Special Chapter 2: Surreal

13 0 0
                                    

021420

SPECIAL CHAPTER #2

JERON

Seeing Sam's smile at his indirect proposal, Jeron pulled his lips up. "You mean you'll marry me?"

It started from an unexpected encounter. Unang beses siyang nasigawan ng babae. Then out of nowhere, he just found her bothering him nonstop. Sumusulpot kahit saan na parang kabute. Binibuwisit siya nang walang tigil. Highschool ended and Sam was still stalking him.  Pareho sila ng university na pinasukan. Hindi siya makapaniwala sa pag-aaksaya nito ng oras sa kanya.

He got accustomed to her presence, and out of his knowing, found himself slowly getting attached to her.

He transferred to England to finish his study and when he came back, he was expecting Sam to have forgotten him, knowing she had a big circle of friends and a colorful world around her, but he was wrong. Naging parte pa rin siya ng mundo nito. For someone as boring as him, he did. He then thought that Sam's unendless games might have been rooting from something genuine; she wasn't just a screw-loose.

Their relationship went deeper, and found himself confessing to her. Ngunit pumagitna sa kanila ang pag-aaral nito. Nagpaubaya siya. Naghintay. Tiniis niyang mahiwalay dito kahit dumadating siya sa puntong gustong niyang lakarin ang kunting distansya ng mga unit nila at yakapin ito.

Waiting for her graduation was hard. Random things worried him. Ang mga kapatid nito, ang responsibilidad na naghihintay dito, ang pagiging sapat niya para rito.

They became an official couple at last. At gaya ng inaasahan kumontra ang dalawang kuya nito. He got badly bruised from their hands. Binalewala niya iyon. Pero nagbago iyon nang makita niya kung anong takot ang dinala niyon sa dalaga nang makita ang mga iyon. He realized that he had to take care of himself for not only for him but for Sam as well.

Then Ross became a problem. Hindi niya masabi kay Sam hanggang sa ang dalaga na mismo ang nakaalam. He tried to protect her but ended up hurting her the most.

Sam left and nowhere to be found. Kahit ang mga kaibigan nito walang alam. He deserved the hate, but did not give up.  He couldn't bear the thought of her totally leaving him.

Now he was looking at her. Sa lahat ng pinagdaanan ng kanilang relasyon umabot din sila sa puntong itatanong niya rito ang pagpayag nito na makasama siya habambuhay.

Nanaginip ba siya? That was the perfect time for Sam's brothers to punch him.

Sam obliged a smile prior to a pout. "Oo kahit ganito ka lang mag-propose tapos wala pang singsing. Gosh, wala talagang sinabi sa 'yo ang ganda ko."

Natigilan siya.

Oo nga. Mahalaga sa mga babae ang mga  ganoong bagay at dapat na pinaghahandaan. Pero naghanda naman siya. Naghanap siya sa youtube ng magandang ideya para mag-propose. Some were too much for his taste but he got the gist. Pinag-isipan at dapat ma-surprise ang babae.

He looked at her, feeling down. Sablay na naman siya. Hours ago he promised himself that he would put effort but look where he was now.

Sam gave a laugh as she peered into his eyes. "Di mabiro?"

Hindi siya nakasagot dahil nakonsensya siya. He was taking her for granted.

Sam closed the space between them. "Don't make me feel bad pulling off that joke. Seryoso na biro lang talaga iyon. Kahit tanungin mo pa ako ng naka-apron lang sa kusina, yes pa rin kaya sagot ko. Kahit ano basta ikaw, kikiligin pa rin ako."

Iniyakap niya ang mga kamay dito.

There she was again. Hindi ito nagsasawang ipamukha sa kanya kung gaano siya nito kamahal. He was insecure and she took care of his feelings right away.  Parang palagi itong nakabantay sa bintana ng kanyang kaluluwa at sinisiguradong masaya siya lagi.

Mischief taking over instantly, he asked, "Naka-apron? Ano namang gagawin mo sa kusina, di ka naman marunong magluto?"

Biro niya lang din pero para niyang nakitang naningkit ang siyang maliliit na nitong mga mata at nagsalubong ang mga kilay sa reaksyon nito.

"Panira ka talaga!" sabi nito sabay kurot sa kanya. "Di ba pwedeng maghuhugas ng pinggan?!"

Tumawa siya. "Loko lang."

He missed that kind of moments. He missed annoying her. He missed the banters. He missed her spoiling him with cheesy comebacks. He missed her voice. He missed holding her. He missed everything about her.

Hinigpitan niya ang yakap dito. "Thank you that it's you."

---End of Chapter---

090620

Date Published: September 13, 2020

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now