Chapter 18

1.3K 55 4
                                    

Hindi maipaliwanag ni Krisanto ang nararamdaman ng gabing iyon. Sa ilalim ng bilog na buwan, nakatayo siya sa gitna ng bukirin hawak ang isang gulok. Sa kaniyang paligid, animo'y mga punong-kahoy na walang dahon ang mga itim na pigurang nakapaligid sa kaniya. At ang mga maliliit na ilaw sa paligid ay para bang mga alitaptap na hindi gumagalaw. Sa kaniyang paanan, isang malaking hugis isdang nakabalot sa puting tela ang nakagapos sa kawayan. Sa marahan nitong paghinga, tila ba naghihintay na ito ng kaniyang kamatayan.

Ang mga pulang guhit nito sa katawan ay para bang nang-aakit sa hawak na gulok ni Krisanto. Para bang inuutusan siya nitong iguhit ang hawak niyang patalim.

Dahan-dahang inilapit ni Krisanto ang gulok sa pigurang nasa kaniyang paanan. Nang ipinadaan niya ang talim ng itak sa unang guhit, pumuslit ang dugo nito. Mabagal niyang ginuhit nang sunud-sunod ang gulok sa mga natitirang pahalang na marka. At dahil dito, masaganang dumaloy ang dugo sa lupa.

Binitiwan ni Krisanto ang hawak na itak at ito'y tumusok sa lupa. Siya'y napaatras at nagtaka sa pag-iiba ng kulay ng lupa. Tinalikuran niya ito at pasuray-suray siyang lumayo rito habang sa magkabilang gilid ay nakahawak siya sa dalawang punong walang dahon na sumusunod sa bawat hakbang niya.

Ang Lihim ng LunangayinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon