Chapter 26

25 1 2
                                    

Chapter 26

Unang araw iyon ng enrollment para sa first sem kaya maagang umalis ng bahay si Sam. Ayaw niyang maipit sa traffic at gusto niyang mauna sa accounting para sa pagbabayad ng tuition.

Paglabas niya, nakita niyang lumabas din ng unit nito si Jeron. Pareho pala silang maaga para sa araw na iyon.

Hindi niya iyon pinansin, kunwaring hindi ito nakita. Mabilis niyang tinahak ang elevator. Ayaw niyang sumabay dito. Ewan ba niya pero sobrang nagtatampo siya. Ni hindi man lang binalik ang teks niya. Ano iyon? Tinatamad lang mag-text o talagang isa lang siyang nobody na hindi dapat pag-aksayan ng lugar sa sent items nito?

Ano pa man iyon, deadma siya dito.

She long pressed the close button para hindi makasakay si Jeron. Bahala na itong maghintay ng susunod na hinto.

Sa akin lang ba siya ganito kasungit? Pangit ba talaga ako kaya ayaw niya sa akin?

Nanalamin siya sa pinto ng elevator at inayos-ayos ang buhok. Wala naman problema, ah. Sinubukan niyang ngumiti para lalo siyang gumanda sabay hagod ng kanyang bangs.

To her surprise the elevator opened.

Sinalubong ni Jeron ng mga blangkong tingin ang mga nanlalaki niyang mata. Ibinaba niya ang kamay saka napaatras siya sa gilid ng pumasok ito. Nasa harapan niya ang keypad pero si Jeron ang umabot nun dahil naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan.

Ang gaga. Hindi ko pala napindot kanina kung anong floor.

Pagdating nila ng groundfloor hinintay niyang maunang lumabas si Jeron (ayaw niya talagang sumabay!) subalit ito rin pala ay pinauuna siya. Gentleman ba daw.

Ugh. Mabilis niyang iniwan ito roon ng walang lingon-lingon. Siya na ang tampururot pero sa araw na iyon ay gusto lang muna niyang dumistansya sa binata.

Tamang-tama pagdating niya sa parking ng condominium ay naka-park na si Chika. Dito siya sumabay kaya hindi na siya nagpasundo sa kanilang family driver. Mag-e-enroll din kasi ang kanyang pinsan.

"Aga-aga ganyan ang mukha mo," panimula sa kanya nito saka binuhay ang makina ng sasakyan. "Anyare?"

Humalukipkip siya. "Pa'no naman kase, pinaghintay ako ng letsugas na iyon ng reply niya sa text ko."

"Hindi siya nag-text."

Nasisira ang mood niya kapag naaalala ang paghihintay niya kagabi sa wala. Ni simpleng good night wala.

"Ba't ka naman kase naghintay, your highness?" patuloy na sabi ni Chika.

"Para't ano pa na may number siya sa akin kung hindi naman niya ako ti-text?" katwiran niya.

Naguluhan si Chika. "Hiningi niya number mo?"

Ayun lang. Napaisip siya saka inis na hinipan ang bangs. "Hindi."

Siya ang humingi ng number nito, no, siya ang kumuha. Hindi pala nito binigay. Bakit naman hindi niya kukunin? Katrabaho nga ni Jeron may contact dito, siya wala? Close naman sila, ah. Dalawang beses na siyang nakikain sa bahay nito, paalala ulit.

"Ba't mo pa kasi hinintay ang reply niya?"

Hinintay niya kasi nadala siya sa sinabi ni Jeron sa intercom. Akala niya mahalaga siya rito, kaya na niya itong maabot, hindi na siya nito itutulak palayo. "Sabi mo kasi may gusto na siya sa akin," sabi niya.

Natawa sa kanya si Chika. "So, kasalanan ko?"

Pinalo niya ito sa braso. Nang-aasar na naman ang kanyang pinsan. "It's your fault. Pinaasa mo lang ako."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now