IKA-PITONG KABANATA

8.9K 369 26
                                    

MAGTA-TANGHALI na nang magising ako. Naalimpungatan ako dahil sa katok na namumula sa pintuan ko. Napakamot ako sa ulo ko at bunganon para buksan ang pintuan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang katulong. Mukhang nagulat ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.


"A-ahh kailangan n'yo na pong bumaba para sa pananghalian." Sabi nya at yumuko sa akin.


"Okay susunod na ako." Sabi ko at sinarado ang pinto. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang itsura ko. Napakagat ako sa ilalim na labi ko.


"Shet! Bakit ang ganda mo parin kahit bagong gising?" Ito ba ang tinatawag na woke up like this? Gosh ang swerte ko kung ganon.


Kumuha muna ako ng damit na susuotin ko. Since puro dress lang ang nandito kinuha ko na ang Chiffon maxi style. Mabilis akong naligo at nagbihis. Humarap ako sa salamin habang nagsusuklay. Umabot hanggang kalahati ng binti ko ang bestida. May floral print ito na bumagay sa akin I mean sa katawan ni Adallina.


Medyo tinuyo tuyo ko muna ang buhok ko bago bumaba. Sinuguro kong nakasara ang pinto bago lumabas. Pagkarating ko sa sa dining area ay nakaupo na ang iba. Meron pang wala dahil hindi pa kumpleto ang kapatid ni Faraci. Kahit ang ang magulang ni Faraci ay wala pa.


Aapat palang kami dito. Ako then ang tatlong kapatid ni Adallina lalaki. Dalawa na dito ang kapatid nyang pumasok sa kwarto kagabi. Tiningnan ako noong isang lalaki bago bumalik sa tingin nya sa...Cellphone?!


Umupo ako sa upuan ko. Bawat upuan ay may pangalan. Sa tingin ko ay base ito sa kung pang ilan ka sa magkakapatid. Nasa dulo kasi ako. Tapos merong upuan sa pinaka puno ng lamesa. Yun ang upuan ng Hari at Reyna. Malapad din kasi ang lamesa.


"Cellphone ba 'yan?" Tanong ko sa kanya pagka upo ko. Tinungkod ko pa ang dalawang siko ko at umangat ng kunti para makita kung Cellphone nga ang hawak nya.


Tinaob nya ito sa lamesa kaya napatingin ako sa kanya. Masama ang tingin nya sa akin. Parang meron akong ginawang sobrang laking kasalanan sa kanya.


"Tanga ka ba para itanong pa yan? Obvious naman siguro diba?" Masungit na sagot nya.

Sumimangot ako at umayos ng upo. "Nagtatanong lang eh. Aga aga napakasungit." Bulong ko. Kamalayan ko bang iba ang tawag ng cellphone dito diba? Nakita ko din ang simpleng pagtingin ng dalawa at muling bumalik din sa pagce-cellphone.


Hindi din naman sila nagpahuli sa teknolohiya. Sabay na sabay din katulad sa Earth. Hindi na din masama. Pinagmasdan ko ang tatlo abala sa kani-kanilang cellphone. Mukhang may sama ng loob ang reyna noong ipinanganak ang mga ito dahil sa mga itsura nila.


Hindi naman pangit ang kapatid ni Samara Faraci. Actually gwapo silang lahat pero parang lagi nilang dala dala ang problema ng mundo nila. Laging nakakunot ang noo o kaya naman ay walang ekspresyon ang mukha. Mukhang magkakalapit lang din ang mga edad nila samantalang si Samara Faraci ay medyo mukhang bata pa talaga. O dahil maliit lang si Samara?


Sumandal ako sa backrest at pinaglaruan ang tinidor. Mukhang hinihintay pa namin ang iba.


"Huwag mong paglaruan ang tinidor, Samara." Napaangat ako ng tingin dahil sa malamig na boses na namutawi sa tenga ko. Agad kong naibaba ang tinidor sa pinggan at umayos ng upo. Mula sa gilid ng mata ko ay muli ko itong tiningnan. Mariin itong nakatingin sa akin kaya muli kong binalik ang mata ko sa pinggan ko.


Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagsasalita s'ya ay kinakabahan ako. Siguro ay dala lang ng lamig ng boses niya. Sa bawat paglabas kasi ng salita sa kanyang bibig ay laging bakas ang lamig dito.


Dumating ang mga katulong na may dala dalang pagkain. Pinaglalapag nila ang mga dala nila. Nasa limang putahe ang nakahain dito. Sunod ay ang dalawang malaking bowl ng kanin. Nilagay ito sa magkabilang dulo. Sunod naman ay ang dalawa ding bowl ng prutas. Katabi ito ng kanin. Yumukod muna ang mga katulong bago umalis. Kumuha ako ng isang pirasong ubas. Tanghali na ako nagising kaya naman wala akong almusal.


"Aramis will come with me tonight, Mom."


"Why me? I need to do something later. I can't come, Kenna."


"Is that important, huh?"


"Yeah! Very important. "


Napalingon ako sa pintuan ng dining dahil sa narinig kong boses. Bumukas yun at unang pumasok ang babaeng una kong nakita paggising ko. Sumunod ang Reyna at ang Hari. Nakalagay ang kanang kamay ng Hari sa likod ng reyna. Sumunod pa ang ibang kapatid ng prinsesa. Wala silang lingon lingong umupo sa kanya kanyang upuan.


Nagkaroon muna ng maikling dasal bago simulan ang pananghalian. Nakita kong light lang kumain ang pamilya ni Samara kaya naman ganun din ako. Kunting kanin at ulam lang din. Hindi ko alam kung anong tawag sa mga ulam nila dito. Ang karne nito ay baka at kulang pula ang sabaw. Para syang menudo pero baka nga lang.


"Kamusta ang Ayla, Alexus?" Pambasag na tanong ng Hari sa katahimikan. Bumaling ako sa hari nang magsalita ito. Napatingin din ako sa lalaking pinaglihi sa yelo nang ibinaba ang kubyertos niya.


"Ayos lang, Dad. I visited Ayla yesterday and they are doing fine. Many lost their jobs due to the explosion but they are fixing it." Sagot ni Alexus. Tumango naman ang hari sa kanya.


"Hindi ba sila humihingi ng tulong?" Tanong muli ng hari. Umiling naman si Alexus bago sumagot. Ibig sabihin, Alexus pala ang pangalan niya.


"Kaya na daw nila ayon sa Pinuno ng Ayla. Magsasabi nalang daw sila kung merong hindi nila napagtuunan." Sagot muli ni Alexus.


"Mom, Dad, may inabot na invitation mula sa Sarnai. Para daw sa pagbubukas ng malaking Cathedral at kung maaari daw ay pupunta sila dito para personal na mag-anyaya." Sabi naman ng babaeng katabi ko.


"That's good to know." Sagot naman ng Reyna.


Marami pa silang punag-usapan at hindi ako maka-relate. Nakikinig lang ako at minsang pinapasadahan sila ng tingin. Habang abala sila sa pagku-kwentuhan ay abala din ako sa pangu-ngupit ng ubas. Nilalagay ko ito sa hita ko at tinatakluban ng table napkin. Wala namang nakakapansin dahil abala silang lahat sa pag-uusap.


Natapos na sa pagkain at nagsi-alisan na sila. Ako naman ay parang ninja. Lingon sa kanan, tingin sa kaliwa. Patakbo akong pumasok sa kwarto ko. Ni-lock ko ang kwarto ko at dumeretso sa couch at nilapag ang ubas sa mini glass table. Madami dami din ang nakuha ko. Hindi sapat ang nakain ko doon sa baba. Syempre nakakahiya naman yung parang patay gutom ako 'no. Ang hinhin kaya ng mga kasama ko.


Biglang pumasok sa utak ko ang librong nakuha ko sa library. Lumapit ako sa kama ko at kinuha ang librong nasa ilalim ng unan ko. Bumalik ako sa single sofa at umupo doon.


Siguro naman kumpleto to diba?

____________________________________________________________________________________________________________________

Another Samara ( 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 )Место, где живут истории. Откройте их для себя