Chapter 27

12 0 0
                                    

Chapter 27

Hindi si Sam nakakurap sa sinabi ni Jeron. Pagkatapos ng mga pangaalipusta nito sa kanya, siya liligawan nito?! Sa wakas! Sa wakas nagbunga rin ang mga pinaggagawa niya!

"Lollifat," sabi ni Jeron sabay wasiwas ng palad sa harap ng kanyang mukha. "Still there?"

She blinked, looking down again. Hinanap niya sa sahig ang sarili. Parang kumawala sa katawan niya ang kanyang espiritu. Hindi pa rin niya lubusang mapaniwalaan na sinambit ni Jeron ang tungkol sa bagay na iyon. "Ahm..Ah..Ah.."

Wala siyang masabi kaya nagtanong na lang siya. "Ano ulit ang sinabi mo?"

Jeron smirked and then caged her in his stares again. Maiintindihan niya kung hindi na nito uulitin pa. Para na rin kasing sinabi nito na gusto siya nito. She was used to Jeron who always ignored her, who never said she's pretty, who made her feel unlikable. And now?

"May magagalit ba kung liligawan kita?"

Nanlaki ang mga mata niya na parang nakakita ng dinosaur sa kasalukuyang panahon. Inulit nito! Kaya naman naulit rin ang naging reaksyon niya. Her knees went jelly that at any time she'll be kissing the cold tiles. Her stomach did a big flip.

This can't be real. This can't be real.

Sam managed to shake her head, saying none, putting a sighing smile on Jeron's face.

"So?" he asked, pausing his breath.

Still disoriented, Sam's reply was, "Pag-iisipan ko muna."

Sam wished she could take back what she'd said. Kaso huli na, nasabi na niya. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Jeron para malito siya ng ganun.

"Ano?" kumunot ang mga noo ng binata saka ipinilig ng kunti ang ulo. "Akala ko ba gusto mo 'ko?"

Na-corner siya nito. Oo nga. Ano pa ba ang inaarte niya? Was she playing hard-to-get again? "Eh sa pag-iisipan ko nga!" she concluded, flushing beet red.

A smile hid on his lips. "Okay."

Yumuko siya. Damang-dama niya ang init sa pisngi at nahihiya siya na baka mas mapula pa siya sa kamatis. Kaharap pa naman niya ang letsugas.

"Think about it tommorow," sabi nito saka naramdaman niya ang paglatag ng kamay nito sa kanyang ulo. "Matulog ka na, may klase ka pa bukas... Goodnight."

She felt his hand lifted off and saw his feet stepped away.

Kinabukasan, sa una niyang subject, wala sa kanyang professor ang isip ni Sam. Dito siya nakatingin pero ang diwa niya ay nasa kanyang unit (nakaupo siya sa couch, nakanganga sa hangin, at nire-rewind ang nangyari kagabi).

"Yes, miss," sabi ng kanyang 55-year-old prof na ngayon ay sa kanya nakatingin, "I'm talking to you. I said, would you mind sharing your insight about how my idea would work in that situation."

Patay. Anong ideya nito ang mag-wo-work sa anong sitwasyon? Last thing na naaalala niyang sinabi nito ay financial system. Bukod dun, wala na.

"Uhm-Sir-I would like to-to keep my-my insight to myself," nahihiya niyang palusot saka nagtawanan ang buong klase.

Wala siyang ideya kung ano ang tinutukoy nito. Mas lalo naman siyang magmumukhang ewan kung magkukunwari siyang may alam at kahit ano lang ang sabihin niya.

"Such selfishness, miss," komento ng prof. "I suggest you pay attention while I'm doing my lecture."

Dumausdos siya ng kunti sa upuan na parang gusto niyabg magtago sa ilalim ng kanyang desk. "Got that, Sir," pakumbaba niyang sabi. "Sorry."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now