Chapter 45

23 1 0
                                    

Chapter 45

"Kuya Keith? Kuya Kobi?" asked Sam in whisper her heartbeats echoing sounded louder to her ears.

Ang mga kuya niya at si Jeron nagpang-abot mismo sa harapan ng kanyang unit! Anong gagawin niya?! Mas malaking problema kapag malaman ng mga ito na kapitbahay niya ang binata. Pero hindi pa ba obvious sa dalang kaserola ni Jeron?

Kung siya parang may daga sa dibdib, ano kaya ang nararamdaman ng binata ngayon? Sa nakikita niya kasi wala man lang itong pag-aalala sa mga mata. Sa bagay siya lang naman itong takot na mabuko ng kanyang mga kapatid. Kung  alam lang ni Jeron ang tungkol sa mga ito.

And now she realized when she had started fearing his brothers. It was during her last year in highschool, nang makita mismo ng mga mata niya kung paano pinagtulungan ng kanyang Kuya Kobi at Kuya Keith ang kawawang schoolmate niya na nagtitiyagang manligaw sa kanya noon kahit ilang beses na niya itong tinanggihan.  Sa pagkakaalam pa niya, hindi ito nakapasok ng isang linggo dahil sa na-ospital ito.

Hindi niya alam kung ilang segundo siyang nakatanga sa may pinto pero saka lang siya natauhan nang magsalita ang kanyang Kuya Kobi, "Hindi mo man lang ba kami papapasukin, Kylie?"

"A-ah," utal niyang sabi saka linuwagan ang bukas ng pinto, "sorry, mga kuya. Nasorpresa lang talaga ako sa pagdating niyo."

"Gusto ka talaga naming sorpresahin," sabi ng kanyang Kuya Keith pagkapasok sa unit.

Silang dalawa naman ni Jeron ay naiwan sa labas. Walang umiimik sa kanilang dalawa pero nag-usap ang kanilang nga mata.

"Hindi mo ba papapasukin ang bisita mo, Kylie?" singit ng Kuya Keith niya na ngayon ay nakahawak sa may pinto.

Bisita? Mas lalo siyang kinabahan. Alam niyang may alam na ito na boyfriend niya ang lalaking kaharap pero tinawag pa rin ng kuya niya na bisita. Kung dati maabutan lang siya nitong nakikipag-usap sa lalaki boyfriend na agad ang tinatawag nito, ngayon bisita. Mas lalo tuloy siyang nahirapan sa sitwasyon.

"Ayos lang naman siguro sa kanya kung nandito kami, diba?" patuloy ng kuya niya.

"No problem," sagot ni Jeron saka umuna sa loob ng kanyang bahay.

Sinenyasan siya ng kuya niya na pumasok na rin. She got inside and her Kuya Keith closed the door for her. With her brother walking behind her, Sam felt like she had entered a tribunal court.

Habang nililibot ng tingin ng kanyang Kuya Kobi ang kabuuan ng unit, si Jeron nama'y inilapag ang dalang kaserola sa center table.

Damang-dama niya ang tensyon sa loob ng bahay. Parang kahit anong oras may bombang sasabog. At ayaw niyang mangyari iyon dahil mahahalaga sa kanya ang mga taong naroon. Kung sakali ay hindi siya makakapili kung sino ang sasagipin. She wished she was prepared enough to dismantle the bomb before it could explode.

"I get bowls for us," sabi niya saka tumakbo ng kusina.

Mangkok at mga kutsara lang ang kanyang kinukuha sa kusina pero kung pagpawisan na lang siya ay parang tumayo siya ng isang oras sa gilid ng isang kumukulong kawa. Of course, they know. Sinadya nilang hindi sabihin sa akin. Paano na lang pala kung kanina ang mga ito dumating at nahuli siya na lumalabas mula sa ibang unit. Tiyak na pagbibibintangan ng kahit ano ng mga ito si Jeron at kakaladkarin naman siya pabalik ng mansyon.

Her ate's past relationship left a traumatic experience to both her brothers. And it haunted them till now. Sana lang at hindi ng mga ito saktan si Jeron. Sana hindi ito matulad sa dati niyang schoolmate...

Pagdating ni Sam sa labas nakaupo na ang tatlo't naghihintay na sa kanya. Tumabi siya sa kanyang mga kuya. Si Jeron sa couch kasi nakaupo. Ilang sandali din silang nakaupo lang doon ng walang imikan. Parang nagsusukatan silang apat. Sa sobrang tense, hindi niya tuloy alam ang gagawin. Pakiramdam niya'y ang simpleng pagkilos ay magiging isang napakalaking sugal. That good or bad it would lead to another event. Buti na lang at kinuha ni Jeron ang takip ng kaserola at doon lang niya naalala ang kinuhang mga mangkok.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now