Chapter 32

1.3K 65 6
                                    

Katatapos pa lang maghugas ng pinggan noon ni Luna nang magulat siya sa muling pagtunog ng kaniyang telepono. Hindi pamilyar ang numero na lumabas dito, kung kaya't nagdalawang isip siyang sagutin ito.

Nang nangibabaw sa kaniyang isipan ang mga kaibigang nagpipilit na siya'y kausapin, pinagmasdan na lamang niya ang telepono at hinayaan itong kumililing. Inisip na baka isa lang ito sa mga kaibigan niya. Ngunit nang manahimik ang telepono, isang mensahe ang kaniyang natanggap.

Halos mabitawan ni Luna ang telepono sa pagkabigla nang mabasa ang mensaheng iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos mabitawan ni Luna ang telepono sa pagkabigla nang mabasa ang mensaheng iyon. Ilang sandali lamang, muling tumunog ang telepono.

"Hello?" mabilis na sagot ni Luna.

"Hello, Luna? Si Isko ito," sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Isko! Kumusta?" hindi maitago ni Luna ang pagkasabik sa kausap.

"'Eto, nagpakalayu-layo. Nasaan ka nga pala?"

"Narito ako sa Pangasinan, sa Villasis. Kayo ba? Nasaan kayo?"

"Dito ako sa Maynila ngayon."

"Ah nasa Maynila ka pala. Eh s'ya nga pala, kumusta naman si Inay? Pwede ko ba s'yang makausap?"

"Ah eh, Luna, bale kasi hindi kami magkasama ngayon. Sa pagtakas kasi non sa barrio, diretso na ng tungo noon sa Laguna. May kakilala kasi ako doon, kaya doon dumiretso pagkaalis ng Lunangayin. Bale naiwan don ang inay mo't kapatid ko. Hindi ko sila magawang maisama dito sa Maynila. Alam mo na, delikado eh. Nag-iingat lang ako."

"Ganun ba. Eh, ano nga palang ginagawa mo d'yan sa Maynila?" nagtatakang tanong ni Luna.

"Akala ko kasi dito ka nagpunta nung umalis ka ng barrio kaya narito ako ngayon at nagbabakasakaling mapuntahan at makita kita."

"Ganun ba. Pero malayo ako d'yan sa Maynila. Dito ako sa Pangasinan. Kung alanganing maibiyahe mo si inay, ako na lang ang pupunta sa Laguna. Saan nga –"

"Pupuntahan na lang kita d'yan," mabilis na sabi ni Isko. "Susunduin kita. Pagkatapos, diretso na tayo ng Laguna."

"Ah, osige," masayang tugon ni Luna. Hindi na siya mahihirapan pa sa pagco-commute papuntang Laguna. "Ganito na lang ang gawin mo. Mag NLEX, SCTEX at TPLEX ka para hindi ka matagalan sa biyahe. Tapos sa TPLEX mag-exit ka sa Carmen. May terminal ng bus doon sa SM Rosales. Doon na lang tayo magkita para hindi mo na hanapin tong lugar ko. Malapit lang din naman ako doon."

"Osige," sagot ni Isko. "Hindi ko kabisado ang daan kaya magtatanong tanong na lang ako. Tawagan na lang uli kita mamaya pagdating ko ng Rosales."

Malaki ang ngiti sa mga labi ni Luna matapos nilang mag-usap ni Isko. Sa wakas, hindi magtatagal at makakapiling na niya ang kaniyang ina. Malaki ang pasasalamat niya sa ginawa ni Isko para sa kaniya. Kung hindi dahil sa binata, maraming tao na mahalaga sa buhay niya ang nawala.

Ang Lihim ng LunangayinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon