Chapter 1

72 2 2
                                    

Chapter 1

"Sam, naman," nakasimangot na reklamo sa kanya ng kaibigan niyang si Ru. Nasa isang pastry shop sila malapit sa kanilang eskwelahan at inaya siya nitong mag-malling bukas ng Sabado.

May lakad siya kaya kahit pa mahal na mahal niya ito hindi siya puwedeng magbago ng schedule. Mapupunta sa wala ang mga nailatag niyang plano. All was set. She only needed to wait for Saturday to come.

Using her index finger she lifted up her friend's chin. "Stop pouting," sabi niya, "that won't work."

She hated turning down a friend's offer lalo na kapag AG's ang nagyaya. But, could she blame herself? Hindi lang talaga siya puwede bukas. Isa pa, puwede naman silang pumunta ng mall sa gabi.

"Kung gusto mo, sa gabi puwede ako." Sam smiled to her wishing an easy way out. Hindi magandang ideya kung uusisain siya nito at magtatahi naman siya ng mga kasinungalingan. Alangan naman sabihin niya rito ang plano niya bukas.

Could she tell her she's stalking a guy? Probably, yes. Pero ayaw niyang ini-interrogate. At saka paulit-ulit lang siyang mai-interrogate, not to mention paulit-ulit na aasarin. Kaya ayaw niyang magkuwento in full details.

Umayos ng upo si Ru. "Fine," sabi nito, finally. Sam let out the air she was holding inside her chest. Nagi-guilty kasi siya. "But you have to treat me tommorow night sa Cazadi Restaurant," patuloy nito.

Nagliwanag ang mukha niya. Nakalusot siya sa pagkakataong ito, buti na lang. "My treat," sabi niya rito.

Kinabukasan, alas kuwatro ng madaling araw ay binulabog na siya ng ingay ng alarm. Kinuha niya iyong unan saka dumapa at tinakip sa kanyang tenga. Sinubukan niyang matulog ulit.

Kaso alam niyang ganun ang mangyayari kaya naman nang i-set niya kagabi ang alarm ay itinodo niya ang volume nito. Ngayong umalingawngaw na ang alarm sinisi niya ang sarili sa pagiging determinado kagabi. Inis siyang bumangon. "Gooossshhh!" Binato niya ang unan kung saan nakasabit ang wall clock. Kaso wala doon ito. Bumibirit pa rin ang alarm niya.

Napatigil siya.

Nang maalala niyang itinago niya iyon kagabi sa kung saan ay para siyang dragon na bumuga ng apoy. "JERON VALENCIO! I HATE YOOOOUUUU!"

She lazily crawled on her bed and fell badly down. Her face hit the floor and it ached like someone slapped her. She gathered to her feet with raging eyes and frantically search the whole room to kill the noisy machine. Di na niya kayang i-take ang ingay.

Wala sa ilalim ng kanyang kama. Wala sa bathroom o CR. Wala sa mga closet niya. Wala sa shelf. Wala sa ilalim ng couch. Sumuko siya sa paghanap.

Tinakbo niya ang kuwarto ng pinsan, three rooms from her.

She pounded the door like there was a fire emergency in their house. "Chika! Chika! Gumising ka na! May lakad pa tayo! Iyong orasan ang ingay!"

Ang baklang iyon, marahil ay tulog pa, sabi niya sarili habang patuloy na kinakalampag ang kawawang pintuan.

Si Chika ay kanyang second cousin niya sa mother side. Halos magkasing edad lang sila, nauna lang ipanganak ng dalawang buwan si Chika. Christian Belmonte ang totoong pangalan nito at ang Chika ay palayaw na binigay niya.

The door swung open and she outbalanced forward. Kung hindi sa pagsalo sa kanya ni Chika ay baka nagkabukol siya sa noo.

"Your highness," sabi nito sa matinis na boses saka diretso siyang tinayo. Pinasadahan nito ang suot niyang ternong pantulog. "Ba't di ka pa nakabihis?!"

It was now her turn to scan Chika. Nakasuot ito ng white tee saka gray na jogging pants. Nakasapatos na rin ito at may nakasampay na white towel sa leeg. Nagtaas siya ng kilay. "Excited?"

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now