IKA-DALAWAMPU'T SIYAM NA KABANATA

4.9K 243 20
                                    


"Black coffee, Miss." 

"Ilan po?"

"Isa lang."

"Dine in or take out?"

"Take out, please."


"Wait for a moment, Madame." Iminuwestra ko sa kanya ang upuan para doon maghintay. 


Dinala ko ang listahan sa kabilang counter para ibigay kay Lara. S'ya ang nagtitimpla ng mga kape dito. Masarap ang kanyang kape kaya naman hindi maipagkakaila na kilala ang shop niya. 


Hindi naman sobrang sikat ng shop niya pero kilala ito dito sa lugar. Minsan ay madami ang customer, minsan naman ay hindi. Tulad ngayon, ilan lamang ang customer ngayong maghapon. Isang oras na lang at magsasara na ang shop. 


"Here." 


Inabot sa akin ni Lara ang naka cup na kape. Tinawag ko ang pangalan nito ngunit ilang beses ko ng tinawag ay hindi pa ito nalapit kaya naman dinala ko na ito sa babae. Nakalapit na ako sa kanya ngunit hindi niya ako na pansin dahil abala ito sa kanyang cellphone. Seryoso itong nagta-type doon. Mahina kong kinatok ang pabilog na lamesa at saka pinatong ang kape niya. Bahagya naman nitong nagulat. Umangat ang tingin niya sa akin saka ngumiti. 


"Ah, sorry. Thank you!" 


Nagpasalamat ako sa kanya. Binigay niya sa akin ang bayad saka lumabas na. Bumalik na ako sa counter ko kung saan doon lumalapit para umorder. 


"Haya!" 


Napatingin ako sa gawi ni Lara. Magkadikit lang ang counter namin pero may hati. Ang counter shutter ang nagsisilbing hati nito. Lumalapit sa akin ang costumer para magbayad at umorder at saka ko ipapasa kay Lara ang mga listahan ng order para gawin niya. Samantalang naghahalin-hinan naman kami ni Arah sa pwesto. Minsan ay siya ang naglilinis ng bawat table minsan naman ako. Sa umaga at hapon naman ay tulong-tulong kaming tatlo na mag-ayos at imis.


"Hmm?"


"Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa Cintilla?" Tanong niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Umiling ako sa kanya at iniharap ang upuan ko sa kanya.


"Hindi. Bakit may nangyari ba?" Balik kong tanong sa kanya. 


"Meron." Sagot niya at lumapit sa gawi ko. Sumandal ito sa counter na nakaharap sa akin. "Kahapon ng tanghali ay muli na namang sumugod ang mga Roman sa Cintilla. Kung dati ay palasyo lang ang target nila, ngayon ay pati ang ibang bahagi ng Cintilla ay dinamay. Kinuha nila ang ilang mga nakatira doon. Mapa bata o matanda ay kinuha. Nakatakas din ang ilang preso na Roman sa palasyo." Pagku-kwento nya sa akin sa mahinang boses. "Hindi ba't sinabi mo sa akin ay doon ka galing kahapon? Wala ka bang napansin?"


"Napansing kakaiba? Wala. Pumunta ako doon para sana puntahan ang dati naming tinitirhan nina Arah. Nagbabakasakaling makita ko ang ina ni Alana." Pagsisinungaling ko sa kanya at humarap sa harapan. 


"Oo nga pala. Nasaan ang ina nya?" Tanong ni Lara. 


Ang alam ni Arah ay pamangkin ko lamang ito. Sinabi kong hindi ko alam kung nasaan ang kanyang ina. Hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang totoo. Oo nga't tinulungan n'ya kami ngunit pagdating kay Samara at Alana ay kailangan kong mag-ingat. Tama nang si Arah lang ang nakakaalam nang lahat. 


"Umalis. Hindi ko alam kung babalik pa." Sabi ko sa kanya.


Alam kong hindi na magbabalik si Samara dahil 'yun ang sinabi ni Arah. Masaya na ito kung nasaan ito ngayon. Kaya naman minsan ay naaawa ako sa bata. Wala itong ina na makakagisnan pa.


Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Where stories live. Discover now