Chapter 10

1.5K 69 16
                                    

"Malagkit pala sa balat ang tubig dagat, ano?" kumento ni Sabel habang nagpupulbo ng leeg.

"Uy, pasensiya na kayo kung hindi sapat yung dala nating tubig na pinang-banlaw ha," paumanhin ni Luna sabay lingon sa mga kaibigang nakaupo sa likod ng pick-up.

"Okay lang, Luna," sagot ni Randy. "Magbabanlaw na lang uli kami pagdating sa inyo."

"Saan nga pala tayo magpapagasolina?" biglang tanong ni Marvin. Habang nagmamaneho, ang kaniyang mga mata ay nakapako sa dinadaanang tahimik na kalsada.

"Doon sa nag-iisang gas station na nadaanan natin nung papunta tayo rito," sagot ni Luna. "Mga isang oras na biyahe mula rito." Umayos siya ng upo at inayos niya ang kaniyang seatbelt.

Makalipas ang isang oras, nang marating nila ang gas station, tila ba biglang sumigla ang pagod na si Sabel.

"May wifi kaya rito?" tanong ni Sabel nang ihinto ni Marvin ang sasakyan sa tapat ng gas pump. "Sweet, paabot naman yung phone ko," paglalambing niya kay Randy.

Binuksan ni Marvin ang bintana sa kaniyang tabi at isang matangkad na lalaki ang lumapit.

"Kuya, diesel max," sabi ni Marvin.

"Mano?" Magkano? tanong ng lalaki.

Napatingin si Marvin kay Luna.

"Full tank, manong" tugon ni Luna sa ibang punto.

"Okay, full tank. Paki lukatan yo laeng didiay gas tank yo," sabi ng lalaki.

"Marvin, paki buksan na lang daw yung gas cap," sabi ni Luna sabay turo sa button na nasa ilalim ng manibela. Matapos itong iangat ni Marvin, bumukas ang cover ng gas tank.

Isinara niya ang bintana at pagkatapos ay tumingin kay Luna.

"Anong salita yung usapan n'yo? Ilocano ba?" tanong ni Marvin sa katabi.

"Oo," simpleng sagot ni Luna.

"Marunong ka pa lang mag-ilocano. Kala ko hindi, kasi tagalog ang usapan n'yo sa bahay."

"Ilocano talaga ang salitang kinalakihan namin. Kaya lang gusto kasi ni inay na masanay kami sa tagalog. Kaya simula nung tumuntong  ng high school si ate, tagalog na ang usapan sa bahay, para raw pag nag-aral kami sa Maynila hindi kami mahihirapan. Kaya si Lino naman, nasanay na rin sa tagalog dahil yun ang naririnig n'ya sa bahay."

"Ah, kaya pala," wika ni Marvin. "Uy, bawal ang cellphone dito!" pagsita niya kay Sabel nang bigla siyang mapatingin sa rear mirror.

"Hindi naman ako nagcocall," depensa ni Sabel. "Tinitingnan ko lang kung may wifi."

"Ano, meron ba?" usisa ni Tina.

"Wala eh," panghihinayang na sagot ni Sabel.

"Alam nyo, maganda na rin na walang internet dito," sabat ni Randy.

"At bakit naman?" tanong ni Tina.

"Aba syempre, kung may internet dito, malamang sa malamang, yung mga pictures natin eh na upload na. Eh di bistado tayo ng mga magulang natin pag nakita nila ang mga fb natin. Pagdating natin ng bahay eh siguradong lagut tayo," sagot ni Randy.

"Oo nga tama si Randy," sabat ni Marvin.

"Pero alam n'yo, kahit hindi tayo mag-upload ngayon ng pictures eh sigurado, pag-uwi natin ng bahay eh pagagalitan tayo ng mga magulang natin," dagdag ni Randy.

"At baket?" maarteng tanong ni Sabel.

"Eh paano naman, sweet, oras na malaman nilang nagbeach tayo nang walang paalam, siguradong sabon aabutin natin!"

Ang Lihim ng LunangayinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon