Chapter 17

21 1 0
                                    

Chapter 17

Kahit nasa salon ng kanyang auntie kasama si Chika para mag-relax ay di pa rin maiwasan ni Sam na ma-stress kapag naaalala niya ang sinabi ni Jeron.

"Huwag ka ng mag-aksaya ng oras at pagod. I don't like you and your efforts wouldn't change it."

"Nakasimangot ka na naman diyan?"

Nagbalik sa kasalukuyan ang kanyang isip ng marinig ang boses ng pinsan. Nilingon niya ito. Nagbabasa si Chika ng magazine sa may settee. "Ayaw niya ba talaga sa akin?" tanong niya ng nakasimangot pa rin.

"Sino si Jeron?" maang na tanong nito.

Mas lalo niyang gustong magmukmok pagkadinig sa pangalan ng taong hindi nagpapatahimik sa kanyang isip."Sino pa nga ba..."

Tuloy sa pagpahid ng pantina ang babae sa bawat sections ng kanyang buhok. Nagpa-highlights siya para mabago naman ang itsura niya kahit kunti. Ganun talaga siguro 'pag busted may binabago sa sarili.

Maganda naman ako. Ano kayang problema niya? Himutok niya sa sarili habang nakatingin sa mahabang salamin sa harapan.

"Your highness," sabi ni Chika. "If Jeron doesn't like you then he doesn't like you. Walang ka ng magagawa roon. Ano, pipilitin mo siya?"

Ganun din ang sinabi sa kanya ni Jeron.

"Eh anong gagawin ko?"

"Ituon mo ang iyong atensyon sa ibang bagay."

She thought of malling, eating, and even their upcoming vacation with her friends in AG's.

"It won't work," rason niya. "Ngayon nga naalala ko pa rin ang sinabi niya sa akin kahapon."

"Na ano? Na hindi ka niya gusto?"

She narrowed her eyes. "Ugh." Ang sakit na ngang isipin ang sakit pa sa tenga niya.

Lumapit sa kanya si Chika saka kumuha ng upuan. "Baka naman natsa-challenge ka lang kay Jeron?" tanong sa kanya nito.

Nag-isip si Sam. Had Jeron been a challenge to her? "Baka?"

"Alam mo, Samantha, kung ako lang gugustuhin kong layuan mo na lang yan si Jeron e, kaso kilala kita, hindi ka titigil..."

Chika's right. She wouldn't give up that easy. Kapag may ipaglalaban, ilalaban niya.

"So," wika niya, "ano nga?"

Kinuha nito ang isang manipis na suklay saka ipinadaan sa buhok nito. "Kunin mo iyong unang pakay mo sa kanya. Iyong pinagsimulan ng lahat ng 'to."

Sam eyed her cousin. "Ang maging girlfriend niya?"

Chika said, "Ang kainisan siya tulad ng dati."

Kainisan si Jeron. She had to hate him. Hate him.

Sam remembered who Jeron really was. He was the last person who insulted her weight. He was the one who made her feel like the plankton in the ocean. He was the person whom she wanted revenge from.

She didn't like Jeron.

And that was final. Her mission was reinforced.

Ready na ulit siya. Kailangan lang niyang tandaan na hindi niya gusto si Jeron. Hindi siya dapay magpauto sa kunting kabaitan na ipinakita sa kanya nito.

She hated him.

Pumunta si Sam sa kaibigang si Ru para sa mga bagay na gusto niyang malaman at bigyan ng kunting eksplanasyon. Hirap naman kasi ng NBSB. Wala siyang wisdom tungkol sa pakikipagrelasyon. Hanggang crush lang siya. Salamat sa dalawang kuya niya na bantay-sarado sa kanyang lovelife.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now