong lang po ako. May kilala po ba kayong batang, ahm puti ang buhok?" Pagtatanong ni Arah sa isang matandang babae. 


"Ay wala. Bago lang kasi ako dito." Tumango si Arah at sinenyasan akong magpatuloy sa paglalakad.


Nagtanong tanong kami sa mga nadaan pero pare-parehas ang sagot nila. Wala silang nakita o kilala man lang. May dalawang eskinita kaming nakita ni Arah. Tinapik ko s'ya at tinuro ang kaliwang bahagi ng eskinita.


"Dito ako. Doon ka." Sabi ko sa kanya.


Tumango s'ya sa akin at tinapik ang likuran ko bago na unang pumunta sa unang eskinita. Ako naman ay pumunta na rin sa kanilang eskinita. Pang dalawahang tao lang ang daanan. Meron pang ibang nakakalat na sirang kahon. 


"Ah Miss!" Tawag ko sa babaeng nakita kong lumabas sa isang bahay na may kasamang bata. Lumingon naman ito sa akin kaya patakbo akong Lumapit sa kanya.


"Bakit?" Napatingin ako sa bata at nakita ko rin itong nakatingin sa akin.


"Ah may kilala or nakita ka bang bata dito na puti ang kanyang buhok. Babae s'ya." Pagtatanong ko sa kanya. 


"Yung mangkukulam po ba?" Napabaling ulit ang tingin ko sa batang babae na biglang nagtanong. 


"Laila!" Suway ng ina nito at tinakpan ang bibig ng bata. "Ah pasensya ka na sa kanya." Paumanhin ng kanyang ina. 


Lumuhod ako sa harapan ng bata at mariin s'yang tiningnan. "Kilala mo ba s'ya?" Tanong ko dito. Tumango ito at tiningala nya ang kanyang ina. 


"Ma, diba siya po 'yung bagong lipat d'yan sa dulo." Sabi nya sa kanyang ina at tinuro pa ang dulo ng eskinita. 


"Kilala mo siya, Laila?" Tanong ng kanyang ina. Umiling ang bata sa kanya.


"Nakita ko lang s'ya po dalawang beses tapos hindi na s'ya lumabas kaya siya tinatawag na mangkukulam at anak ng mangkukulam dahil sa buhok n'ya." Mahabang lintaya nya sa kanyang ina at bhmaling sa akin. "Kayo po ba ang mama n'ya?"


Imbis na sumagot ako sa bata ay tumayo ako at humarap sa kanyang ina. "Pwede bang samahan ninyo ako sa kanya?" Tumango sa akin ang ina at naunang maglakad. 


Medyo may kadiliman ang daanan namin at medyo madulas. Buti nakakaya nilang tumira dito. Medyo may kalansahan ang amoy dahil siguro sa mga basurang naka sako at hindi na itinapon.


"Alam n'yo po ate maganda po siya pero parang pipi po." Saad ng bata na hawak hawak ng kanyang ina. 


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit?" 


"Hindi po s'ya nagsasalita eh. Tinatanong ko nga po ang pangalan niya eh hindi n'ya po ako sinasagot." Sagot nito sa akin. 


"Kaano ano ka ba n'ya?" Bahagyang lumingon sa akin ang kanyang ina at bumalik muli ang tingin sa dinadaanan.


"Tiyahin n'ya..." Sagot ko sa kanya at tumingin din sa unahan. "...namatay ang kanyang ina kama-kailan lang. Kapatid ako ng kanyang ina." Sabi ko nalang. Tumango tango ito at hindi na umimik pa.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now